Etong yugtong to, ikekwento ko yung mga awayan namin ni Hart simula nung naging kami..
Siyempre sa isang relasyon hindi naman pwedeng hindi kayo nag-aaway diba? Dahil walang ganun.
Lagi naming napag-aawayan unang-una ay ang SELOS.
Ako kasi yung taong madali mafall. At si Hart yung taong sobra sobra kung magmahal.
May mga time na nagkakagusto ako. Nalalaman ni Hart kaya nag-aaway kami. Pinagsisisihan ko nanaman yun eh. Aminado ako, na hanggang ngayon, LOYAL lang ako kasi adik ako kay BRIAN PUSPOS. SIya yung kinaaadikan ko ngayon. Pero alam naman ni Hart na hindi naman pwedeng maging kami ni Puspos nu! Hahahahahaha!
Si Hart?
Super duper FAITHFUL niyan. Super seloso. Super protective. Super baet, pero minsan napupuno ko na yan. Grabe ang pasasalamat ko diyan kay Hart. Sobrang tinitiis niya kagagahan ko.
Kaya nagpapakabaet na ko eh. Ayoko kasing masaktan si Hart. Isa siya sa mga pinaka-iingatan kong tao. Hindi ko siya iiwan. Mahal na mahal ko yan si Hart.. SOBRA SOBRA.
Nagkakaron din kami ng away kahit sa maliit na bagay. Hahahaha! Ganito talaga kami.
May time din na nung 1st sem, naines ako kasi ang tagal kong naghintay sa kanya, tapos kasama ko friends ko hanggang lrt di kami okay. Nasa side ako ng girls kasama friends ko, tas siya kasama niya friends naming sa LCC kasama na si Kisses doon at Angela (TFs).
Hanggang sa pagbaba ng Monumento station, ako na lang mag-isa tapos nung sumakay na ko sa jeep, wala akong katabi. Tapos bigla siyang (Hart) sumakay sa jeep.
Nung una hindi ko siya talaga pinapansin. Hanggang sa nagkatinginan kami, bigla na lang kaming nagngitian. Hahahahahaha! Alam ko abnoy kami, pero totoo talaga yan.
Halos lagging nangyayare yan pag nag-aaway kami. Isang ngiti lang, Bati na!Hahahahaha!
.....
Kaya pala ‘Better than I know myself’ yun pamagat netong yugtong to yun ay dahil, sinabi sakin ni Hart na pakinggan ko yung ‘Better that I know myself’ ni Adam Lambert. Tama si Hart. Kanta ko nga sa kanya yun! Hohoho. Pakinggan niyo na lang. Maganda yun promise.
.....
Maganda din pala yung kantang ‘Turn Around’ ni Bruno Mars. Isa yan sa mga paborito naming dahil tagos talaga sa amin yang kantang yan! Hahahaha!
EN: VOTE PLEASE!
BINABASA MO ANG
To infinity and beyond #EtoAngStoryaNamin
NonfiksiIsang TRUE STORY mula sa Author. Gusto kong maka-inspire ng ibang magkarelasyon. Nawa'y makaranas kayo dito ng Saya, Galit, Selos, Tampo at Kilig. :) @ninjalimpuspos (twitter) ninjalim.tumblr.com (tumblr)