CHAPTER 2

298 7 3
                                    

CHAPTER 2: Ang Buhay


{FELIZA'S POV}

"Maam Feliza, may gusto pong kumausap sa inyo. Sabi niya isa daw po siyang attorney ng Familia Del Valle Estras." tanong sa akin ng isa naming nakakatandang kasambahay.

"sige ho manang Sel, papasukin niyo." agad din naman niya akong sinunod.  Maya-maya pa'y dumating rin siya kasama ang isang lalaking hula ko'y nasa mid's 50 ang edad.

"Ms. Feliza Del Valle Estras, right madam? " iniayos pa nito ang kanyang eyeglass bago tumingin ulit sa akin.

"Mrs. Feliza Estras Palmor na po ako ngayon, Tito Rafael. " bahagya pa akong natawa, ngumiti siya akin.

Natatandaan ko pa nung pumupunta siya sa amin, pinapakilala siya sa akin mommy at daddy bilang aking tito Rafael. Matalik na kaibigan ni Dad at ni Mom, siya daw ang lubos na pinagkakatiwalaan sa lahat. Mas tumanda na talaga siya ngayon, di tulad noon, napakakisig niya pa at matikas kung tumindig, pero ngayon, ang bilis ng panahon, medyo nakikita ko na ang malalaking kunot sa kanyang noo, na tila ba nanatili na ito.

Agad akong lumapit sa kanya at nagmano, niyakap ko siya.

"Tito Rafael, hula ko, hindi ka nag-asawa noh? " hindi ko na napigilan at natawa na ako ng lubusan.

"ikaw talagang bata ka, mas nauna ka lang sa akin."

"maupo po muna kayo, " inalalayan ko siya sa pag-upo.

"salamat po manang Sel, " pagsasalamat ko rito matapos niyang ilapag sa mesa ang juice at biscuit na inihanda niya.

"bakit po kayo naparito Tito, pumunta lang po ba kayo rito para sabihing namiss niyo ko? " napangisi ako sa aking tinuran.

"ikaw talagang bata ka, mapagbiro ka pa rin kahit dalagita ka na."

"alam niyo naman po na crush ko kayo noon pa man, diba? Pero ngayon, hmmm. " tinignan ko siyang mabuti. Hindi na siya flawless, pero makisig pa rin. "pag-iisipan ko muna, ayy, di na pala, kasi may asawa na ako. " natawa na rin kaming dalawa.

May tumikhim sa taas ng hagdan, at napatingin kaming dalawa ni Tito Rafael,

"may I join Hon? Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ha, "

Agad din akong napatayo at inabangan siya sa ibaba ng hagdan.

"Czar, si Tito Rafael, remember?"

"oh," nakipagshakehands ito kay Tito, "yeah, your first crush, " medyo maasim ang tingin nito ah. Hindi ko na napigilan at tinawanan ko siya.

Once Upon I Fall (on-going) #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon