Choose who you'll mess up with...
"Naly, tara na malelate na tayo!"
"Wait lang. Five minutes pa. Please?"
"Iiwanan talaga kita. TATAYO KA BA O TATAYO!?"
Sumisigaw na naman siya. Ang bff ko... Si Cheska. Cheska Valdez. First day ngayon ng school. At first year college na kami. We're on the same course, BA Film. We really want to be famous directors someday. Siyempre dito kami nag-aaral sa university na nagooffer ng best film course dito sa Pilipinas. Ang St. James University. My family is rich. We own a chain of hotels and restaurants in Asia. Pinipilit ako ng parents ko na mag Business Management or Culinary Arts. Pero matigas ang ulo ko. Ako nga pala si Nathalie Sophia Enriquez. My friends call me "Naly" (obviously!). And what Naly wants, Naly gets.
Actually, mabait naman talaga ako. Baka sabihin ninyo masama ugali ko... I just love to play and hang around. Pero ibang laro ang ginagawa ko. Yung tipong may masisirang buhay. Kaya kinatatakutan ako ng iba eh. Pero hindi naman ako pumapatol sa weaklings no? Ang mga pinaparusahan ko lang ay yung mga jerk na lalaki. Yung mga mahihilig makipaglaro at manira ng buhay ng mga babae. Nakakainis sila!!!! (May pinaghuhugutan ba ako??? MEDYO.HEHEHE)Mas challenging kung kinatatakutan sila ng lahat. Iba kasi yung pakiramdam kapag naturuan mo ng leksyon ang isang tao. Simple lang naman akong tao dati. Pero ngayon...
Ako na ang nagiging GAME MASTER...
at HINDI PA AKO NATATALO.
Ayun mabalik tayo sa aking bff. Tumayo na rin ako agad at nagbihis. Medyo nakakatamad pero first day eh. Wala na akong magagawa. Gusto ko ding mameet ang schoolmates ko. Malamang sa malamang mayroon na naman akong bagong mapaglalaruan.MWAHAHAHAHAHA!!!! *evil grin*
"Nals, alam ko yang iniisip mo. Hay... First day ngayon. Pwede bang bukas na lang. Baka malasin tayo buong school year."
Ang lakas talaga ng radar ng bff ko.HAHAHA.
"Hindi naman ako magsisimula agad. You know, i'll take my time on choosing my first prospect."
"O sige na. Basta binalaan na kita dyan ha? Baka dito mo na mahanap ang katapat mo. Mag-iingat ka."
"Walang makakatalo kay Nathalie Enriquez. Trust me."
At ayun nga. Dun na natapos ang convo namin. Malapit na kami sa school. Syempre inihatid kami ng napakabait namin chauffer na si Mr. Kim.
Pag pasok ko ng campus....
Ah ok. Malaki yung campus. Mukhang marami akong pagtatambayan. Lahat ng klase ng tao andito. Pero karamihan dito elites. Kasi nga mahal ang tuition. Pero marami ding napasok na commoners dahil may scholarships naman dito at mga student assistants kemerluu...
Nung pagpasok namin, nakatitig ang karamihan sa amin.
"Is she the famous Ms. Natalie Sophia Enriquez?", sabi nung isang girl.
"Oo! Siya nga yun. Ang ganda nga niya!", sabi ni girl 2
Talaga! Maganda ako! BWAHAHAHAHA!!!!
Sa di kalayuan mayisang lalaki akong napansin na nakatitig sa amin. May dark aura siya...Nakakatakot. At nung nagtama ang mga mata namin, nagbigay lang siya ng isang lopsided smile.
"Bestie, tara na sa first class natin."
Napalingon ako kay bestie dahil din. Nung nilingon ko ulit yung lalaki, wala na siya.. Hmmmm.... Sino kaya siya? I need to find out. Mukhang mahilig ding makipaglaro ang lalaking iyon at mukhang pinangingilagan siya.Gusto ko siya....
SIYA ANG MAGIGING UNANG BIKTIMA KO.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
medyo kalat kalat pa po yung mga iniisip ko. Pero sana po basahin niyo po at tulungan niyo po akong iimprove ang story na ito. Thank you po and God Bless!!!!:))
-tamedandlost

BINABASA MO ANG
Mind Games
Teen FictionA game. A masked master mind. A destroyed friendship. A ploy. What is the truth? Who will unveil the mystery? Who is the game master? Will they survive this test? ©tamedandlost This story is a work of fiction. Any names or circumstances that are the...