Last Chapter

43 2 1
                                    





















Last Chapter: The Final Game










Nagbuntong hininga ako.

Nakaupo at nakakadena parin ang aking mga paa sa aking kinauupuan.

Nakatitig lamang ako kay Haize habang di parin makapaniwala sa mga nangyare. Patay na sina Ycezy at Emerald at tanging kami nalang ni Zhraine ang natitira.

Tapos na. Tapos na ang larong buhay namin ang nakataya ngunit...





Iyon ang aking akala. Si Haize ay nakatitig sa amin ni Zhraine at alam kong umiikot ang mga nakakatakot na ideya sa isip niya. Natatakot ako sa kaya niyang isipin at gawin lalo na ngayo't meron siyang kakaibang kapangyarihang taglay.

"Congratulation, Zac at Zhraine. Kayo ang top 2 players ng laro pero iisa lamang ang pwedeng manalo." Sambit niya.

"Akala ko ba tapos na ang laro dahil patay na ang dalawang killer! Stop this Haize, I beg you!" Pagmamakaawa ko.

"Please, Haize. Itigil mo na 'to!" Sabi rin ni Zhraine.

"Huli na para magmakaawa pa kayo dahil hindi ako ang Haize na kilala niyo na boring, masama, at kumokontrol sa mga tao, dahil ako si Haize na matalino, sobrang masama at ayokong kumontrol ng tao para pumatay dahil ang gusto ko... ito mismong mga kamay ko ang papatay sa inyo."

Tama siya. Ibang Haize na nga itong kinakausap namin na para bang ibang tao na talaga siya.

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang kadena sa aking mga paa, sunod naman ay kay Zhraine. Ano kaya ang nasa isip niya?

"Ito na ang FINAL GAME at tinawag ko itong... KILL ME." Sabi niya habang iniaabot kay Zhraine ang isang baril at noong mga oras na iyon, alam ko kung ano ang nasa isip ni Haize pero sana mali ako, sana hindi talaga iyon ang gusti niyang mangyare.

"Para saan ang baril?" Tanong ni Zhraine.

" May tatlo 'yang bala. Simple lang ang dapat mong gawin... PATAYIN MO SI ZAC at panalo ka sa laro."

Tama nga ang aking hinala. Hindi ko maitanggi ang takot na aking nadarama ngunit kailangan kong magtiwala kay Zhraine... hindi niya ako magagawang patayin daip alam kong mahal niya rin ako... hindi ba?

"I'll never do such a thing!" Sigaw ni Zhraine sabay bitaw sa baril.

Ngunit lumapit si Haize kay Zhraine at may ibinulong sa kanya. Wala akong marinig kung ano man ang kanyang sinasabi sa kanya.

Matapos ang kanilang pag-uusap lumayo si Haize kay Zhraine at nginitian siya nito ngunit hindi ko inasahan na ngingiti rin si Zhraine pabalik.

"Zhraine?" Sambit ko ngunit hindi man lamang siya tumingin sa akin bagkos ay yumuko at pinulot ang baril na kanina'y kaniyang ipinatak.

"I'll do everything, EVERYTHING just to get what I want." Sabi niya sa mahina at malamig na boses. Lalong tumindi ang takot ko ng itutok niya ang baril sa akin. Anong nangyayare? Bakit?

"Zhraine? Ano bang sinabi niya sa'yo?!" Tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung ano man 'yon, Zac. Sorry pero kailangan ko 'tong gawin." Sagot niya.

Lumuluha siya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Parang wala na talaga siyang pagpipilian kundi ang patayin ako pero sapat na nga ba 'yong dahilan para sundin niya si Haize? In any ways, I need to know what did she said to Zhraine that mades her follow Haize's crazy game.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon