Chapter 18: The Meeting

33 3 0
                                    

Zac's P.O.V.

Andito ang lahat sa classroom maliban kay Scarlette at kay... Zhraine? Asan na ba siya? Nakapagtatakang wala dito si Zhraine at nawala rin siya duon sa may library. Sana ok lang siya.
Medyo naguguluhan pa ako sa mga sinabi sa akin ni Ycezy pero ang babaeng ito na ang bahalang magpaliwanag ng lahat sa akin. Nakatali siya sa isang upuan at may nakapasak na basahan sa bibig nito. Nagpupumiglas siya at pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang basahan sa kanyang bibig pero...

"You're all dead! Kapag nalaman nila na hinuli niyo ako, wala silang ititira sa inyo! You're a bunch of weirdos, freaks and trashes. You all deserve to..." Hindi ko na napigilang sampalin siya sa kanyang kaliwang pisngi dahilan para maputol ang kanyang mga sinasabi. Nakakabingi ang bunganga niya. Para bang may nalunok siyang mic kaya lahat ng sinasabi niya ay malakas at nag eecho.

"Pangalan." Sambit ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Do you really think that I'll...."

"Shhhhhhhhh..." Sabi ko habang nakalapat ang isang daliri sa aking labi at pabulong kong sinabing... "Sasabihin mo ang pangalan mo o tatanggalin ko 'yang malaki at nakakarindi mong bibig?" Sa reaksyon niyang iyon, alam kong natakot siya ng husto. Ganoon ba talaga ako nakakatakot?

"Claire...Claire Loudly." Kaya naman pala sobrang lakas ng boses niya.

"Section."

"1-A."

"Bakit niyo 'to ginagawa? Anong mapapala niyo sa pag-atake sa'min?"

"Ang 10 Secret Keepers." Nakatungo niyang sabi.

"Kilala niyo kami? Paano?"

"Sikat kayo di lamang sa section na ito... pati narin sa buong school. Kinatatakutan at iniiwasan... yan ang grupo niyong sampo"

"So why? Why is the class 1-A is trying to kill of us?"

"Dahil sawang-sawa na kami!" Pasigaw niyang sabi. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan nila pero sapat ba itong dahilan para patayin kami. Naguguluhan parin ako.

"Bakit di mo nalang ipaliwanag ang lahat? Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo." Sambit ko.

"Ang class 1-A section. Pangalawa sa pinakamatalinong klase sa buong school pero nang mangyare ang class 1-Z masscre at ginawa ang Slaughter Party nagsimula kaming maghirap. Ilan sa mga studyante, pinapangarap ang mapalipat sa mga matataas na section tulad ng class 1-A at 1-S. Naging desperado sila at ang ilan pa ay halos mabaliw kaya naisip nila na... kung mapapatay nila ang mga studyante sa mga section na ito ay pwede silang mailipat." Paliwanag niya sa akin. Maya-maya ay lumapit narin ang iba ko pang kaklase para makinig sa mga sasabihin niya.

"Ngunit bakit imbis na kami ang atakihin nila, ang class 1-A ang inaatake nila." Tanong ko sa kanya.

"Dahil natatakot sila..."

"Natatakot?" Tanong ni Razor.

"Natatakot sila sa impyernong classroom na'to na punong-puno ng mga demonyo kaya naman... Kami ang naging target ng lahat."

"So, anong kinalaman namin sa inyo?!" Tanong ni Jilbert na sugatan. Mukang pati siya nabiktima rin.

"Pagod na pagod na kaming magtago!" Sigaw niya sa amin kasabay ang kanyang pagluha. Mukang nahihirapan na talaga sila. "Wala kaming laban sa kanila! Pinapasok nila ang mga studyante ng section namin sa kani-kanilang dorm at pinapatay. Marami pa kami pero di magtatagal mauubos rin kami. Pagod na pagod na akong matakot!!! Gabi-gabi nalang namin itinatanong sa aming sarili makakaligtas ba ako ngayon? Gabi-gabi nalang kaming nakikipagsapalaran. Alam niyo ba ang pakiramdam na hindi kami makatulog sa takot na hindi na kami magising? Hindi!" Nagsimula na siyang umiyak ng sinasabi niya sa amin ang mga ito. Dapat ba akong maawa sa kanya? "Kaya napag-isip-isip namin na... KUNG MAPAPATAY NAMIN KAYONG MGA S STUDENTS PARA SA KANILA, BAKA ITITIGIL NA NILA ANG PAG-ATAKE SA AMIN." Hindi na ako nagulat sa kanyang mga sinabi. Alam ko kung saan ito magtatapos. Tumingin ako sa aking tabi at tiningnan ang mga reaksyon ng iba ko pang kaklase at mukang di naman talaga sila nagulat. Sinasabi ko na nga ba... Habang tumatagal, lumalabas ang mga tunay nilang ugali. Totoo nga ang sinasabi ng ng lahat na... Mga demonyo kami, hindi, masmalala pa sa demonyo. Ang mga itsurang 'to na mala anghel ay may itinatago rin. Hindi ko pa sila kilala at hindi pa rin nila ako kilala kaya parang mga estranghero lamang kami sa isa't isa.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon