"Hazel? Sharmaine? Janna? 10 o'clock na. Gising na." si Mama, kumakatok na sa kwarto ko.
"Good moooorning gaaaarls. Gumising na kayo baka pag naunang gumising satin yung mga lalaki, maubusan tayo ng kakainin. Hahaha." sabi ko at nag-inat na ako ng konti. Pero hindi naman talaga mauunang gumising samin yung mga lalaki. Ang hirap kaya gisingin ni Paulo.
"Okaaaay, I'm up." sabi ni Sharmaine.
Wow Janna ha.
"Uy Janna wag ka ngang pachicks dyan. Gusto mo si Paulo pa gumising sayo? O si Kevin?"
"Both." sagot ni Janna.
Nakapikit pa din siya. Nagtakip pa ng unan sa tenga at tumalikod samin.
"UY!!! Gumising ka na. Baka maubusan tayo ng foods." inaalog na namin siya ni Sharmaine.
"Eto na. Eto na. Gigising na nga eh. Para sa foods." sabi ni Janna.
"Ang takaw mo talaga."
Nag-ayos na kami at lumabas ng kwarto. Kumatok kami sa guest room. Pero walang sumasagot. Mukhang tulog pa si Paulo at Kevin. Sumilip muna ako. OMG. Nakatopless si Kevin. OMG. Buto buto. Just kidding. Hahaha. OMG ABS!!! Ang hot niya kahit nakanganga at humihilik.
"Uy, pasilip din." sabi ni Janna.
"Wag naaa."
"Daya." sabay pout.
Pumasok na ako sa kwarto.
"Boys. Paulo. Kevin. Wakey wakey! Breakfast is ready." sabi ko habang kinakalabit sila.
Unang gumalaw si Kevin. Nagulat siya nang nakita ako. Tinakpan niya agad yung upper body ng unan na nasa ulo ni Paulo. Nagising si Paulo sa ginawa ni Kevin.
"Wow ha. Assuming ka." sabi ko.
"Ayokong naeexpose yung abs ko no. Baka madiscover. Tsaka if I know, minamanyak mo na ako." Ang yabang talaga niya ang sarap konyatan. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi totoong mina... AHHH!!! HINDI HAZEL. HINDI MO SIYA MINAMANYAK! Tsaka hindi naman siya kamanyak manyak no.
"Wow ha! Mukha bang kamanyak manyak yang ribs mo?! Gising na Pau. Kakain na." sabi ko kay Paulo.
"Sige, susunod na kami." sabi niya.
"Sumunod kayo ha. Uubusan namin kayo ng foods."
Nandito na kami sa dining area. Bumaba na din si Paulo at Kevin. Nagkwekwentuhan lang kami about random stuffs habang kumakain.
"So, kamusta naman ang pag-aaral Paulo?" tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
I Hated Him Before ((Ongoing Series))
FanficWhat if your worst nightmare would turn up to be your sweetest dream?