2

2 0 0
                                    

"Where's Alexandra?" Tanong ko sa maid nila Alexandra. Ngayon na ang huling araw sa pagpaplano ng kasal eh.

"Ah sir Alexis nasa hospital po, sabi niya maghintay lang daw kayo dito." Sabi nito sa akin habang nakayuko.

"Sige, salamat." Ngiti ko. Umalis naman agad ito. Umupo nalang ako sa couch at ininom ang juice na hinanda ng maid.

Napangiti ako ng mapait. Tiningnan ko ang ang larawan na sa gilid ko at kinuha ito. Masayang masaya kami dito, walang problema. Kung hindi lang sana..

~~•~~

"Alexis.. Alexis.." Nagising ako sa mahihinang tapik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Nakatulog pala ako.

Napangiti ako nang makita ang mukha ni Alexandra. Ang ganda niya talaga.

"Sorry.. Sa hospital ako natulog eh."

"It's okay, I understand." Nakangiti kong sabi. "How's his condition?"

"Ganun pa rin. Walang progress." Nakabuntong-hininga niyang sabi. Niyakap ko nalang siya.

"Everything will be okay, Alex." Sabi ko. Tumango lang siya at mahinang umiyak sa bisig ko.

~~•~~

Narinig kong sumigaw bigla si Klay kaya dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko. Natapon ko pa ang magazine na hawak. Pinuntahan ko kung saan sila naka puwesto at parang nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Alexis, she's beautiful isn't she?" Tanong sa akin ni Klay. Nakatanga lang ako habang nakatingin kay Alexandra.

Damn, she's so beautiful wearing that wedding dress.

"Hoy, Alexis! Natahimik ka. Pangit ba?"

"N-no." Yun lang ang nasabi ko. Parang bumalik ako sa dati nung una ko siyang nakita. Ganitong ganito rin yun eh. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito sa tuwing nakikita siya?

"Speechless lang siya bebeh." Narinig kong sabi ni Klay. "Alexis, punta ka rin sa platform dali. Pipictyuran ko kayo." Tinulak tulak pa ako ni Klay nang di agad ko sumunod sa sinabi niya. "Ang arte.."

Tiningnan ko muna siya ng masama bago sinamahan si Alexandra sa platform.

"Yan! Bagay!" Palakpak ni Klay. Hinayaan ko nalang siya sa kanyang pinagsasabi at tiningnan si Alexandra na nasa tabi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang humarap sa akin ng nakangiti.

"Okay lang ba ang gown ko?"

"Yeah, you're the most beautiful woman in my eyes right now, Alexandra." Nakangiti kong sabi sa kanya. Umiwas siya ng tingin at umubo ng peke.

"Bola." Narinig ko. "Gwapo ka rin sa suot mo Alexis." Bulong niya.

"Ano? Di ko narinig eh." Nakangisi kong bulong sa kanya.

"Wala! Ang sabi ko, panget mo." Tapos nakanguso na naman siya habang nakacross arms.

"Bongga! Ang natural niyo mga bebeh!" Natigil kami ni Alexandra sa pagbubulungan nang biglang sumigaw si Klay. "Shoo! Umalis ka na diyan, Alexis at pipictyuran ko na ng solo si Alexandra."

Tapos na kami sa pagphotoshoot at tiningnan na ang mga gowns and suits na susuotin ng mga bisita. Tapos na rin ang mga invitation cards, mga tasting at kung ano ano pang ginagawa sa pagplano ng kasal. Ang tanging kulang nalang ay ang kasal.

"Sa tingin mo kakasya sa kanya 'to?" Tanong niya habang pinapakita sa akin ang isang suit. Ngumiti ako at tumango. "Sa tingin mo, makakadalo siya sa kasal?"

Napalunok ako, di malaman kung ano ang dapat sabihin. "O-oo naman. Let's just pray to Him, Alexandra."

~~•~~

"Tita.. please.. pumunta kayo sa kasal." Pakiusap ko sa mama ni Alexandra. Malungkot lang siyang nakatingin sa akin, yung tingin niya parang naaawa.

"Bakit mo ba to ginagawa, Alexis?" Tanong niya.

"I love Alexandra, Tita." Buong puso kong sagot.

"Kung ganun.. bakit.."

"Tita.. lahat naman siguro gagawin mo para sa taong mahal mo diba? And that's what I'm doing now, Tita."

"Okay, naiintindihan kita iho. Kaya lang, is it okay with you?"

"Yes po. I'm happy as long as Alexandra's happy."

"You're so good and kind, iho.. How I wish.."

"Tita.."

"Sige. Pupunta kami ng asawa ko sa kasal."

"Thank you po. Thank you very much." Sabi ko habang nakayakap pa sa kanya. Niyakap naman ako pabalik ni tita.

***

The Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon