3

1 0 0
                                    

The Wedding Plan
Epilogue

"Alexis! May balak ka bang sirain ang kasal bukas?" Tanong ni Klay. Umiling ako at uminom muli ng alak. "Eh bakit ka nagpapakalasing diyan?"

"Bakit m-masama na b-ba ngayon ang uminom?" Tanong ko sa kanya. Namumungay na ang mga mata ko, tanda na lasing na ako.

"Aish! Masira lang talaga ang kasal bukas, jujumbagin kita."

"Tsk." Tinukod ko ang mga siko ko sa counter. "K-klay nainlove k-ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hoy, Alexis! Anyare na sa iyo?"

"Gunggong, tinanong lang kita. Pero di nga, nainlove ka na ba?"

Nakita kong napakamot siya sa batok niya at uminom ng alak. Dere-deretso ang pag-inom niya at nang maubos ito'y pabagsak na inilapag ang boteng wala ng laman.

"Oo naman."

"M-masakit ba?" Tumahimik siya. "Kasi.. ang sakit eh. Kung alam ko lang na ganito pala magmahal.. sana di nalang ako pumasok. Sana d-di nalang ako nangarap na magmahal kung ganito rin naman pala ka-kasakit."

"Dude, ganyan talaga. Love comes with pain. Kahit hindi mo sadyain o kahit na anong pilit mong iwas, masasaktan at masasaktan ka talaga."

~~•~~

🎶 This could have been just another day

Nagsimula ng tumugtog ang PHoenix, isa sa pinakasikat na banda ngayon. Bumukas ang pintuan ng simbahan at iniluwa niyon si Alexandra habang nasa magkabilang gilid ang parents niya.

Napalunok ako ng may bumarang laway sa lalamunan ko. This is it, I guess?

Nagsimula siyang naglakad ng mabagal. Nakatayo at namamangha ang mga bisita sa ganda ng bride na nakikita nila ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang wedding gown na soot. Di ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng belo, pero alam kong umiiyak siya.

Huminga ako ng malalim para pigilin ang luha na nais ng tumulo.

Don't.

Don't cry, Alexis.

Nasa harap ko na siya at kitang kita ko na ang pagmumukha niya.

Ang mga luha na tumutulo galing sa mga mata niya, at ang ngiting magpapangiti sa kahit na sinong makakakita nito.

"Take care of my daughter, Alexis." Sabi ng papa ni Alexandra. Tumango ako at naramdaman ko ang tapik niya balikat ko.

"Best wishes to the both of you." Sabi naman ng mama niya. Tumingin ng malungkot sa akin ang mama niya. Nginitian ko lang si tita, to assured her that I'm okay, na makakaya ko ito. Na matatapos rin ang lahat ng ito.

"Wala bang tututol sa kasal na magaganap?" I closed my eyes. How I wish..

Can I raise my hands and tell everyone that I want to stop the wedding?

Pero hindi, masasaktan ko lang si Alexandra.

Hinawakan ko lang ang nanginginig na mga kamay ni Alexandra. I know, I know what you're feeling now Alexandra. I know.

Nagsimula na ang pari sa seremonyas, and now is the exchanging of vows.

"Alex, I know I'm a spoiled brat. Perwisyo sa buhay, walang ginawa kung hindi ang inisin ka. Pero lahat ng iyon tinanggap mo. All my imperfections and flaws, you accepted it all. Wala kang ibang ginawa kung hindi ang intindihin ko. Akala ko nga nung una wala ng tatagal sa akin. Pero dumating ka at pinatunayang mali ako. I love you, alam mo naman yun diba? I will love you for better or for worse. And 'till death do us part." She cried while saying those words. Nakayuko rin siya, di tumitingin sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Alam ko.. alam ko ang dahilan... at tanggap ko iyon.

It's my turn now to deliver my vow. Are you ready for this, Alexis? Ready ka na bang masaktan paulit-ulit? My heart says no, but my mind still says yes kaya kinuha ko ang papel na nasa bulsa ko.

Huminga ako ng malalim at binasa ang nakasulat dun.

Napatawa ako sa isip ko.

It's not my handwriting!

It's not my words!

It's not my feelings!

Lahat ng nakasulat dito sa papel ay galing sa kakambal ko. Galing sa kakambal ko na siya sanang ikakasal ngayon.

Funny, isn't it? I'm just a proxy here. The true groom is in the hospital, lying unconsciously. Hindi alam ang nangayayari sa paligid niya.

Kung hindi kaya naaksidente si Alexander, magiging ganito ba kami kaclose ni Alexandra?

Kung hindi naaksidente si Alexander hindi ko ba mararanasan lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon?

Kung hindi lang sana ako nainggit sa kakambal ko, mangyayari ba ang lahat ng ito?

Yes, ako ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Alexander. Nang dahil lang sa pagseselos ko nagawa ko iyon sa kakambal ko.

Is this my karma.. for doing it? Sana hindi ko nalang ginawa iyon.

No, maybe I will do it again for my selfishness.

"By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Itinaas ko ang belo sa mukha ni Alexandra. I know, hindi rin siya masaya sa nangyayari ngayon. I know, iniisip niyang sana si Alexander ang nasa harapan niya ngayon at hindi ako. At alam kong sa kaibuturan ng puso niya, may galit siya sa akin.

This wedding is just for a show. Akala ng mga bisita ang ikinasal kay Alexandra ay si Alexander. At dahil kamukha ko si Alexander, ako muna ang pumalit sa kanya.

Nakakatangina diba?

I kissed Alexandra, itinaya ko sa halik na iyon ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Do you still hate me, Alexandra? Hindi mo ba ako natutunang mahalin habang magkasama tayo? Kasi ako, lunod na lunod na e at mukhang wala na akong pag-asa pang makakaahon pa.

Napangiti ako ng mapait nung hindi man lang tumugon si Alexandra sa halik ko.

It's okay, Alexandra. I understand. Mananatili ako sa tabi mo bilang proxy habang wala pa ang kakambal ko. Habang wala pa ang taong totoong mahal mo.

The End.

The Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon