pag gising ni Mich wala na si Luhan at isang note ang naiwan sa side table nya
"sorry Mich, pero kung hindi ko kakausapin si Sehun, mauulit at mauulit lang ito"
pagkabasang-pagkabasa nito ni Mich ay hinanap agad niya yung cellphone nya at tinawagan si Luhan
'the subscriber cannot be reached please try again later'
yan lagi ang sinasabi ng operator pag sinusubukan nyang tawagan yung number ni Luhan
iniisip niya kung san niya nakita si Sehun pero parang namumukhaan niya ito
'oo nga nakita ko siya sa bar kung saan ko nakilala si Luhan' sabi ni Mich sa isip niya
kaya dali-daling nag ayos si Mich ng sarili niya at nagpunta sa bar kung saan nya ito unang nakita, at pagdating nga niya doon ay hindi ito nagkakamali at nakita niya na kausap ni Luhan si Sehun at nung lalapitan na niya ang dalawa nagulat si Mich sa mga sumunod na nangyari, dahil biglang nilapitan ni Sehun si Luhan at hinalikan ito sa labi, pero hindi man lang pumalag ang binata
'siguro nga, totoo yung sinabi ni Sehun kanina' sabi ni Mich sa sarili
Tumakbo na ito palayo para hindi na niya magulo ang moment ng dalawa at bumalik na ulit ito sa bahay nila at nagkulong sa kwarto
Habang si Luhan naman ay naguguluhan kung bakit iyon ginawa ni Sehun sakanya
pagka-alis ni Sehun ng labi niya kay Luhan ay tinanong agad ito ng dalaga
"Bakit mo ginawa yon ha?!" galit na tanong ni Luhan
"Sorry, I'm just carried away" sabi ni Sehun
"Papalampasin ko ito Sehun at 'yong ginawa mo kay Michelle dahil sabi niya pero once na maulit ito, kalimutan mo na ang ilang taong pinagsamahan natin at tandaan mo itong sasabihin ko, kakalimutan ko na may nag eexist na Sehun sa mundong 'to" mahabang sabi ni Luhan kay Sehun
Pero nagulat si Luhan nung nag smirk si Sehun
"Sorry, pero mukhang nonsense nalang yang pinaglalaban mo mahal kong fiance" sabi ni Sehun habang naka ngiti at biglang tumingin sa isang babaeng tumatakbo palayo
"Wag mo nga akong matawag-tawag na fiance dahil hindi mo ako fiance" pag kasabi nun ni Luhan ay tumingin ito kung saan nakatingin si Sehun at nakita niya si Mich na tumatakbo at nabalik ito ang tingin kay Sehun
"Don't tell me ..." sabi ni Luhan
pero hindi sumagot si Sehun pero nag smirk siya at nung tangkang hahabulin na ni Luhan si Mich ay pinigilan siya ni Sehun
"Wag mo na syang habulin dahil sigurado akong walang patutunguhan yang paghabol mo sakanya dahil alam kong sarado ang utak nya ngayon. So let her alone" sabi ni Sehun kay Luhan
"Bitawan mo ako, baka kung ano pa ang magawa ko sayo." cold na sabi ni Luhan at madilim ang mukha
Natakot si Sehun at bigla niyang nabitawan ang braso ni Luhan dahil sa tinagal tagal nilang magkakilala ngayon niya lang nakitang nagging ganun ito.
"Ayaw na kitang makita ulit dito, kung pwede lang pag balik ko dito dapat wala ka na" sabi ni Luhan at tumakbo na ito para habulin si Mich
Pagdating ni Luhan kila Mich ay halos gibain na niya yung gate dahil walang nagbubukas sakanya
"Mich! Kausapin mo ako, hayaan mo akong magpaliwanag"
pero wala padin sagot mula sa babae galing sa loob, at muli itong sumigaw
"hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap .."
Pagkatapos isigaw yon ni Luhan at hindi na muli itong nagsalita at lumuhod lamang sa harap ng gate nila Mich
pero sa loob ng bahay ay rinig na rinig ni Mich lahat ng mga sinigaw ni Luhan, pero hindi niya lang ito pinansin
makalipas ang ilang oras ay bigla nalang bumuhos ang isang malakas na ulan
'masarap matulog nito malamig' sabi ni Mich sa utak niya
pero biglang pumasok sa isip niya yung sinabi ni Luhan kanina na hindi ito aalis hanggat hindi niya ito kinakausap
'sus imposible naman yun noh, ilang oras na kayang nakakalipas, sigurado umalis na yun' pangungumbinsi nito sa sarili niya
'pero pano nga kung nandun pa yung hinayupak na lalakeng yun?' tanong naman niya sa sarili niya
lumabas naman siya agad para tawagin ang kanilang katulong
"manang!!!" sigaw ni Mich
dali-dali namang dumating ang tinawag na katulong
"bakit po miss Mich?" tanong ng katulong
"manang, paki tingin naman sa labas kung nandun pa yung lalakeng mukhang babae" utos siya sa katulong
"sige po, sandali lang" sabi ng katulong at lumabas na ito ng pinto para tignan si Luhan
makalipas ang ilang sandali
"miss Mich, nandun pa po sa labas yung lalake"
nagulat naman si Mich sa sinabi ng katulong at dali-dali itong kumuha ng payong sa loob ng kwarto niya at tumakbo palabas para puntahan si Luhan dahil ilang oras na din ito nandun at kanina pa umuulan
"baliw ka talaga, bakit hindi ka pa umalis" sabi ni Mich kay Luhan
"diba sinabi ko naman sayo na hindi ako aalis doon hangga't hindi mo ako kinakausap?" pangungunsensya naman niya kay Mich
"so kinunsensya mo pa ako niyan? Hala, sige pasok dun sa banyo mag banlaw ka, baka magkasakit ka niyan" utos ni Mich kay Luhan habang tinuturo kay Luhan kung nasan yung banyo
"sige" pagkasabi ni Luhan ay pumasok na siya sa kwartong tinuro ni Mich
Habang nasa banyo si Luhan ay nagpunta na muna si Mich sa kwarto ng Papa niya para kumuha ng damit na ipapasuot kay Luhan
"Hmmmmmm .. Anong kayang ipapasuot ko sakanya?"
hanap .. kuha .. balik
hanap .. kuha .. balik
hanap .. kuha .. GOTCHA !!
nakita ni Mich yung damit ng papa niya na ang pagkaka alam niya ay damit ito ng papa niya nuong binata pa ito
pagbalik ni Mich sa kwarto niya ay siyang labas ng CR ni Luhan ng nakatapis lang ng twalya sa lower part ng katawan nito at naramdaman niya na biglang nag init yung mukha niya at bigla itong napatalikod
"sorry! eto pala yung damit. Sige labas na muna ako"
pagka abot ni Mich ng damit kay Luhan ay akmang lalabas na ito ng kwarto pero biglang hinawakan ni Luhan ang braso niya at hinila ito papunta sa kanya
"Bakit ? Ano pang kaila ----"
hindi na natapos ni Mich yung sasabihin niya ng biglang hinalikan siya ni Luhan