Janjan's POV...
*1 message received*
From: Marcus
Good Morning din bubuit na makulit. Ingat kayo sa pagpasok. K3Utoo.
Napangiti ako habang naglalakad, hindi ko tuloy namalayan na may bato pala, ayun... dahil sa katangahan... Natapilok nanaman ako!
"oh? anong nangyari sayo?"
Akmang tutulungan akong tumayo ng diretso ni Honey. Kuya mo may kasalanan! Pinapakilig kasi ako >///< oo. Kuya ng kaibigan ko yung Marcus, mas matanda siya sa amin ng 2 taon at alam kong little sister lang ang tingin nun sa akin.
Inagaw naman ni Bevs, isa ko pang kaibigan, yung phone ko sa kamay ko at biinasa ang text.
"Nako! kaya naman pala wala sa sarili. Kinilig nanaman"
Sabay abot pa kay Honey yung phone... Natawa si Honey sa text. "Crush na srush mo talaga si kuya no?" tanong niya sakin na para bang nang aasar pa. Tumango lang ako. Ewan ko ba, feeling ko namumula na ko sa kilig. Pero baka namumula lang ako sa sakit ng ankle ko.
"Oi Bevs! Si Vincent!"
Sigaw ko habang itinuro pa ang bike na kalalagpas lang sa amin... Si Vince lang naman ang crush ng kaibigan kong masungit sa lahat ng lalaki, si Bevs. Ewan ko ba dito, may mga lalaking mas cute pa kay Vince na lumalapit sa kanya pero sinusungitan niya. Patay na patay sa isang babaerong walang alam gawin kung hindi magpaiyak ng babae.
"Hey girls"
Nilingon niya kami at nagwave with her signature "killer" smile daw. Sa amin ni Honey, hindi epektib yang mga pacute na yan. Pero yan ang ngiting bumubuo sa araw ng kaibigan naming si Bevs.
Ako nga pala si Jan. Janjan ang tawag nila sa akin. I'm a junior high at a very prestigious yet so controversial school na Mt. Olympus High. Hati kasi ang school sa dalawa na talaga namang rivals na ang turing sa isa't isa. I belong to Athena's Academy for Girls (AAG) . Rival naman namin ang Zeus' School for Boys (ZSB). Iisa lang ang campus namin pero may border line sa gitna. Pinagbabawal ang paglagpas doon. Nagsimula ang malaking rivalry nung nagsimula na ring maglakad ng divorce paper ang mag-asawang tigapagmana ng eskwelahan.
"Wala na bang alam gawin yang si Vince kundi ang magpacute?"-Honey
"meron no! marunong siyang tumugtog ng gitara!"-Bevs
Honey rolled her eyes. Eto namang si Honey, tatlo tatlo ang boyfriend. May college student pa siyang boyfriend. Haaay. Buti pa ko, loyal sa hindi ko namang boyfriend na si KUYA Marcus.