Chapter 16
Janjan's POV
"Happy birthday Casey"
"Hey Casey! Happy Birthday"
=__= so kailangan lahat ng babati sakanya hahawak sa dibdib niya, kikindat o magpapacute?! Tch. Tong isang to naman, enjoy na enjoy. Kung makangiti at makawave sa mga babae kala mo kung sinong artista.
"Whatta womanizer", sabi ko at binilisan ko ang lakad to catch up with kuya Dennis.
"Woah!!!", sigaw naman ng barkadahan nila. Napalingon ako, kumpleto na pala sila.
"Nagseselos ba ang isang January Madrigal?"-nathan
"What's the real score??!"-Joshua
"May namamagitan na!"-mathew
"Tumahimik nga kayo. Walang somethin sa amin. As in..."-me
"YUCK"-kami ni Casey.
Casey's POV
Maka-yuck naman tong babaeng to. Well, nabuking ako kanina kaya babawi ako ngayon. Kahit hindi ko naman gustong sabihin yunh "yuck" e sinabi ko nalang din para 'di halata.
"San ba tayo niyan?", tanon ni bayaw.. Este ni kuya dennis pala.
"Ah. Sa bahay nalang. Umorder na ko ng pagkain. Idedeliver nalang daw"
Janjan's POV
Sumakay kami sa sasakyan. Napalingon ako sa rear view mirror. May itim na sasakyan na sumusunod. Pero dahil normal lang naman sigurong sumunod dahil iisa ang daan e hinayaan ko na lang.
"Wendy, nakausap mo na ba uli sila mama?", bulon ni kuya Dennis. Napailing lang ako.
"Ano sa tingin mo?"-k. Dennis
"I don't know kuya. Hindi ko alam".
Napatingin sa amin si Kuya Andrew..
"May problema ba?"-kuya andrew
"A-ah.. Wala kuya"-me
I gave a smile at yumuko nalang. Haay. So much for drama. I need to be happy... Besides, it's casey's bday.. We need to have fun.
Dumating kami sa bahay nila Casey. Ang laki pala *u* mala-palasyo. Si Casey ang prinsipe...
"ikaw ang prinsesa ng palasyo ko"
Tumaas ang balahibo ko nung may bumulong sa akin ng mga katagang yun. I looked at him. Pero diretso nalang ang tingin niya at nagdirediretso na sa pagpasok. Kaya sumunod na kami sakanya.
"Ui. Ano yung binulong sayo ni Casey?"-honey
"H-ha?"-me
"Nakita namin may sinabi siya sayo e. Ayie! Ano yun?"-bevs
"A-ah. Hindi ko narinig"
HONEY's POV
Andito kami kila Casey ngayon. Nakakaasar naman ih. Kanina pa walang kibo si hubby. Parang an lalim ng iniisip! Wala tuloy akong choice kundi makipag usap kay Aiden na para kong buntot.
"Hubby"
"Hubby"
"..."
"Hubby"
"..."
"Hubby ko"
"Oh?!"
Nagulat ako. Natakot naman ako sakanya. napataas kasi ang boses niya. Maski ata siya nagulat sa pagsigaw niya.
