CHAPTER 16

25 1 0
                                    

(Ino's POV)

Ang sabi sakin ni Tyron may plano daw siya para sa birthday ni Ella. At malaki daw ang magiging partisipasyon ko doon. Actually, nahihirapan akong mag isip ng ireregalo ko para kay Ella.

Hanapin ko kaya si Aki?

"Mondragon what would be your talent for this competition?"

Tanong sakin ni Mr. Ambrosio. Ang talent manager na lalaki ng FNS event.

"Singing sir."

Maagap ko namang sagot. Kakanta ako at mag gigitara. Yun naman talaga ang talent ko eh. Tapos pumunta naman siya sa iba ko pang mga co-contestants.

Brent Montecito. I heard he's a racer. From a well-known family. Playboy. Once got engaged with Tamara.

"Okay make your positions now!!! Hurry!!! come on! come on!"

Agad naman kaming pumunta sa mga sariling pwesto namin. We've been practicing this routine kasabay ng rehearsal ng mga girls sa kabilang stadium. Medyo worried lang ako. I've been paranoid. Thinking that Someone saw me with my sister Ven and with Dorothy that night. We shouldn't be in public because, it may affect the pageant.

(Maxwell POV)

FLAMES Penthouse.

Dalawang araw nalang ang hinihintay namin. At dalawang araw nalang din ang natitirang araw para sa pangalan ng FLAMES. Ayoko mang isipin pero mukhang nalalapit na ang katapusan ng FLAMES. Kapag hindi kami nakakuha ng racer na kakarera para sa FLAMES sa darating na tournament of names tapos ang lahat sa amin.

Good bye super cars.

Good bye money.

Good bye happy life.

Good bye girls kami.

"We need to get her in a good way. We don't have to force her." Said Federico. Sa palagay ko sa ugali ni Tamara hindi namin siya makukuha sa magandang pakiusapan.

Teka—parang may kasamang babae yata si Antonio ngayon? Sino kaya siya? She's not familiar but, Ican say she's pretty.

Mukhang galing pa yata ng—FUCK! Estudyante siya? Ganyan na pala mga tipo ni Antonio ngayon!

"What if she reject us? Just like what her twin brother did!"
I think Enrico is in his bad mood today. Masyadong mainit na makuha si Tamara to race for us. Kasasabi lang ng kapatid niya na in a good way dapat makuha ang pagpayag ni Tamara eh.

"I guess, we need the PLAN B. If ever she rejected us. We're going to use the PLAN B."

Cool din mag isip 'tong si Sebastian eh. May PLAN B agad! ayos yun ah!

Pero aasahan ko ng hindi maganda yung PLAN B na yun! Malinis man kaming kumilos pero sa sapilitang pamamaraan.

"And what the fuck is your PLAN B?"

Init talaga ng ulo ni Enrico! Ano bang problema niya? Siguro babae na naman! Hindi naman siya natatalo sa Casino eh.

"Relax Enrico! You'll meet her soon!" Yun naman pala eh! We will meet her soon! Atat masyado si Enrico teka—meet HER soon? BABAE? sinasabi ko na nga ba eh.

My Falling Star (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon