Kabanata 2

24.6K 579 47
                                    

Kabanata 2

Wedding ring

Gustong mag-ulap ng mga mata ko habang nakatingin sa malakas na paghampas ng alon sa dahat. The cold ocean breeze feels right and yet it brings pain in my heart.

Hindi ko alam kung ilang oras naba akong nakatanaw lang sa malawak na dagat. Simula ng dumating ako dito sa San Marcelino ay araw-araw na akong bumalik dito sa dalampasigan. Nagpapalipas ng maghapon na tila walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

Sinulyapan ko ang relos kong pambisig at bahagyang umiling. Isang araw nanaman ang lumipas. I don't know how I survived my day without him, without his touch, his kiss and his warm hug. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip kung paano ko malalampasan ang mga darating pang araw na wala siya.

Pinasya kong bumalik nalang sa inuupahang apartment. Mula sa dalampasigan ay minabuting kong maglakad para kahit sandali ay maabala ang utak ko sa nakikita. This is not my usual routine but I find it good and relaxing.

Pero bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa parating na sasakyan. Isang busina nalang ang tanging narinig ko bago magdilim ang aking paningin.

***

Ramdam ko ang mabigat na talukap ng aking mata, pero hindi ko magawang pumukit dahil sa babaeng nagsasalita sa tabi ko.

"Please, wake up 'wag kang matutulog!"

Pinilit kong igalaw ang braso ko pero hindi ko magawa, dagdag pa ang masakit kong balakang.

"Oh my God! Gab, where are you?!" Malakas nitong sabi kaya ako napadilat.

Hawak nito ang cell phone at panay ang lakad sa harapan ko kaya pinilit kong tumayo kaya ito lumingon sa akin.

"No! Huwag kang gagalaw baka mas lalong lumala ang injury mo!" Pigil nito sa akin.

"Ayos lang ako miss," sabi ko sa mahinang boses.

"You're definitely not, just wait a little more minute please?" Pagsusumamo nitong sabi kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

Pinakiramdaman ko ang sarili at palagay ko ay ang balakang ko lamang ang masakit at ang siko ko na may sugat. Ilang sandali pa ay ang langit-ngit ng gulong ng kotse ang naulinigan ko kaya muli akong napadilat.

He walk towards to my direction, looking straight into my eyes. Bahagyang kumibot ang mga labi ko, matapos ay mariin iyong kinagat. My heart skip so fast, and I was tense. Ngayon ko lang ulit naramdaman na tumibok ang puso ko ng ganito kalakas sa matagal na panahon. My tears started to seep down on my face and my emotions shattered like hell.

Hindi ko rin mapigilang pasadahan ito ng tingin. Halos walang nagbago dito. He's still looking good, his muscle tone define how strong and healthy he is right now. Perfect jaw and a set of dark stonily eyes. I must say na mas lalong nadepina ang mga masel nito sa braso dahil sa suot nitong puting T-shirt. And the rest is perfect beyond his imperfection.

Gustong bumuka ng mga labi ko para ito tawagin ngunit mabilis na naputol ang titig na iyon nang sumulyap ito sa babaeng nakaluhod sa harapan ko.

"Are you alright?" Bakas ang matinding pag-aalala sa boses nito sa katabi lalo pa nang gagapin nito ang balikat ng babae na nasa akin ang atensyon.

Two WivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon