Chapter 1:

56 0 0
                                    

Safire's POV

°Safire Zyra Demonise Sanchez, 16 years old°

"Safire! Gumising kana! Late kana anak!" Nagising ako dahil sa lakas ng sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Ang aga pa po mama! Ano bayan -.-" sabi ko kay mama.

"Anong maaga!? 7:43 na anak! Diba 8 am yung klase mo!?" Sigaw nanaman ni mama.

Tiningnan ko ang orasan ko at nanlaki ang mata ko! Dali dali akong bumangon at parang si The Flash kung kumilos. Hahahaha nakakatawa lang. Pag katapos kung maligo at mag ayos, bumaba na ako kaagad.

"Oh anak! Andyan kana pala" sabi ni mama ng nakangiti.

AY HINDI MAMA! ANDUN PA PO AKO! hahahaha at syempre sa isip ko lang yan sinabi.

"Ah, oo po. Alis na ako ma"

"Hindi kana kakain?"

"Sa school nalang po mama. Late na kasi ako. Bye!" Sabay kiss sa cheeks ni mama.

Dali dali akong sumakay ng kotse at pinaharurot ito. After 10 minutes, nakarating narin ako. Pinatay ko na ang kotse at tumakbo papuntang classroom.

Punyetang building to! Hinihingal na ako! Sa 5th floor pa yung classroom namin huhuhu sino ba kasi ang ng pagawa nito!? Sabihin niyo at pepektusan ko! Char hehe pag karating ko ng classroom....

"You're late Ms. Sanchez!!" Sigaw ni Ma'am dracula ay este Ma'am Cruz. Bwiset na teacher to! Ma'am? Bigyan niyo kaya muna ako ng tubig!? Huhuhu mamatay ako ng maaga dito eh!

"Atleast pumsok! Atleast nag effort! Atleast hindi sumuko agad!" Napatulala naman silang lahat saakin. Ako? Nag pipigil ng tawa. HAHAHAHA ang epic ng mukha ni maam!

"Aba! Go to the detention cell now!" Sigaw ni maam sakin T^T

Naku po! Huhu detention nanaman? Kaka detention ko lang last week eh! Tapos ngayon na naman?! Schedule na ata to.

Nag lakad nalang ako papuntang detention. Ang layo panaman ng detention cell dito tapos nag lakad pa ako papuntang 5th floor kanina. ANO BAYAN! NASAYANG LANG EFFORT KO!

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako. Kumatok na ako.

*tok* *tok* *tok*

"Oh Ms. Sanchez? Detention cell again huh?" sabi ni maam perez. Naku maam! Wag mo akong Englishin jan!

Pumasok na ako kaagad. Hindi ko na siya pinansin. English english -.-

Pag kalipas ng isang oras...

"Hay! Naka labas narin ako!" para akong timang nito. Kinakausap ang sarili. Hay. Nag lakad ako papuntang second subject nang may tumawag sakin.

"Saf!!!" Parang kilala ko na to.

"Saf!! Ano bayan! Lumingon ka nga! Kala mo kung sinong maganda! Sayang laway ko! Hoy!" Sigaw ni Zoe sakin. Ang daldal naman nito! Sarap lagyan ng bato ang bunganga -.-

Wala na akong nagawa. Lumingon ako sa kanya na naka busangot ang mukha.  I gave her what-do-you-want look.

"Ito naman! Hehe tara kain muna tayo! Dali! Hindi dapat nag hihintay ang diyosa!" daldal ni Zoe.

spell H-A-N-G-I-N.

Sumunod nalang ako saknya. Feeling ko talaga magiging malas ang araw nato.

The Gangster PrincessWhere stories live. Discover now