"Sharina, please.." Nagmamakaawang pakiusap ni Sky.
"Sky, ano ba!" Naiirita pero mahina kong sabi. "Pumayag na akong samahan ka dito but you're asking too much na!" Inirapan ko siya pagkatapos kong sabihin iyon.
Napakakulit talaga nito ni Sky. Kanina, he's asking for my time para samahan siya dito sa bar na 'to at ngayon he's asking me to kiss that guy na may hawak na beer at nakikipagusap sa isang magandang babae which is Sky's ex-girlfriend.
"Fuck it, Sharina! My favor is so fucking easy for you. It's just a piece of cake." Pasigaw na pabulong na sabi ni Sky habang sinuklay ng mariin ang kanyang buhok.
Tama si Sky. Kayang kaya ko naman ang pinapagawa niya pero sobrang pathetic ng dahilan niya for fuck's sake. Niloko kasi ni Louise itong si Sky. Mababaw sigurong pakinggan ang dahilan pero si Louise ang kauna-unahang babae na sobrang minahal ni Sky. Sobrang laki ng pinagbago ng lalaking ito nang dahil djan sa Louise na 'yan. Tss, patay na patay. Kaya nung nalaman niya na may ibang karelasyon si Louise, gumuho ang mundo niya.
"Kaysa sampalin ko si Louise dahil sa ginawa niya sa akin, halikan mo nalang 'yung lalaking 'yon!" Ika niya.
"Mas gugustuhin ko pang sampalin si Louise rather than kissing that guy." Sabi ko.
Mas gusto ko pang sabunutan 'yung haliparot na babaeng 'yon dahil sa ginawa niya kay Sky kaysa masarapan sa halik ko 'yung guy. Once I kissed him, he'll want more for sure.
"Sharina, ayoko nga ng nasasaktan si Louise physically kahit nga emotionally pero she's getting on my nerves kaya ito lang talaga ang naisip kong paraan para makaganti manlang."
"Damn it! Sobrang pathetic mo!" Sabi ko.
Ang tanga tanga talaga ng mga nagmamahal. Nakakairita, nakakadiri at nakakasuka.
"Ugh!" Ginulo niya ang buhok niya sa pagkairita. "Fine, fine. 20, 000?" Offer ni Sky. Hay, sobrang pathetic talaga ni ungas.
Umiling ako. "Nope.
"30, 000?!" Offer ulit ni Sky.
"Nope."
"Tangina! 50, 000! Kiss him hard, kick his cock then run. Deal?" Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Tinignan ko 'yung guy na kausap ni Louise. Hottie naman pala, pwede na. Pasok sa standards ko.
"Deal." Inabot ko 'yung kamay ni Sky.
Huminga ako ng malalim. Tinignan ko ang nakangising mukha ni Sky. Inirapan ko siya at tumayo na. Lumakad na ko patungo dun sa guy.
Habang naglalakad ako, nagiinternalize ako so I put a seducing smile on my face. My angelic face turned into a hot and wild face. Eto na, ilang hakbang nalang. Limang hakbang nalang. Tatlo. Fuck, eto na. It's showtime!
"Hi." Pumagitna ako sakanilang dalawa at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki.
Sino ba ang hindi mangingiti kapag nilapitan ng isang ako?
Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at agad ko siyang hinalikan. I kissed him hard. Ipinulupot ko ang braso ko sakanyang batok. Habang ang kamay niya ay napunta na sa tagiliran ko at mabilis na ibinaba sa butt ko. Pinisil niya 'yon at 'yun na ang naging cue ko para itigil ang halikan. Kumalas ako at walang anu-ano'y itinaas ko ang tuhod ko at dinampi 'yon sa pagkalalaki niya ng ubod ng lakas.
"Bye!" Mabilis akong humarap kay Louise at kumaway pa ng sarcastic. Mabilis kong nakita ang pagkabigla at sobrang inis sa kanyang mukha.
SUCCESS!
Kumaripas ako ng takbo at ng malapit na ako kay Sky, mabilis din siyang tumakbo.
"WOOHOOOO!" Sigaw niya.
Tumakbo kami nang tumakbo habang tumatawa. Naririnig ko ang halakhak ni Sky mula dito sa likuran niya.
Nagdahan-dahan na kami ng takbo nang makarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang Audi R8 niya.
Agad kaming sumakay nang kotse at doon humagalpak ng tawa.
"How was it?" Pagtatanong ko habang hinihingal pa.
"That was totally great, Sharina. Fucking great." Nakangisi niyang sabi pero nakikita ko parin ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Then, hinarap niya ang kamao niya sa akin na para bang makikipag-fist bump. And then, we did our traditional handshake.
"Thanks, Sha. You're the best twin!" Nakatitig at seryoso niyang sabi sakin.
Ngumiti ako sakanya pero ayoko ng drama na may namamagitan sa amin. "Asshole." Nalang ang tangi kong nasabi.