"Sha, gising. Tawag ka ni mommy." Kahit hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko, alam ko na agad kung sino itong gumigising sakin.
Sino pa nga ba?
Walang iba kung hindi si Spencer Keith Y. Sandoval. Kakambal ko at walang ibang magawa kung hindi mambuwisit ng buhay ng kakambal niya na walang iba kung hindi ako. Yup, you read it right. We're twins. Fraternal twins. We're both turning 19.
Alam ko ng next na tanong mo.
Sinong mas matanda?
Well, siya. Si Sky ang mas matanda ng halos dalawang minuto. Noong mga bata pa kami, sabi nila mommy, tawagin ko raw na Kuya si Sky kasi raw mas matanda siya sa akin. Pero nung nalaman ko na dalawang minuto lang ang tanda niya sa akin, I dropped the 'kuya' word. Inappropriate kasi lalo na kung mas mukha pa kong matanda magisip kaysa kanya.
May pagkachildish kasi si Sky. Though, medjo hawig kami ng ugali, mas lamang ako sakanya in terms of maturity.
"Sharina, bumangon ka na djan! Lagot ka nanaman dun kapag hindi ka sumunod kaagad." Aniya.
"Babangon ako kung kailan gusto ko." Sabay takip ng unan sa tenga ko. Tinalikuran ko si Sky na nakasalukuyang nakaupo sa kama ko.
"Okay then, I'll freeze your credit cards. Bahala ka rin humanap ng bagong kotse kasi I'll confiscate all of them." Kahit nakatakip ang unan sa aking tenga, rinig na rinig ko ang mga 'yon.
"Oops, told you." Bulong ni Sky.
Dahil sa sinabi ng nanay ko, napabangon ako agad. "What? No!" Sigaw ko.
Nasilayan ko si mommy na nakatayo malapit sa malaking pintuan ng kwarto ko. Habang si Sky naman, tumayo sa pagkakaupo sa kama ko at lumipat sa couch.
"I'll confiscate things whenever I want. Babangon ka kung kailan mo gusto, hindi ba? It's a free country." ika niya.
Hay nako, what a cruel mother I have.
"Okay, mom. I'm just kidding. What is it ba?" Malambing kong tanong.
"Get up. Have breakfast with me." Ika niya.
"Yes!" Bulong ni Sky dahil ako lang ang sinabihan ni mommy. Tss.
"You're part of this, Spencer. Join us." Dagdag ni mommy sabay ng pagsara ng pinto.
Agad kaming nagkatinginan ni Spencer. Ngumisi ako at nag-tongue out. Hahaha, akala mo ligtas ka ha.
"Akala mo ligtas ka? Gago." Pang-aasar ko.
Hinawi ko ang comforter na nakabalot sa akin at agad na tumayo sa malapad kong higaan. Pagkatayo ko, inayos ko ang bathrobe na suot ko sa pagkakatali.
"Ano nanaman kayang meron at may family meeting nanaman?" Pagtatanong ni Sky habang naglalakad ako papuntang bathroom.
"Baka bigayan na ng mana." Sagot ko habang nakatapat na sa faucet at isang malaking salamin. Napangiti ako. Mana. Pera. Mansion. Lupa. Ahhh, ang sarap mabuhay.