O Aking Ina

4 0 0
                                    

Siyam na buwan
Ako'y iyong dinala
Siyam na buwan
Na puno ng pagpapahalaga

Nang ako'y isilang
Turing mo saki'y pinakamagandang nilalang
Sa lamok ay hindi pinadapuan
Pinadama sa aki'y pagmamahal na walang hanggan

Sa aking bawat hakbang
Mga mata mo'y tila nag-aabang
Sa bawat pagbagsak ko,
Nandyan ka handang sumalo

Sa aking paglaki
Turo mo'y dala lagi
Kailan man o nasaan man,
Pabaon mo'y pagmamahal kailanman

Sa iyong pagtanda
Kung saan wala ka nang magawa
Narito ako, handang umalalay
Ako naman ang iyong magiging gabay

Sa lahat-lahat,
Salamat, O Aking Ina

TUGMAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon