Ako yung tipo ng tao na hindi marunong makuntento
Ako yung tipo ng tao na sakit sa ulo
Ako rin yung tipo ng tao na hindi maipagmamalaki
At ako rin yung tipo ng tao na kinaiinisan paratiNgunit ang tulang ito'y hindi para sa akin
Kundi para sa taong lahat ay gagawin
Pangarap lang namin ay makamit
Kahit walang hinihiling na kapalitNakatatak pa sa aking alaala
Mga panahon ng aking pagkabata
Hindi malaman kung paano
Per alam kong marami nang nagbagoNoong ako'y bata pa
Laging nakatago sa'yong mga bisig
Ikaw ang laging kasama
Dama ang init ng 'yong pag-ibigPara sa akin ay hindi ka lang basta nanay
Para ding traffic enforcer na sa daa'y gabay
Ano man ang aming tahaking daan
Ikaw ay laging nandyan upang kami'y alalayanAakalaing doktor sa paggagamot kahit walang reseta
Walang sinabi ang nurse sa galing mo mag-alaga
Hindi man kami maipagamot sa sikat na ospital
Sapat na sapat naman na ang 'yong pagmamahalAni mo'y walang kapaguran sa pagtatrabaho
Problema ma'y magkahalo-halo
Lahat ng ito'y ininda mo
Magkaron lang kami ng buhay na pinapangarap moSaan na nga ba napunta
Ang oras na dapat ay kasama ka?
Isang reyalisayon ang pumasok sa isipan
At doon ko nga naunawaanMadalas kong idalangin
Pag-ibig na hindi mapasaakin
Ngunit ako'y may nakakalimutan pala
Pag-ibig na matagal nang nasa akin naMga utos mo man ay hindi nagawa
Pag-ibig ko ma'y hindi nadama
Sa iyo ay pinangako ko pa
Pinangakong ako naman ang mag-aalagaNgunit ngayon nga'y huli na
Huli na para sa iyo'y maipadama pa
'Pagkat oras ko atpy tuluyang natapos na
Wala na ngang mababago paPagmamahal ko man ay hindi nadama
Sa puso ko'y mananatili ka
At ngayo'y alam kong masaya ka na
Masaya ka na sa piling NiyaHindi man ako perpekto
Ako ma'y anak na hindi nararapat sa'yo
Nais ko lang malaman mo
Ang tulang ito'y mula sa puso koPaalam na nga, O Aking Ina
Mahal na mahal kita
BINABASA MO ANG
TUGMAAN
RandomBukas po ako sa mga pagtatama. Ang mga litrato po ay hindi sa akin. :)