Rescuing Bryce

6 0 0
                                    

CHAPTER TWO
Three years earlier...
Pumikit-dumilat ang mga mata ni Bryce mula sa pagkakatitig sa lalaking bumababa sa hagdanang bato patungo sa kanyang tinutuluyang town house. Upang makasigurong totoo at hindi aparisyon lang ang nakikita ay kinusot-kusot pa ng dalaga ang mga iyon bago muling ibinalik ang paningin sa hagdanang bato.Naroon pa rin ang lalaki, tila napapantastikuhan nang nakatingin sa kanya.
Hindi talaga siya isang aparisyon lang...?
"R-River?!" nabulol sa gulat na sambit ni Bryce,biglang-bigla sa walang pasabing pagdating ng binata.
Ano'ng ginagawa dito ni River?Hindi ba at nasa ibang bansa ito?
And oh, where's the legendary eyeglasses?
'Hmmm...maybe he's wearing a contact lens.Cute. ' she said to herself while staring at him, mesmerized.
'Ipahalata bang na-mesmerized siya.Kung makatitig,wagas' kantyaw ng lunatic niyang isip sa dalaga.
'Bwisit ka,nagfu-function ka pa pala...Hindi ako na-mesmerized,okay?Tumitingin lang ako at hindi krimen ang tumingin!'kunwari ay inis na buwelta ni Bryce sa aroganteng isip, pero hirap namang bawiin ang paningin sa taga-Olympus na panauhin.
Pero sino ba ang niloloko niya eh totoo namang na-mesmerized siya kay River? At hindi siya masisisi doon. For three years na hindi sila nagkita ng binata ay talaga namang kamangha-mangha ang mga nakikita niyang pagbabago sa pisikal nitong anyo.
"Ilang hakbang ba mayroon ang hagdan na iyan at 'dika na makababa-baba?" pasigaw na tanong ni Bryce sa binata nang mainip.
Ang tagal namang bumaba nito!
"Oy,gusto ko iyan. Parang gusto ko tuloy maniwala na totoong na-miss mo ako" he winked at her.
"Asa ka pa.Gusto ko ngang kabahan eh.Ano na naman kayang kamalasan ang mangyayari sa akin ngayong nandito ka?" nakaingos na biro ni Bryce dito.
"'To talaga.Hindi naman kabawasan sa kagandahan mo kung aaminin mong sobra kang natutuwa na makita ako" River teased her.
"Be careful in holding the brace,it's not as strong as it looked" she did not deny nor confirm his words,she warned him instead.
"Gee,thanks".
Tumango si Bryce.
Habang nakatingin ang dalaga kay River, napansin niya kung gaano ka-preskong tingnan ang kanyang panauhin. Para tuloy may sariling isip na tumaas ang mga daliri niya at dinama ang kanyang mukha.May palagay siyang nangingintab na iyon sa pawis dahil kakatapos lang niyang maglinis sa loob ng kabahayan.
Tama siya, medyo oily na nga iyon.
'What a bad timing...'asar na bulong ng dalaga sa hangin.Kung meron pa naman siyang pinakaaayaw ay iyong makita siyang tila nanlilimahid ng binata.
Sa naisip, pati ang buhok na nawala na sa ayos ay hindi pinaligtas ng kanyang pandama.May mga duming kumapit doon,nawala din sa ayos ang pagkakabuhol kaya may mga hiblang naglaglagan sa kanyang mukha.
Shucks! Ang gulo ng buhok niya!
'Oh no...Sino kaya ang kamukha ko sa mga oras na ito? Si Sisa na nanay ni Basilyo o si Mang Andoy na limang taon na yatang hindi nakatikim ng paligo?' bulong niya habang pasimpleng sinusuklay ng kanyang mga daliri ang buhok.
Nang muling ibalik ni Bryce ang paningin sa binata ay nahuli niya ang kislap ng pagkaaliw sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya, tila pa nananadyang ngumiti ito ng pagkatamis-tamis na animo may natuklasang pagkalalim-lalim na sekreto habang nakatingin sa kanya.
Napako sa mga labing iyon ang mga mata ng dalaga.
Oh lala...
Bryce seemed to have forgotten how to breathe seeing that lethal smile. Her heart even skipped a beat as she seemed lost in a trance.
Skipped a beat? Ewww. Napapaano ka, Bryce?Si River lang iyan,hello?
"Earth to Bryce" she heard him said that.
That broke the spell, natauhan ang dalaga.
'Your mask wore off, Bryce...' reprimanding herself, she gritted her teeth for the obvious display of weakness.
Super grrr!
"Aren't you going to give this handsome man a welcome hug?" muling nagsalita si River, ngayon ay nakabukas na ang mga bisig habang nakangiting lumapit sa kanya,closing the short distance between them.
Of course she knew that was an invitation.River wants to hug her,just like the old time.
Ayaw pa sanang gumalaw ng dalaga kung hindi lang siya muling tinawag nito.
Tulak ng dating nakagawian,natagpuan ni Bryce ang sariling pumaloob sa mga matitipunong bisig na iyon.And as she felt his arms enveloped her,feeling the familiar comfort those arms are giving her, her eyes began to water.
How she missed him.How she missed him...
"Hey..." River whispered when he looked down unto her face. Automatically,he lifted up his hand and gently wiped the stubborn tears with his thumb.
"Why the tears, beautiful?" he softly asked.
"I just can't believe you are actually here..." she said stupidly.
"Or can't believe I am already this good looking?" River smiled widely, a hint of mischief on his voice. Dahil doon ay pabirong itinulak ito ni Bryce.
"Aray ko!Child abuse ka na, ha!"
"Neknek mo!Ano'ng child abuse? Senior citizen ka na, 'noh?" muli ay itinulak niya ito.
"Tingnan mo 'to,ayaw pa kasing aminin na naguguwapuhan siya sa akin.Kung sabagay,dati ko naman nang alam na may HD ka sa akin" ngising-ngising kumindat si River sa dalaga,siniguro munang may sapat na agwat sa pagitan nilang dalawa.
"Ano?!Hah!Such guts you got there,Manderil. Dalawang taon lang tayong hindi nagkita ay yumabang ka na ng sobra" inirapan niya ito.Siyempre ay hindi niya aaminin iyon,magkagulo man sa planetang Mars at umulan man ng aso at pusa!
Kaagad naman din siyang hinila ng binata at muling ipinaloob sa mga bisig nito.
"Just kidding,kitten" natatawang sabi nito na tinawag siya sa nakasanayan nitong itawag sa kanya noon.
"Hep! Don't kitten me,River! I'm all grown up" nakalabing kumalas siya dito nang may maalala. "How did you find it here?" she asked.
Sa tanong na iyon ay naramdaman niyang natigilan ang binata, bahagya din itong napapormal nang tumingin sa kanya. Napakagat sa kanyang dila si Bryce nang maisip ang implikasyon ng kanyang tanong.
Wrong move,wrong question...she said to herself.
"Pumunta ako sa inyo...Tita Erlin told me...I'm-Err-Bryce, I am sorry,I-I didn't know..." his voice faded on the air.From being playful,his eyes became darker as they settled on hers, looking directly to her very soul.
Sa narinig ay tila lobong pumutok ang enerhiya ng dalaga.Yeah right...looks like she's forgetting something. She's mourning, wasn't she?
Just by that thought, her smile became bitter as she looked down to her toenails,evading those probing eyes of his.
"Alam mo na pala.What a sad reunion, eh" she tried to punch a joke and putted on a raw smile on her lips again,deliberately ignoring his sick reaction.
As expected,River didn't buy it.
He was still looking at her intently as if telling her to try harder.
Bryce groaned inwardly as she opened the door wider and dragged him inside.Of course,why did she even thought of trying.
"You were not answering my e-mails. I can't even reach you through phone..." napabuntong-hiningang muling tumingin ang binata ng matiim sa kanya nang makaupo na ito sa sopa.
Hindi sinagot iyon ng dalaga.Back to square one...
"You weren't telling anything_"
"Pinili kong huwag nang sabihin sa iyo...I do not want to saddle you with it.Alam kong busy ka sa pagpapakadalubhasa sa ibang bansa.Ayokong makagulo sa iyo..." agaw ng dalaga sa sasabihin pa sana nito.
How she hates this scenario,answering questions like this. First,her parents and now,River.
"Bryce_"
"River,please.I do not want to talk about it yet...Kadarating mo pa lang.For sure you did not travel this far just to come and ask me that...Come on,what would you like to have?" muling putol niya dito.Tumayo siya kaagad at lumakad patungo sa kusina.
"Kalamansi juice with honey,please" walang nagawa na pahabol na sabi na lang ng binata.Napapailing na inilibot ang mga mata sa mga nakikitang nakaadorno sa pinakasala ng tinutuluyang bahay ng kinakapatid.
Sa kusina,hawak ang dibdib na napasandal sa refrigerator si Bryce. Totoong nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni River.Nagulat din siya sa nakitang malaking transpormasyon nito.You could imagine the boyish River unbelievably transforming into a mythical god,that was amazing.
Ang hindi lang niya inaasahan ay malalim na pala ang nalalaman nito tungkol sa tinatakasan niyang problema sa Maynila.At halos nakakasiguro na siya na iyon ang pinakapangunahing rason kung bakit ito naroon ngayon.Muli ay napaungol siya.Pagdating sa binata,tsismosa talaga ang mommy niya.
Tuloy ay nawalan lang ng saysay ang pagnanais niyang huwag na itong balitaan tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay nitong nakaraang mga buwan.
Ang totoo ay ayaw niyang malaman nito ang nangyari sa relasyon nila ni Travern. Sasabihin lang kasi nito na tama ito ng assessment noon pa sa karakter ng kanyang namatay na kasintahan.
Ayaw niyang marinig iyon dito dahil ang totoo, totoong nagustuhan niya si Travern noon.Masaya kasi itong kasama at walang pretension dito.Kapag kasama niya ang lalaki pakiramdam niya ay malaya siya. Higit kailanman,hindi nito itinago at ikinaila ang mga kahinaan nito sa kanya.
Travern became more of a bestfriend rather than a boyfriend to her.She was who she was when she's with him.There's only one thing she forgot,that Travern was all human,too.Capable of feeling...
There came a time na naramdaman nito ang malaking pagkakaiba ng nararamdaman nilang dalawa.O marahil ay matagal na nitong naramdaman iyon,napuno lang.He began to ask her of more than what she could give.
She tried, but failed.
When the accident happened,nagluksa siya.Nagluksa siya hindi dahil nawalan siya ng pinakamamahal na nobyo,hindi dahil naaksidente itong may kasamang babae sa kotse,kundi nagluksa siya dahil nawalan siya ng isang mahal na kaibigan.
Pero wala nang mas sasakit sa naramdaman niya nang mabasa ang sulat na iniwan nito sa kanyang laptop.
"I can't move you like the way he does,Bryce...For many times,I can't help of getting hurt every time I think of how trying hard I was, competing to someone who's not even here.Competing for a love I know you can't give me as long as he still exists in your heart.I have been actually begging for your love...for which I never did to anyone.Ikaw lang.Dahil totoong mahal kita...But I am not whom you need.I may make you laugh,but I can't make you spark...I am sorry,but perhaps you're better off without me.Perhaps I have to do something to stop me from wanting to stay with you...while I still can.You better hate me...than give me pity which I don't need...Or before I could do something upang tuluyan ka nang maging akin.I do not want to trap you in a relationship na alam kong ako lang talaga ang nakakaramdam,Bryce...you're free..."
She cried a river reading the letter Travern left for her.She was so guilty.Naging wake-up call iyon sa kanya.
Kaya siya lumayo, hindi lang upang takasan ang kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak maging ang press na gusto siyang makapanayam kundi upang hanapin ang kanyang sarili.Iyong Bryce na hindi kailangang mamuhay sa likod ng mga pagkukunwari.
"Magpapasko na po!" ang pasigaw na pagbulabog ni River mula sa sala ang nagpabalik sa diwa ng dalaga mula sa pagsulyap sa nakaraan.
Oo nga pala!
"Nandiyan na po,kamahalan.Saglit at lalagyan ko po ng arsenic para mabawasan ang mga mayayabang" pasigaw ding sabi niya dito bago nagmamadaling hinalo ang inumin sa pitsel.
She heard him laughed.
"Nice place you got here, kitten" puri nito sa tinutuluyan niya nang makalapit siya dito.
"Meooww" asar na sagot ni Bryce dito bago inilapag sa mesita ang bitbit ng mga kamay.
Natawa ng malakas ang binata kaya natawa na din siya.Hindi pa nakontento,para silang mga baliw na nagbatuhan ng mga throw pillows nito.It's childish,but it felt good.
Noon lang natanto ng dalaga kung gaano niya kana-miss ang mga kulitan nilang dalawa noon.
"So,what are your plans now?" River asked after the shared laughter.Pinulot nito ang mga unan at ibinalik sa dating kinalalagyan.
"Itutuloy ang modelling career ko,I guess" wala sa loob na sagot ng dalaga pagkatapos kumagat sa pizza na isinama na rin niyang inihanda para sa kanilang dalawa.
"Aha,not a good idea,Bryce" sabi kaagad ng binata dahilan para mapatingin siya dito.
"Bakit naman? You know I am doing great in the limelight, River" she said matter of fact.Tinaasan niya ito ng kilay na ikinapangiti nito.
"Oh,don't get me wrong,kitten. But you see, don't make modelling your world. I suggest you try doing something far from_"
"Like?"
"Bakit hindi mo pamunuan ang kompanya ninyo? Soon your father would retire. Don't you think it's about time you learn managing your own company?" mahabang sabi nito na ikinasimangot ng dalaga.
Kung kanina ay isang kilay ang nakataas kay Bryce,ngayon ay dalawa na.
"Whoah! I can smell conspiracy here.Did my parents sent you to talk about all these to me?" iningusan niya ito, nakasimangot na humalukipkip habang hinihintay ang isasagot ng binata.
"Of course not!" defensive na sagot kaagad ni River kaya lalo lang nakumpirma ng dalaga na may katotohanan ang paratang niya dito.Iyong tayo niyang iyon, pinagdadampot niya ang mga piraso ng pizza at isinalaksak muli sa kahon.Dinampot din niya ang pitsel na may lamang juice.Pati ang isusubo sana nitong piraso ng pizza ay hindi niya pinatawad.Pahablot na inagaw niya iyon mula sa nakangangang mga bibig nito.
"Hey,what are you doing?" nagtatakang tanong nito kaagad, tinangkang isalba ang basong may lamang inumin.
Asar na inagaw niya iyon dito.
"Heh! Maghanap ka ng kakainin mo!Kainis ka!" nagmartsa siya pabalik sa kusina.
"Pikon ka pa rin!" dinig hanggang kabilang bahay ang ginawang pagtawa nito nang makatalikod na siya.
"Tse! Pasukin sana ng langaw iyang ngala-ngala mo!" asar na bwelta niya dito bago padaskol na ibinaba sa lamesa ang hawak sa kamay.
So,hindi lang pala ang nangyari kay Travern ang itsinismis ng mga magulang niya kay River kundi pati na rin ang katamaran niyang tumulong sa pamamalakad ng kanilang negosyo?
Naku naman talaga,oo!
Kung minsan gusto niyang mainis sa mga magulang niya.Lahat na lang gustong pakialaman ng mga ito.Mabuti nga at hindi na naman pinakialaman ang desisyon niyang tumira sa simpleng townhouse na iyon sa Baguio.Kung hindi pa siguro nakita ng mga ito kung gaano niya ininda ang inaakala ng mga itong sobrang sakit na dinanas niya sa pagkawala ni Travern, nungka sigurong payagan siyang umalis.
Pero,teka....
Hmmm,imposible naman yatang hindi napanood man lang ni River ang tungkol sa eskandalong kinasangkutan ni Travern three months ago eh alam niyang nanonood ng TFC ang binata.Hindi lang iyon,kilalang angkan ang pinagmulan ni Travern kaya na-cover ng media ang naganap na aksidente.
"River?" tawag niya dito nang matapos niyang hugasan ang mga baso.
"Yep?"
Lumabas si Bryce. Nakita niya ang binata na nakatayo sa harap ng open cabinet na pinaka-division ng sala at kusina niya,pinakikialaman ang mga hindi pa naililigpit na mga sketches doon.
"Sabi mo si mommy ang nagkuwento sa iyo ng mga nangyari?" lumapit siya dito at inagaw ang mga hawak-hawak nitong sketches.
"Hey! Ang damot nito" walang nagawang reklamo na lang ng binata nang hablutin niya ang mga iyon. "Honestly Bryce,you're good_"
Taas ang kilay na nilingon niya ito.
"No kidding" itinaas nito ang mga kamay, "you could have been a famous designer if you pursued it.Sayang ang talent mo" dugtong pa nito.
"O,akala ko ba,dapat ay matuto na akong magpalakad ng malaking negosyo?" buska niya dito habang isinasalansan ang mga papel sa ibaba ng flat TV niya.
"Well,kasama na rin iyon,of course" kaagad namang depensa ng binata.
"Sabi mo,si mommy ang nagsabi sa iyo?" nang matapos sa ginagawa ay muling balik ni Bryce sa tanong kanina.
"Uhumm"
"Di ako naniniwala" ingos ng dalaga.Humarap siya at binigyan si River ng nagbabalang tingin.
Tila naman nasukol na napabuntong-hininga ito,hindi inaaalis ang pagkakatingin sa kanya.
So she was right.
Alam niyang hindi sinungaling ang kinakapatid. He may have been playful and he's good at it,but he was never a good liar.And looking at him now,di na nito kailangang ikumpirma ang kanyang hinala.
"Okay,I saw it on TV.I was trying to reach you pero hindi kita makontak.Noong makausap ko si tita Erlin,they told me you took a vacation somewhere.So I decided to come home.You might need a punching bag,you know.So here I am, offering myself to you..." nangingiting amin din naman kaagad ng binata,bahagya pa siya nitong inabot at gaya ng nakagawian ay kinusot ang lampas balikat niyang buhok.
"I'm a big girl now,River!" naiinis na sikmat niya dito.Sabi na nga ba niya!Umiral na naman ang protective instinct ng bruho.
"Big girls don't hide, Bryce" he said as he looked at her.
Bryce had no idea if it was her ears cheating her, but she could swear she hinted sadness in that voice.She raised her head and meet him in the eye.Hindi niya malaman kung guni-guni lang din ba niya ang nakitang pagdaan ng kalungkutan sa mapupungay na mga mata ng binata.
Kalungkutan?Para saan? Sa kanya?
"But I am not hiding..." Bryce protested in a low voice.
"Okey,big girls don't run then..." he smiled.Gone was the emotion she saw in his eyes earlier.Naging playful nang muli ang mga iyon.
"River!I am not running!Grrr!" naiinis na kontra niya, ibinato dito ang stuffed toy na nadampot sa kanyang tabi.
Tumawa lang ang binata

Chasing My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon