Ilocandia Memoirs

7 1 0
                                    


CHAPTER FOUR
"Wake up,sleepy head..." ang masuyong haplos at boses ni River ang gumising sa mahimbing na pagtulog ng dalaga.Kaagad na napaunat ng upo si Bryce at iginala ang paningin sa labas ng sasakyan.
"Where are we?" she asked.
"Banauang bridge.You might want to go down first.Ipapahinga ko lang saglit ang mga kamay ko.Whew! sobrang nangangalay na..." sabi nito bago tinanggal ang seatbelt at binuksan ang sasakyan.
Napatingin siya sa binata.Bahagyang nakadama ng awa para dito. Tinulugan ba naman niya ang kinakapatid mula La Union hanggang dito.
"Sige,ako ang magmamaneho mamaya" pangako niya bago inayos ang sarili at bumaba din ng sasakyan.
Pagkababa ay nakadama ng ginhawa ang dalaga,lalo na nang madampian ng hangin ang kanyang balat.
Nang hanapin ng kanyang mga mata si River ay nakita niya ito sa gilid ng tulay habang hawak ang camera nito. Natawa siya.Para pa ring bata nito.Kinunan ba naman ng larawan ang dalawang lovebirds na nakaupo sa ilalim ng tulay at naglalambingan.
Nangingiting kumindat ito sa kanya.
"Hey,kunan mo sila,madali!" excited na sigaw ni Bryce nang pagbaling sa kabila ay makita ang mga nasa Zip Line.Napakagandang view.The two teenagers were like birds flying over the water. Sumisigaw pa ang mga iyon sa tuwa.
"Would you like to try?" naroon ang paghamon sa tanong ng binata nang makalapit ito sa kanya.
"Is that a challenge?" taas ang noong hamon din ng dalaga.
"Dalawa tayo" nakangiting sagot nito.Napamulagat si Bryce.
"Ayoko nga! Baka laslasin mo ang tali ng akin,mahulog ako" simangot niya dito.
"Sira!Halika na" di na siya nito binigyan ng pagkakataong umangal,kinaladkad siya nito patungo sa mga tauhan ng Adventure Zone na iyon.
"River! I was just kidding!Hindi mo ako mapapasakay diyan!" angal ni Bryce nang mahinuhang tototohanin iyon ng binata.Naghilahan sila sa gitna ng tulay.
"Kailan pa naging duwag si Bryce de Silva? The world must be melting!" nakatawa pa ring hila-hila siya nito.Sa wakas ay narating nila ang lugar kung saan inilaan para sa mga zip liners.
Pinanood na lang ito ng dalaga. Ikinuha siya nito ng vest at ipinasuot iyon sa kanya bago nito isinuot ang sariling vest.
Napapailing na lang na sinunod niya ang mga instructions nito.Akala mo ay isa ito sa mga tauhan ng adventure zone na iyon at binibigyan siya ng oryentasyon.
Nang maikabit ang harness sa kanilang dalawa ay napahugot ng malalim na hininga si Bryce.
Napatili pa ang dalaga nang maramdamang wala na siya sa tinutuntungan.
"Yes!I am flying!" narinig niyang sigaw ni River sa kanyang tabi.
"And I am dying!" tili niya.Natatakot siyang imulat ang kanyang mga mata at tingnan kung gaano kataas ang babagsakan niya sakaling maputol ang harness.
"Don't look down,Bryce.Just look ahead!Spread your arms and feel the wind!Come on!" ani River. "You're safe,as long as you're with me.I won't let you fall,I promise" himok pa nito.
Those words must have magic.She believed in him.
Kagaya ng sabi nito ay hindi siya tumingin sa ibaba.Her eyes were wide open focusing ahead.She began to spread her arms like a butterly learning to spread its wings.And,oh,the feeling was wonderful.She can't blame Rose in Titanic for saying she's flying.That's exactly what she felt that moment.Like she's the queen of the world,and the man beside her...her king.
'Ekkk! May tama na talaga ang ulo mo,Bryce!' sabi niya sa sarili.
"Nababaliw na ako!" wala sa loob na naisigaw niya.
"Ano?!"
"Wala! Ang sabi ko,papatayin kita kapag nahulog ako!" muling sigaw niya.Malapit na sila sa kabilang dulo kaya alam niyang secured na sila.
"Asus! Ang sabihin mo,nag-ienjoy ka lang" buska ni River nang makarating sila sa tuntungan.Kaagad din naman silang inalalayan ng mga tauhan ng Adventure Zone.
Ah,kahit ano pa ang sabihin nito at kahit sabihin pang mababaw siyang tao,pero totoong masaya siya.Masaya siya na kasama niya ito sa bagong karanasang iyon.
Ilang sandali pa ay nasa daan na silang muli.Kagaya ng pangako niya sa binata,siya naman ngayon ang nasa harap ng manibela.
Tanghali na nang sapitin nila ang Bantay,Vigan at saglit na nagtalo kung saan sila manananghalian. Kalaunan ay napagkasunduan na lamang nila na sa San Eldefonso Garden na lang sila kakain.
Mag-aalas dos na ng hapon nang sapitin nila ang Pagudpud.
"Finally..." Bryce stretched her arms and reached for River.Plano niyang gisingin na ang nakatulog nang binata.
"River..." she called his name.No reaction.Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay upang sana ay tapikin ito sa mukha nang marinig na umungol ito.
"Bryce...why?" he mumbled in his sleep. Bryce's hand froze on mid-air.Natitigilang binawi niya ang kamay sa ere pagkatapos ay tinitigan si River.
Those words...those words...
"Nasaan si River?" tanong ni Bryce kay Teppei nang makita ito sa counter.Tinabihan ng dalaga ang lalaki sa pagkakaupo habang gumagala ang mga mata sa paligid.
"Buti naman at humihinga ka pa,precious.Muntik na kaya kitang sunduin.Sa tagal mo ay kinabahan ako na baka kasama ka nang nai-flash sa inidoro" nagbibiro at nakangiting sinalinan ni Teppei ng alak ang kopita sa harapan niya.
Pabirong binatukan niya ang lalaki.
"Hehehe.Sampung minuto,matagal?Patawa ka.Ang tanong ko ang sagutin mo,nasaan nga si Kagami?" tinatawag niya ng Kagami si River tuwing naiinis siya dito. Paborito nito ang anime' character na iyon at kaya ayaw na ayaw nitong tinatawag niya ng ganoon ay dahil ayaw nitong malaman ng iba na sa edad nito at sa dami ng mga achievements na naabot sa buhay ay adik pala ito sa anime'.
Noong hindi pa niya ito ka-liga sa liga ng mga adik sa anime' ay ayaw na ayaw talaga nito na manood ng animated movies.Kahit anong suhol ang gawin niya noon dito samahan lang siyang manood sa movie house ay hindi nito iyon pinapansin.Pinapangaralan pa siya!Nagbago lang ang lahat nang wala itong mapagpilian kundi ang makipanood sa kanya nang minsang magkasakit ito at siya ang nag-alaga dito.Siyempre ay hawak niya ang remote at mahina ito kaya siya ang boss.
From then,naadik na rin ito sa teleserye na iyon tulad niya.
At kaya niya ito hinahanap ngayon kay Teppei ay dahil sisingilin niya ito sa ipinangakong regalo sa kanya.Her ultimate dream of original DVD copies ng Kuruko.Inimport pa nito iyon from Japan just to make sure she wont have to stay up late at night waiting just to watch it.He promised her that DVD collection one month before her graduation, and thanks God...her waiting ends today.
She just had her diploma. And not just a diploma for that matter.She graduated Magna cum laude to her parent's happiness.Kaya nga narito silang tatlo ngayon sa isang desenteng bar sa Makati in celebration for it.
"Here,let's have a toast.My congratulation,Bryce.Puwede mo na akong pakasalan" Teppei said and then laughed.
"Heh!Pakasalan ka diyan.Hindi po ako pumapatol sa menor de edad" nang-aasar ding sagot niya dito.Baby face kasi ang lalaki.Madalas tuloy itong mapagkamalang teener.
Kaibigan at team mate sa basketball ni River ang binata noong nasa kolehiyo pa ang mga ito.Manliligaw din niya.Although hindi niya ito binibigyan ng pag-asa,hindi rin naman niya ito tahasang tinatanggihan. Katwiran niya,magsasawa din ito at titingin sa iba.
"May sinundo si River.Sandali lang iyon" sabi nito kapagkuwan. "Hey,the music is good.Come on and let's dance" yaya ng binata sa kanya.Wala nang nagawa si Bryce nang ilahad nito ang palad sa harapan niya.
"I don't want to be called nosy or something b-but_"
"You can't help it.I see..." nakangiting agaw ni Teppei sa sinasabi niya.Ini-ikot siya ng binata bago marahang muling hinila palapit sa katawan nito.
Natahimik si Bryce.Napayuko.
"Don't worry,precious, your secret is safe with me" Teppei looked at her with that sadness in his eyes.
"Teppei...?"
"It's funny to think, yes... but I knew those kind of look you were giving him whenever he's not looking at you...And it's even harder to think na hindi siya aware sa nararamdaman mo..." he smiled at her.
Gustong malungkot ni Bryce.
This was the very reason why she can't learn to love someone as good a man as Teppei.She was a prisoner of love...and that's for God knows how long.
"When are you going to tell him?"
"I won't and you wouldn't either" she answered back. It's no use denying the obvious.Basang-basa na siya ng binata. And at some point, natatakot siya.Kung si Teppei ay aware doon, hindi kaya...?
"But Bryce, he_"
"Hey, there!" ang pagbating iyon mula sa kung saan ang pumigil sa sasabihin sana ni Teppei.
Nakangiting bumaling sila sa bagong dating. Sa mga bagong dating pala.
It's a good thing they were on the dark corner of the bar.The dark gave shield to her facial expression as the sweet smile turned into a bitter one.
So that's it.Babae ang sinundo ni River.At hindi lang basta babae,napakagandang babae.Gustong panliitan ng pakiramdam si Bryce nang mapagmasdan kung gaano ito kayaman sa bagay kung saan siya kinukulang...
"Hey,River!Buti dumating ka na,kanina ka pa tinatanong nitong si Bryce" on cue, Teppei hold her hand and gently squeezed it,like telling her he knew exactly what she's feeling.That made her feel like crying all the more.
That was the first time she felt shaken and totally threatened.That's because that was also the first time River brought a woman in front of her.He may had had his share of women before and she knew them,pero ang ipakilala ang mga ito sa kanya ay di nito kailanman ginawa sapagkat sagrado iyon sa kanila.
They had their own foolishness wayback in high school,dahil may mutual agreement sila noon na saka lang nila ipapakilala ang kanilang karelasyon sa isa't-isa kapag naramdaman nilang seryoso sila dito.
And now...
"Oh,I'm sorry if I kept you waiting,beautiful.Anyway,let me introduce you to this goddess beside me,Abigail Tanchangco.Abigail,si Bryce...kinakapatid ko" nakangiting pinagkilala sila ng binata bago hinila pahapit ang babaeng nangngangalang Abigail sa katawan nito.
Goddess....kinakapatid ko...
Tila may libo-libong karayom na tumarak sa dibdib ni Bryce nang mga sandaling iyon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon