Chapter 1

276 5 5
                                    

HANNAH KRISHNA AUDREY.





Noong bata pa ako, masayang masaya ako sa buhay na meron ako. Even if we're just living in province maluwag ang pamumuhay namin. My dad was the multi- billionaire all over the world that time. And my mom was the famous model/fashion designer of all the time.

Kahit nagiisang anak lang ako. Masaya ako. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Laruan, make-ups, dresses etcetera.

And then my nightmare came. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila Mom and Dad habang papunta sila ng Manila for a business trip. Iyak ako ng iyak to the point na na-trauma ako. I can't speak. I can I guess? But I never did.



Pero sabi ng lawyer ng family namin, tutulungan nya akong makuha lahat ng mana ko at ari-arian ng mga Lee. He said that I just need to trust him. But shit. I trusted him with all myself pero anong ginawa nya? Inilipat nya lahat ng PERA, KUMPANYA, ARI-ARIAN, HOTELS, BEACH RESORTS, HOUSES, MALLS, CARS, at LAHAT ng pwede nyang nakawin sa pamilya namin. Pinapirma nya ako ng isang kontrata. Ang sabi nya pirmahan ko para tuluyan ng maging akin ang lahat.



Hanggang dumating ang isang araw nalaman ko nalang na ipinagtayo ako ng barong-barong ng mga taga-amin. Ang sabi nila tulong daw nila iyon saakin at pasasalamat sa mga magulang ko.




Dinamayan ako ni Lolo Nestor nung mga panahong walang wala talaga ako. Tinulungan nya ako hanggang naturuan ko ang sarili ko na magsalitang muli.




Namulat ako bata pa lang ako sa hirap ng buhay, kung hindi ka kakayod wala kang makakain. Kaya narin siguro medyo Maldita With A Heart ako sa mga nakapaligid sakin dahil kung magiging mabait ako. Pwede nanaman nilang itake advantage yun. Ayoko na. Masakit eh.




Pero nung pumanaw na ang kinilalak kong lolo noong nakaraang taon. Hindi na ako ganun kaapektado. Kasi alam kong masaya si lolo dahil alam nyang kaya kona ang sarili ko. Malakas na ako eh.







"Oh Monayyyy, Masarap ang Monay koooo limampiso langggg!"






Sa tuwing isisigaw ko yan, hindi ko maintindihan kung bakit ako tinatawag ng mga tambay sa kanto. Kagaya ng nangyayari ngayon.




"Ms! Masarap ba yang monay mo? Hahahahaha!" Nagtawanan sila ng mga kapwa nya unggoy.



"Opo. Maalinamnam papo!" Sagot ko. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang mga nangyayari.




"Hahahaha! Magkano ba miss? Patikim naman oh. Ipapalaman ko lang yung hotdog ko. Hahahahaha!"



At dahil Maldita With A Heart ako, umalis nalang ako dahil alam ko namang wala silang balak bumili ng monay ko. Hay, ang hirap talaga pag isang kahig, isang tuka.




Nang matapos ko nang maibenta lahat ng monay ko, inilagay kona sa alkansya ko ang tubo ko at ihiniwalay ang puhunan para nanaman bukas. Nag-iipon kasi ako para makapunta ng Maynila. Pupunta kasi ako kela Lolo Ferdie. Ang matalik na kaibigan ng papa ni Daddy ko. Pero wala na rin sya. Namatay ang tunay kong Lolo dahil sa depression.







*Kring Kring*






Agad kong sinagot ang tawag na natanggap ko. Si Lolo Ferdie.






"Iha..."


"Hi po Lolo! Kamusta na po kayo dyan?"


"Iha, kailangan mong pumunta dito."




"Po? Bakit po? Wala pa po akong ipon."




"Iha. May chansa na makuha mo ulit ang mga ipapamana dapat sayo ng mga magulang mo. Ilalaban natin sa korte yan iha." Napangiti ako habang naluluha dahil sa magandang Balita ni lolo. "For now iha, magempake kana. Yung mga pinadala ko sayong mga damit lang ang dadalhin mo dito. Ipapasundo na kita ngayon din."






"Opo opo opo lolo."





Pinatay ko na ang tawag at masayang nagempake. Sayang naman yung mga luma kong mga damit. Tsk. Si Lolo talaga, siguro kinakahiya ako nun. Magaganda kasing damit ang pinadala saakin ni lolo pero hindi ko nagagamit dahil hindi naman bagay kung naka jeans ako. May mga pabango din na pinadala si lolo mga Victoria's Secret. Nung bata ako madami akong ganyan pero ngayon...



Nang matapos na akong magempake at inilagay sa color blue kong maleta ang mga damit ko naligo na agad ako at nagsuot ng isang dress. Nagadahan kasi talaga ako dito nung binigay ni Lolo. Hindi ko din naman masuot kahit misa. Nakakahiya naman kung ang gara gara ng suot ko di naman ako mayaman. Baka dumami pa ang haters ng malditang kagaya ko.



Tinernuhan ko yun ng puting sneakers. Bagay naman dahil floral white ang dress ko. Kaya napakaganda ng malditang ako. Slash inborn na talaga ang kaputian ko.




Maya-Maya lang dumating na ang kotseng susundo saakin.





"Hello Mam, ako nga po pala si Mang Rick. Ako po ang susundo sainyo."





Tinaasan ko ng G na G ng kilay si Mang Rick. "Alam ko. Halata naman diba?" Humagik gik lang ng tawa ang echuserong oldy.


Nagsisilabasan narin ang mga tsismosang mukang gurang na mga kapitbahay ko. Maldita nga ako diba? Kaya diko sila pinapansin.


"Hannah size 7 ako hihihi!" Sabi ni Aling Kuring na laging nag-aarikingking.




"Eh ano naman ho? Muka ba akong tindahan ng sapatos?" At inirapan ko sya bago ako pumasok ng kotse.


Wag nyong sasabihin harsh ako. Dahil sanay na sakin ang mga tao dito. Sa katunayan nyan, humahagikgik si Aling Kuring kitang kita ang gilagid kulay itim.


Puro puno ang nadadaanan namin since probinsya ito at baryo pa. Alanganin naman puro Mall diba? Bobiiiii lang?


Matapos ang isang oras na byahe namin, nakakakita na ako ng mga mataas na buildings. Malls, hotels, parks, at kung ano ano pa. Ibang iba ang simoy ng hangin dito kumpara sa probinsya. Charot. Pano ko maaamoy kung sarado ang side mirror ng kotse puro aircon lang.


Ah basta! Sa tingin palang malalaman mona dahil sa itim na makakapal na usok. Kasing itim ng kuyukot ni Aling Puring nung nakita ko syang naka Ovary Short lam nyo yun? Ha? Ha? O sige PP Short nalang arte nyo. Gigil nyo ang maldita with a heart na si ako ha? Ha?



O sige na nga para naman mas mukang disente, kasing itim ng mga usok nayun ang pwet ng kaldero namin. At kasing panget nf nagbabasa neto charot.




Maya-Maya pa pumasok kami sa isang subdivision o alam ko yung mga ganire. Naririnig ko dati Kela Mommy.



Mga malalaking bahay naman ang sumalubong saamin at isang ministop. Hay naalala ko nung bata ako lagi kaming kumakain ng Ice Cream ni daddy dyan. Naalala kopa ulit, yung 7-11 na napuntahan namin walang yelo. Hayst.




Tumigil ang kotse sa isang kulay itim na gate. Kusa itong bumukan nung may remote na pinindot tong si Manong. Wow techy.



Pumasok na itong kotse syempre may nagdadrive alanganin pumasok tong magisa edi nagulantang ang Earth?

Tekaa.










Mall Of Asia ba tong nasa harap ko?





*Iling Iling*





Grocery?



*Iling-Iling*




Ospital?




*Iling-Iling*


















MANSION?!

























*chapter 1 close*

Maldita With A Heart (On-Going) Where stories live. Discover now