Chapter 1

6 0 0
                                    

Graduation day! Excited kaming magkakaibigan makapagtapos na elementarya. Excited ako kasi binilhan ako ng nanay ko nang magandang gown.

"Nay, alis na tayo. Baka ma-late ako. Dadaanan pa natin si Ina."

Si Ina, isa sa kaibigan ko na maagang nagboypren. Samantalang ako puro laro pa.

May napansin akong may lalake na nakatingin sa gawi namin. 'Yun 'yung boypren ni Ina. Parang may naramdaman akong kakaiba sa aking sarili..pero hindi ko pinansin kung ano ang aking naramdamn na hindi ko naman maintindihan kasi nga batang isip pa ako.

"Bakasyon na, Ina, saan ka mag-aaral?"

"Uuwi na ako sa probinsya ng mama ko. Kasi pinapauwi na ako doon."

Si Ina at ako ay pareho kaming lola namin nag aalaga sa amin kase busy mga magulang namin. Ngayon maghihiwalay na kami.

******

Tatlong taon na ang nakalipas nabalitaan ko nag asawa na ang aking kaibigan. Di sila nagkatuluyan ng boypren niya na taga dito sa amin.

Nagkakaroon na din ako ng manliligaw pero mailap ako sa lalake walang nakakalapit sa aking katarayan. Dahil na rin sa may takot ako sa magulang.

"Mahal na araw na, Kath, sama ka samin tulong tayo sa chapel."

"Sige, ate daanan mo nalang ako paalam ako kay lola. Anong kailangan kong gawin, ate?"

"Pakitulungan mo sila sa kusina."

Pagpasok ko ng kusina nandoon ang ex-boyfriend ng kaibigan kong si Ina. Nag-gigitara. Napatingin sa gawi ko at nginitian ako. Ako namn ay sadyang masungit sa mga lalake. Nginitian ko siya ng napakatipid na ngiti.

Lumapit ito sakin.

"Tulungan na kita, Kath."

"Hindi na, kaya ko na to."

Nagmamadali akong lumabas para bigyan ng meryenda ang nagbabasa ng pasyon..

Pagbalik ko sa kusina di na niya ako pinapansin. Parang may naramdaman akong iba sa aking sarili. Umupo ako malapit sa kinauupuan niya.

Nagsalita siya bigla..

"Kath, parang ayaw mo naman akong kausap.."

"Hindi naman, Benj, pasensya ka na lang ganito talaga ako.."

Di ko namamalayan masaya na kaming nagkukwentuhan.

"Benj, mauna na ako di pa daw uuwi si ate.."

"Sabay na tayo, Kath, hatid na kita."

"'Wag na, Benj, parang ang layo naman ng uuwian ko. Halos magkalapit lang bahay natin."

"Hindi, hintayin mo ako. Ihahatid kita."

"'Wag na nga,"

Ngunit hinatid parin ako nito. Habang naglalakad kami iba ang aking pakiramdam. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang kami.

"Dito na lang ako, Benj, baka makita ka ng nanay ko."

"Sige, Kath, bukas na lang ulit ha."

"Oo, Benj, sige.."

Habang naglalakad ako papasok humingi ako ng sign kay God.

Sabi ko, "Lord, kapag lumingon siya siya na ang makakatuluyan ko.."

Paglingon ko, sabay lingon kaming dalawa at ngumiti. Di ako nakatulog. Bakit siya na ang laman ng aking isipan. Di ko namalayan umaga na pala. Nagulat nalang ako nang biglang..

DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon