Chapter 2

3 0 0
                                    

    Ang bilis nang pangyayari.napakasaya ni benj samantalang ako may halong kaba na baka mapagalitan ako sa mga magulang ko.
Sa edad na 16 anyos umibig na ako.sa taong mabait marunong makisama sa tao.

Kinabukasan paggising ko parang ayaw ko munang magpakita sa kay benj.sa sobrang kaba ko sumulat ako sa kanya.

Benj,
    Sumulat ako sa iyo sa dahilang,di ko maintindihan ang aking sarili.natatakot ako.naguguluhan ako.pasensya ka na nabigla ata ako kagabi.gusto ko sanang bawiin ang pagsagot ko sa iyo.sana maintindihan mo ako.sorry talaga.

                                          Kath

Pakibigay naman kay Benj ito sonny.Si sonny ay pinsan ni Benj.after one hour bumalik si sonny may dalang papel na nakafold.kinabahan ako alam ko sulat din ito ni benj.

Kath,
    Masakit ang ginawa mo sobra.di ko akalain na magagawa mo ito sa akin.kilala mo ako.di ako masamang tao.alam mo ang buong pagkatao ko.ni minsan di ako nanligaw ng babae.ikaw lang ang niligawan ko at minahal nang ganito.mag-usap tayo naguguluhan ka lang please magkita tayo.

                                       Benj

Hindi ako nakipagkita kay Benj.sumama ako sa aking tita sa manila upang tumulong nalang sa pagtinda ng damit.magpapasko na kailangan niya din naman ang tulong ko sa pagtinda ng damit sa palengke.

Naiisip ko pa rin si Benj dahil sa nagawa ko sa kanya.ewan ko ba parang may nag-iba sa akin.parang ayaw ko na siyang makita.

New year na!putukan na.pauwi pa lang kami ni tita sa probinsiya namin.kinakabahan ako alam ko makikita ko si Benj.ayaw ko siyang makita.natatakot ako.ewan ko ba bakit nagkanito ako.

Pumara ang aking tita sa sinasakyan naming bus.nagulat ako kasi nakatulog pala ako sa biyahe.di ko namalayan nandito na pala kami.11:30 na nagpuputukan na.

Heto na kinakabahan na ako.nagdarasal sa isip ko na sana hindi ko siya makita.pagpasok namin sa kanto kung saan ang aming tahanan.nakatayo si Benj sa may madilim na lugar.sa bahay ng pinsan niya na malapit sa aking tinitirhan.

Nagulat ako buti nalang kasama ko si tita.hindi niya ako malalapitan kasi walang nakakaalam sa relasyon namin.kasi nga takot ako malaman nang magulang ko.kaya alam ni Benj na hindi niya ako puedeng kausapin.

Naawa ako kay Benj pero bakit kahit anong gawin ko bakit nawala ang nararamdaman ko gaya ng dati na kinikilig ako.hindi ko talaga mahal si Benj.

Hindi ako nagpakita sa kanya.kasi nahihiya ako at ayaw kp talaga siyang makita.

Kaarawan ko na.niyaya ako ng barkada na magswimming.sumama namn ako kasi ilang araw nalang babalik na ako ng maynila.

Pagsakay ko sa jeep na nirentahan nila,nakita ko si Benj Nakangiti sa akin.di ako makatingin sa kanya.gusto ko nang bumaba at hindi na sasama.kaya lang di na ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Habang nasa biyahe pa kami maingay,masaya silang nakukwentuhan.habang kami Benj di nagsasalita nakikinig lang sa kanila.

Nakarating din kami sa wakas.makababa na nga.naglakad ako habang inaayos nila bayad namin sa entrance.nakakuha ng pagkakataon si Benj na lapita ako.

Kath sandali lang puede ba tayong mag-usap?wala na tayong dapat pag-usapan Benj sinabi ko na sayo na nagkamali ako.Sorry di ko sinasadya.

Nang makaupo kami sa may cottage na malayo sa mga barkada namin.nakiusap sa akin si Benj.Kath huwag mong gawin sakin ito.nakikiusap ako.

Ano ba!ayoko na!!Benj nabigla lang ako.di ko alam kung bakit.bigla ko nalang naramdamn paggising ko ayaw ko na.bata pa ako baka patayin ako nang nanay ko.tsaka di na kita mahal Benj.kaya huwag mo na akong susundan.

Iniwan ako ni Benj.binalikan niya mga barkada namin.naiwan ako sa cottage na parang nabunutan nang tinik.

Pagbalik ko sa barkada wala na si Benj umuwi na daw siya.naawa ako kay Benj.naging masaya naman ang barkada kahit umuwi si Benj.ako din naman masaya.dahil siguro hindi ko talaga siya mahal.

Pag-uwi namin kinausap ako nang aking pinsan na si ate Ja na barkada ko rin.sabi niya sa akin.Kath mali naman ang ginawa mo.bakit ginawa mo ang isang desisyon na hindi ka naman sigurado.

Nalungkot ako sa sinabi nang aking pinsan.naawa ako kay Benj nagiguilty ako sa nagawa ko.di nalang ako lumabas ng bahay.hanggang sa bumalik na ako sa maynila.

Balik tindera nanaman ako.kasama ko si tita lagi.bahay lang at palengke kami.ganun ang naging buhay ko.

Pumasyal ang isa ko pang pinsan na si ate Zeth sa palengke.nagkwentuhan kami.alam mo Kath may nabalitaan ako.pumayat daw si Benj sabi nila.ganun ba ate Zeth.Oo kath dahil daw sa iyo.hindi ako umimik kasi alam ko ang nagawa kong kasalanan.Kath sabay na tayong umuwi bukas ha.Oo ate Zeth.

Pauwi na kami ni ate Zeth kwento lang siya ng kwento habang nananuod ako ng movie sa sinasakyan naming bus.

Hanngang sa nakauwi na kami.ayaw ko nang lumalabas sa bahay.iniiwasan ko na magkita kami ni Benj.

Isang gabi naglalakad ako pauwi galing sa tindahan bumili ako ng mani.kasi nanunood kami ng VHS yun pa ang uso noon.hindi ko akalain na makikita ko si benj na natakayo sa may tapat ng bahay ng pinsan niya.

Di ako nakaligtas tinawag niya ako.Kath mag-usap tayo.hinawakan niya ang aking balikat.dinala sa may madilim na parte ng bahay ng pinsan niya.Benj bitiwan mo ako ayoko na.di mo ba naiintindihan.ayoko sayo!kaya tama na!!

Naghiwalay kami ni Benj.magmula noon kahit magkita kami sa daan wala lang parang di kami magkakilala.

Nag-aaral pa si Benj kaya di maiwasan dadaan siya sa bahay namin kapag pumapasok sa school.college na si Benj matanda siya nang 5 taon sa akin.nakapagtapos siya nang 2 years course at nag-aral ulit kumuha ng 4 years course.Kaya nag-aaral pa rin siya.

Isang araw nagkasalubong kami ni Benj.nagkatinginan,humingi ako ulit kay Lord ng sign.Lord kung talagang kami para sa isat isa kapag lumingon siya babalikan ko po siya.

Sabay Lingon kaming dalawa.ewan ko ba may naramdaman na naman akong kakaiba.di ko na maintindihan ang aking sarili.

Naguluhan na namn ako.magulo na namn ang aking isip.

Isang araw kinausap ako ng aking tita na ako nalang umattend ng binyag.kasi busy siya sa trabaho niya.ako pinapunta niya sa binyag nang inaanak niya.

Pagdating sa simbahan may napansin ako na lalake na nakaupo sa may gilid kung saan nakaupo ang nanay ng bibinyagan.nagulat ako si Benj ang nakaupo.

Hanggang sa matapos ang binyag hindi ako pinapansin ni Benj.okay lang sabi ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako.pauwi na ako naiwan parin si Benj parang wala lang.parang hindi kami magkakilala.




DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon