chapter 4

0 0 0
                                    

Alam mo Kath mali ang nabalitaan mo.di ko alam kung saan mo nalaman  o napulot na may nobya na ako.

Nagkakamali ka Kath hindi kita kayang palitan.nag-usap kami ni jenny naghiwalay kami nang maayos.

Hindi kasi kami naghiwalay nang maayos.ngayon okay na gusto niya pang ituloy ang relasyon namin.pero ayoko na kasi meron na akong mahal.di lang mahal,mahal na mahal ko.

Napatingin ako kay Benj parang gusto ko siyang yakapin.pero pinigil ko ang aking sarili.ayaw ko pa din ang tunay kong nararamdamn.

Ngayon anong plano mo Benj?plano?Kath puede bang tayo na ulit?

Di ako sumagot.ligo na tayo Benj ang init.habang naliligo kami nasa pool na kami di parin tumigil si Benj.

Nagtitigan kami ni Benj.nakatingin sakin na naghihintay ng sagot ko.tumango ako kay Benj.niyakap niya ako ng mahigpit.habang magkahawak ang aming mga kamay,masaya kaming dalawa.

Natatakot ako Kath baka iwan mo ako ulit.hindi na Benj I love you.I love you Kath.

Niyakap ako ni Benj pagkatapos hinalikan niya ako.dahan dahang dumadampi ang labi ni Benj sa labi ko.napayakap ako sa kanya.

Masaya kaming lahat parang walang ibang tao sa mundo kami lang.

Ayaw na namin maghiwalay ni Benj.

Ayaw ko na matapos ang araw na ito Benj.ako din Kath puede ba tayong magsama magdamag?paano Benj?di natin puede ipaalam sa amin ang ating relasyon.kailangan muna nating itago.

Kailangan ko nang umuwi Benj baka hinahanap na ako sa amin late na.wait lang Kath huwag muna please.

Biglang naisip ko na magpaalam sa amin na matulog muna kila ate Zeth.

Ate Zeth tulungan mo naman si Kath magpaalam sa kanila na dito nalang matulog sa inyo para naman makasama ko si Kath ng matagal.

Okay! Okay! Sige ako na bahala sabi ni ate Zeth.

Nakapagpaalam nga si ate Zeth sa amin.

Nagsama kami magdamag ni Benj napakasaya namin.ang sarap ng yakap niya sa akin.hindi namin namalayan umaga na.wala pong nangyari sa amin.halik at yakap lang po kami.malakas ang kontrol namin kasi may pangarap si Benj makatapos ng pag-aaral niya.

Puyat kami ni Benj kailangan na niyang umuwi sa kanila.nagyakap kami nang mahigpit bago maghiwalay.magkita tayo mamayang gabi Kath dito nalang.okay Benj yakap na nanaman kami.

Una siyang umuwi para para hindi mahalata na may relasyom kami.patagong relasyon kami ni Benj.

Nakauwi nadin ako at naglinis nang bahay para hindi mapansin nang nanay ko na puyat ako.

Pagkatapos ko maglinis ng bahay nakatulog na ako.

Nagising ako madilim na ang paligid.di ako makakain wala akong ganang kumain inlove ako.

Nakaligo na ako at Nakapagbihis naka pajama lang ako para di ako mahalata sa bahay na gagala nann ako.

Excited na ako gusto ko nang makita si Benj parang nararamdaman ko parin ang yakap niya sa akin.

Lumabas ako na hindi nagpapaalam,nakipagkita na ako kay Benj.naghihintay na si Benj sa akin.

Lumapit sa akin si Benj sabay yakap sa akin nang mahigpit.napayakap na din ako.ang sarap ng yakap niya sa akin.damang dama ko ang init nang kanyang katawan.

Nahihirapan na si Benj kasi kapag yakap niya ako at humalik sa aking mga labi natutukso siya .malakas pareho ang kontrol naminng dalawa kaya walang nangyayari sa amin.halik at yakap lang talaga.

Ang mahirap lang samin ni Benj mahirap sa amin ang maghiwalay.

Kailangan ko nang umuwi at hindi na puedeng makitulog.makakahalata na sila kapag nakitulog na naman ako.

Ayaw na namin maghiwalay ni Benj.naglakas kami nang loob na ihatid niya ako kasi alam ko tulog na sila sa bahay.

Malapit na kami sa bahay biglang niyakap ako ni Benj ng mahigpit.may binubulong sa akin.I love Kath
Bukas magkita tayo ulit.okay Benj sige pasok na ako uwi kana.

Pagtalikod ni Benj muli akong humingi nang sign sa Panginoon.Lord Kapag lumingon si Benj siya na ang mapapangasawa ko.

Lumingon si Benj sabay tango sa akin.tumango din ako at pumasok na sa bahay.

Hindi ako makatulog gabi gabi ganun din daw si Benj.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Benj.noong araw daw na iniwan ko siya sa panahong di niya ako makita at tiniis niya na hindi ako pansinin kahit masakit na.

Pinigilan niya sarili niya na huwag ako pansinin,kausapin at makita.kahit masakit na sa pkiramdam.

Sa kabila nang lahat na nangyari sa amin at nagawa ko sa kanya.

Hinihingi daw ako ni Benj sa Panginoon.kapag nagdarasal daw siya di daw niya nakakalimutang sabihin sa Panginoon na Lord bigay na po ninyo sa akin.ito po ang kahuli hulihang babae na mamahalin ko at mapangasawa.

Naikwento din niya sakin na ako lang daw ang babae na gumawa sa kanya ng ganito.kasi daw nagkakanobya daw siya na ang babae ang lumalapit.

Sa akin daw nahirapan si Benj.kaya mahal na mahal niya ako.

Di kami puedeng magkita ni Benj ayaw akong palabasin nang Nanay ko.aalis kasi sila nang tatay ko.

Paano kaya kami Benj.wala pang cellphone kaya ang hirap hirap.

Inutusan ni Benj yung Pinsan niya sa bahay.pinasabi niya na pupunta siya sa bahay namin.

Naku! Sonny hindi puede sabihin mo kay Benj bukas nalang.

Parang di rin ako makatiis.pinuntahan ko si Benj kahit ilang minuto lang.

Sinalubong ako ni Benj niyakap niya ako ng mahigpit.bakit ngayon kalang Kath?di rin ako magtatagal Benj di tinanggal ni Benj ang pag kakayakap niya sa akin.hanggang sa umuwi na ako baka may makakita sa amin.

Ang hirap kapag tinatago ang relasyon.

Isang araw kinausap ako nang aking mga magulang nalaman na nila ang relasyon ko kay Benj.di parin ako umamin natatakot ako sa nanay ko.

Hanggang sa nakita na kami.pinauwi ako at pinagalitan ng bonggang bongga.

Hindi ako puedeng lumabas.sa sobrang mahal na mahal ko si Benj tumatakas na ako.may takot syempre.pero kapag mahal mo ang isang tao okay lang sa iyo mapagalitan magkita lang kayo.

Gumawa ng paraan si Benj nagpatulong siya kay ate Zeth.

Nagpunta sa bahay si ate Zeth.pinagpaalam ako kay nanay at tatay na matulog sa kanila.

Pumayag naman sila.tuwang tuwa kami ni Benj magsasama kami magdamag.mayayakap ko na siya.

Hinihintay ko si Benj wala pa siya.humiga muna ako.di ko namalayan nakatulog na ako.

Dumating na pala si Benj nalingat ako na may nakayakap sa akin.muli akong pumikit at yumakap na sa kanya.Kath huwag ka muna matulog naramdaman ko ang mga labi ni Benj na nasa labi ko na.hinahalikan ako ni Benj.wala pa rin nangyari sa amin kahit malapit na kaming matukso.

Ang sarap ng pakiramdam nang nagmamahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon