Always

12 0 0
                                    

3rd year College na ako sa Mapua University, Civil Engineering yung course ko. Mahirap talaga pero kakayanin naman. Kasama ko naman lagi yung bestfriend ko. Si Juliet, magkaibigan kasi mga daddy namin kaya naging magbestfriend kami. Matalino at maganda siya, siya yung Reigning Miss Civil Engineering namin kaya ayun habulin ng mga kalalakihan.


Break namin ng 9:00am to 1:00pm kasi wala yung prof namin sa Integral Calculus pati sa Filipino.


"Romeo. Punta tayo sa SM tutal 4 naman yung break oh" 

"Bukas naba yun? Aga pa ah"

"Ay oo nga pala.. Tambay muna tayo dito sa room"


Tumambay muna kami ni Juliet hanggang 10am , sarado pa kasi yung Mall. Nagbabasa ako ng libro habang siJuliet, nagfafacebook ata. Bigla siyang tinawagan ni Mads, kaklase namin, sinabi pala sa kanya na may training daw sila Lucas. Si Lucas yung varsity ng volleyball samin, Pogi at matangkad kaya madaming nagkakagusto, kasama na dun si Juliet.


"Omaygad Romeo! Training nila Lucas , I need to go there"

"Ay Sige lang. Ayain ko nalang si Max kumain"

"Sorry talaga ha! Babawi nalang ako bes"

Umalis na nga siya, naghintay kami magbukas ang mall tapos aalis siya bigla....

So ayun na naman, lagi nalang "Babawi nalang ako" , pang ilang beses ko na narinig kay Juliet yan eh. Kaso hindi ko naman magawang magtampo kasi bestfriend ko siya.


Lagi kaming magkasama ni Juliet simula nung 1st week namin sa College kasi shy type pa siya nun at wala siyang ibang kausap. So ayun, kinausap nya ako , sabay kami nag lulunch at minsan sabay din kami umuuwi since 2 streets away lang ang layo namin. Sa ilang taon na lagi kaming magkasama ni Juliet, inaakala nila na magka relasyon kami , Pano ba naman mala fantasy yung pangalan namin, Romeo Dela Cruz ako at Juliet Dela Vega naman siya. Parang itinadhana na 

maging magkaibigan kami pero hanggang dun lang..


Pumunta na ako ng Mall magisa at tinawagan ko si Max para samahan ako kumain.

"Pre! Buti nakadating ka, wala kasi akong ibang maaya si Juliet umalis na naman"

"Hay nako Roms, Lagi ka namang iniiwan sa ere ng bestfried mo eh. Magsawa ka naman"

"Syempre nasanay nako tsaka bestfriend ko naman yan, Mahal ko yan"

"As a friend ba o mahal mona talaga? Brad mahirap yan, bestfriend mo pa"

"Kaya nga as a friend lang eh. Yun lang talaga max"


12:30pm na nung nakabalik kami sa campus, pumasok na si Max sa Calculus class niya so naiwan na naman akong magisa. Hindi na pumasok si Juliet hanggang sa 4pm class namin. Narinig ko nalang na may Acquiantance Party daw sa gym kaya siguro hindi na pumasok sila Juliet pati friends niya.


6:30pm na hindi padin nagtetext or tumatawag si Juliet kung sabay kami uuwi, nagpalipas oras na kami sa computer shop nila Max at Renz para maintay siya. Syempre nagaalala ako bilang bestfriend niya. Maya maya bigla na siyang nagtext at ang sabi lang niya

"Roms. Sorry Uwi kana. Dito pa kami sa party nila Lucas at Mads"

"Ah ganun ba? Sige may pupuntahan din naman kami nila Max"

Whispering HeartWhere stories live. Discover now