"Ngumiti kahit na napipilitan kahit pa sinasadya . Mo akong nasaktan paminsan minsan bawat sandali na lang. Tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka , Di ko na kaya pa na kalimutan bawat sandali na lang......."
Ang kinakanta natin habang tumatambay sa isang lugar sa UST. Hanggang diyan lang kita nasabayan sa pagkanta dahil sa pagtuntong ng chorus hindi nako napakanta at napatitig na lamang sayo Angela. Sa bawat bigkas mo ng mga salita sa kantang Nobela ramdam ko ang sakit na iyong nararamdaman dahil sa Ex mong si Randy.
"Uy James, hindi mo nako sinabayan sa pagkanta"
"Ay sorry! May naisip lang ako"
"Ano naman naisip mo? baliw kana naman"
"Uhmm. Tara na. Mag 12:30PM na papasok pa tayo"
Gusto ko sanang sabihin na "Ikaw Angela. Ikaw yung iniisip" ko kaso itatago ko nalang tong walang kwentang nararamdaman ko na ito..
"Hindi ka paba nagugutom?"
"Mamaya na James. Tinatamad ako e"
"Bili nalang kita Jolibee? Chickenjoy at fries gusto mo?"
"Di na. Tara na"
Nakarating na kami sa Room 303 para sa English class namin. Magkatabi kami ni Angela dahil sa surname namin. Alonzo ako tapos Alvarez siya . Yun din ang naging dahilan bakit kami naging close.
3:00 PM early dismissal kami dahil wala si Mrs.Castro kaya ayun tumambay ulit kami ni Angela pero kasama si Chloe, yung bestfriend na babae ni Angela . Pati nadin si Fred, yung pinsan ni Chloe.
Nagaaral sila Fred at Chloe para sa quiz bukas tapos ako nagsosoundtrip lang , may stock knowledge pa naman siguro ako para sa quiz bukas eh. Habang busy kaming tatlo, napansin ko na tahimik lang si Angela kaya tinanong ko siya kung ano problema.
"Uy Angela. Ang tahimik mo ata . Ano naman iniisip mo diyan?"
"Wala lang. Naalala ko lang bigla si Randy"
"Ay we? Naalala mo pa yung gagong yun"
"Nakakainis nga eh. Namiss ko lang yung dating masaya pa kami"
"Sus. Wala kalang kain. Tara na sa Jolibee"
Nagpaalam muna kami kila Chloe na aalis kami kasi ang tamlay ni Angela baka gutom lang talaga. Kaya naglakad na kami papunta sa Jolibee
Binuhat ko ang bag niya , may dala siyang laptop kaya mabigat
"Di na James, ako na magbubuhat"
Hindi ko na siya pinilit kasi baka mainis sakin, mabilis pa naman mainis si Angela kapag gutom.
Kaya ayun umorder kami ng paborito niyang Chicken Joy with Fries tapos ako nag Cheese Burger lang. Mabilis lang kami kumain tapos nagpaalam na siya, dadaanan lang daw niya ung pinsan niyang si Carmie at sabay na daw silang uuwi.
"Angela. Ingat pauwi ah"
"Sige ikaw ba ? hindi ka pa uuwi?"
"Dadaanan ko sa training nila si Vito. Goodluck sa quiz at sa blog mo ah"
"Sige James. byeee "
May blog si Angela. "The Last Heart", halos puro love stuffs yung nakalagay dun , kaso mas madami yung heartbroken parts. Wala eh, heartbroken kasi si Angela simula nung nagbreak sila ni Randy. Mutual decision naman kasi, walang third party or what, pinrioritize lang nila yung studies nila kaso nga lang, Naka move on na si Randy kaso nga lang si Angela.... mahal pa siya..