Gaano Kita Kamahal..

3.9K 45 8
                                    

Malamig na ang ihip ng hangin at nakadarama na ng pangangaligkig si Judy. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang marmol sa paanan. Wala na siyang iiyak sa mga sandaling iyon. Sa loob ng apat na araw ay natuyo nang lahat ang luha niya.

Manuel Estrella, died February 20...

Isang buwan na halos ng atakihin sa puso si Manuel Estrella, ang kanyang lolo. Nagtagal ito sa ICU nang mahigit isang buwan at namatay din sa bandang huli.

Nitong huling anim na taon ng buhay niya ay si Manuel anng kanyang kasa-kasama. Sa lungkot at ligaya ay katuwang niya si Manuel. Nang mamatay ang daddy niya, si Abelardo, noong katorse anyos pa lamang siya ay si Manuel na rin ang tumayong ama maliban pa sa pagiging lolo.

At ngayon nga ay malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa pagkamatay nito. Ngayon niya tunay na nadama na nag iisa na lamang siyang tuluyan.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Judy bagohumakbang palayo sa memorial lot, patungo sa segunda mano niyang kotse na nakaparada sa ilalim ng punong akasya. Bago siya pumasok ay malungkot na tinapunan niya ng huling tanaw ang kinahihimlayan ng lolo. Mula sa sandaling iyon ay mag-isa na lamang siya.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa kanang bahagi ng parkk. Kanina pa niya nararamdamang may nagmamasid sa kanya. At hindi siya nagkamali.

Isang lalakinng nakasandal sa sasakyan nito ang nakatingin sakanya. Hindi nya mamukhaan dahil may kalayuan pero alam nyang sa kanya ito nakatingin.

Gaano na ba ito katagal nakamasid? May dinadalaw ba itong kamag-anak na namatay? Hindi marahil, sagot nya sa sarili. Nasa ilalim ng isang puno ang lalaki. Iniwas niya agad ang tingin dito at binilisan ang paghakbang patungo sa sariling sasakyan.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at agad na inistart ang ignition. Dalawa, tatlong ikot ng susi pero ayaw. Muling inistart pero ayaw pa rin.

Napaungol ang dalaga.

"Huwag mong sabihing ngayon ka pa magloloko", usal niya. Bukod sa segunda mano niyang nabili ay 1989 model pa ng toyota niyang iyon. Kung hindi sana malaki  ang gastos sa pagpapaospital sa lolo, di sana'y nakabili siya ng bagong Honda Civic. Ganoon pa man ay hindi niya pinagsisihan ang malaking halagang nagugol niya sa matanda. Utang niya rito ang kinalalagyan niya ngayon.

Pinag-aral siya ni Manuel sa pamamagitan ng pensiyon nito. Bukod doon ay isinanla nito sa bangko ang malaking solar nila at pinatayuan ng duplex upang paupahan, nang sa gayonn ay makadagdag sa pagkukunan nila at matustusan ang kanyang pag-aaral. Isang alambreng bakod lamang ang pagitan sa malaking bahay nilang tinitirhan at sa duplex.

Muli niyang itinuon ang pansin sa pagpapaandar ng kotse pero kahit na anong gawin niya'y tlagang ayaw. Ang siste pa nito ay wala siyang alam sa kotse maliban sa mag drive.

"Umandar ka naman, please, Dumidilim na at ako na lang mag isa dito sa Park." 

Lumabas siya ng kotse upang tignan ang makina kahit na wala siyang alam, pag angat niya ng mukha ay napuna nya ang lalaking nakasandal sa sasakyan nito ay humakbang papalapit sa kinaroroonan niya.

Sa halip na buksan ang hood, ay agad na nagbalik sa loob ng sasakyan si Judy. Paano ay gabi na kasi at ini-lock ang maga pinto ng kotse.

"Please mmakisama ka naman, pangako, bukas na bukas din ay dadalin kita sa primera klaseng talyer. At kahit lumabas tayo dito sa memorial park hanggang doon sa maraming tao...."  maiiyak na usal niya.

Sa sulok ng mata ni Judy ay alam niyang palapit na sakanya ang lalaki. Ay kahit nang nasa harapan na ng kotse ang lalaki ay hindi sya nag bukas ng bintana. Hindi nya ito matitigan upang maisip ng lalaki na hindi nya gustong lapitan o kausapin sya nito. Lalo niyang minadali ang pagpihit sa ignition.

Kinatok ng lalaki ang salamin sa harap niya, wala sa loob na tumingin si Judy. Tumuloy ang lalaki sa may hood at walang sbi-sabing binuksan ito. Lalo kinabahan si Judy, anong ginagawa ng lalaking ito?. Luminga siya sa pagbabakasakaling may ibang tao siyang makita ngunitt sa malas ay wala.

Gusto niyang mag usisa ngunit hindi niya magawa.

Kung bakit kasi ginabi sya nagyon?

Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba ng lalaki ang hood at sinenyasan siya para istart ang kotse. Bagaman nabigla ay ginawa ng dalaga ang isinenyas nito. Nakahinga siya ng maluwag nang mabuhay ang makina.

Nang makabuwelo at mapuna mula sa rear view mirror na hindi tumitinag ang lalaki sa kinatatyuan nito ay binuksan niya ang salamin at nilingon ito.

"thank you," anya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan dahil natatakot pa rin siya kahit paano.

" You're being ungrateful, Judy Estrella," anya sa sarili nang makalayo at nasa highway na.

"Perhaps," sagot din nya. " Pero mabuti na ang nag iingat. Mahirap na ang magtiwala sa kahit na kaninong tao ngayon lalo at estranghero". Pilit niyang inaaninaw  ang itsura ng lalaki ngunit hindi iyon marehistro sa kanyang isip. Hindi niya matitigan gaano dahil natatakot siya, pero malaking lalaki iyon sa tatnya nya.

===========================================================

Sino ang lalaking ang tumulong kay Judy, at bakit kaya siya nito minamasdan???

*VOTE+COMMENT*

I HOPIAlykIT.. :)

Gaano Kita Kamahal..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon