Chapter 10: Paper convo

41 3 0
                                    

Nagmamadali along umalis dun. Anubayan!!?? May sakit ba ako sa puso? Bakit biglang tumibok ng ganun yung heart ko? Aishh bahala na nga si Batman at Robin dun ('−`) ンー.

Dire-diretso na ako pumunta sa classroom baka kung sino sino naman mabangga ko, mahirap na. Baka sa susunod aatakihin naman ako

*KATOK NG TATLONG BESES SA KAHOY*

Ayokong mangyari yun noh -_-

Pagkarating ko buti nalang wala pa yung prof. kaya pumunta ako sa upuan ko at oo nga pala nasa gitna ako nina Roy at John kaya wala akong takas sakanila -_-

Ayun sabay nanamang pumasok yung dalawa. Tsk tsk tsk. Sinasabi ko na nga ba ehh, bawal na pag-iibigan.

Ayun sabay din na umupo sa tabi ko. Napansin ko na ng-susulat si John tapos tutupiin niya at ipapasa niya kay Roy tapos ganun din ang gagawin ni Roy. Gets niyo ba? Kung hinde edi wag niyo nalang isipin at baka dumugo ng di oras yang utak niyo.

Paper chatting lang. Ang bakla naman ng mga to oh -_-

Tapos uulit-ulitin lang nila yun, pero napapansin ko tingin sila ng tingin saken pero di ko talaga sila maintindihan kaya di ko nalang intindi. Kaso nahihilo ako kaya nung ipapasa sana ni John hinblot ko agad na ikinagulat nilang dalawa. Pagkahablot ko ay tumakbo agad ako papuntang girl's cr.

Binuklat ko yung papel at maya-maya rin ay di ko na mapigilan na di mapatawa. Paano ba naman kasi ito ang nakalagay:

John: ikaw na muna mag-sorry natatakot ako ehh :3

Roy: May papout pout ka pang nalalaman diyan. Ikaw nalang, ikaw mas ka-close nun ehh

John: Bakit porket ka-close ko ako dapat unang magso-sorry??

Roy: Oo naman mas kilala mo yun ehh

John: Ayoko nga parang tigre kung magalit yun ehhh

'Aba kung makatigre naman 'to' sabi ko sa sarili ko

At dun na natapos ang kanilang paper chatting. Pagkatapos kong maka-recover sa katatawa ay bumalik narin ako sa classroom baka kasi andun na yung prof. pagkapasok ko buti nalang wala pa yung prof. kaya pumasok na ako. Oo nga pala ang subject namin ay History kaya buti narin at mabait ang prof. namin dun at ewan ko kung bakit late yun eh lagi namang maaga yun. Oh well whatever

Akala siguro nila di ko pa sila napapatawad kasi nga di ko pa sila pinapansin. Haha

Pagkapasok ko nakita ko yung dalawa na parang di mapakali at namumutla kaya pinigilan ko ng todo yung sarili ko na di tumawa kasi para silang natatae na ewan sa itsura nila eh (pasintabi po sa mga kumakain ng Almusal, tanghalian, meryenda, hapunan, etc.).

Dumirediretso na ako dun sa upuan ko tapos tiningnan ko yung dalawa at ganun parin ang itsura nila grabe di ko na kaya pero I'll do my best na pigilan yung pagtawa ko. The best way is sumubsob nalang ako para di ko na makita mga fes nun. Hayy baka hanginin ako kapag tumawa ako nang tumawa ._.

Shut up.

So ayun nga nakasubsob na ako at sakto maya-maya din ay dumating na yung prof. sa History. Hayyy mga teacher nga naman laging nalalate. So ayun na nga siya naglalakad papasok at nilagay ang gamit niya sa table niya. Oo nga pala di ko kaklase dito sina Shane at Annie kaya nakakalungkot din pero mukhang di na ako malulungkot sa katatawa dahil dito sa dalawang to. (∩_∩)

"Class sorry i'm late nagkaroon lang ng meeting ang mga teachers" pagpapaliwanag ng prof.

Okay whatevah you say.

So ayun nagsimula na siyang magdada ng magdada sa unahan. Alam niyo ba di ako nakikinig pero top 1 parin ako ng klase. Ang galing nohh?? May super powers kasi ako at may stock knowledge ⊙▽⊙

So after 1234567890 years natapos din ang discussion niya at hayahay binigyan pa kami ng assignment tapos nag gorabels na siya sa labas. Mga teachers nga naman puro assignment ng assignment nalang. Mabuti pa pumunta na ako ng canteen para makakain grabe lagi akong nagugutom. Tsk tsk tsk. Baka tumaba ako niyan at mawala ang aking oh so sexy body na kinaiinggitan ng marami at kasama na diyan si Marielle. Mwahahhahaha. Dejok lang. di naman ako tumataba kahit ilang bandehada (wow deep) ng kanin ang ipakain mo saakin

So eto na ako naglalakad papuntang canteen dahil I swear gutom na gutom na ako. Ugh. So pagkarating ko sa canteen parang may nagkakagulo dun sa mga tables oh well I don't care. So here I bought snacks like Fudgee Bar, Pillows, and Oreo. Tapos bumili nalang ako ng Fit n' Right. Papunta na sana ako dun sa puno na lagi kong pinupuntahan pero may biglang tumawag saaken kaya napalingon ako dun sa mga tables at nakita ko na nakatingin silang lahat saakin pero ako no idea parin pero di sana ako pupunta kaso nga lang lumapit sina Shane at Annie saakin at kinaladkad oo kinaladkad papunta dun sa mga tables at nakita ko dun ang isang table na may nakalagay na

'SORRY'

__________________________________________

A/N: Sorry sa veryyyy late UD kasi busy ngayong vacay eh lalo na Holy Week dapat nga after Holy Week pa mag u-update pero naisip ko parang ang tagal pa nun kaya nag update na (∩_∩)

Ang tanong tatanggapin ba ni Sharl ang sorry nina John at Roy?

Abangan

|VOTE|FAN|COMMENT|

SARANGHAE (ヘ。ヘ)

Complete opposites (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon