Ano nga ba ang studyante?
Yan ang mga taong hindi nalalate at tigabukas ng gate tuwing umaga. Sila yung taong konti na lang hindi huminga kapag kumakanta ng pambasang awit. Yan yung mga taong tahimik lang habang hinihintay ang teacher. Mga taong dala ang buong national bookstore at may dalang google sa bag. Yan yung mga taong naiiyak kapag nakazero sa test. Yan yung mga taong hindi mag-aabsent kahit malakas na ang ulan. Yan ang mga taong hindi na makatulog kapag malapit na ang exam. Mga taong bonggang ang projects. At yan ang mga taong konti nalang bumaon sa lupa kapag napagalitan ng Teacher.
Pero may mga ganyan pa nga ba? ano nga ba ang meaning ng Student ngayon in the modern times?
Mga taong laging nagjojogging sa school grounds dahil late. Sila yung mga taong daldal ng daldal habang nagflaflag ceremony at nagrereklamo habang pinapagawa ang exercise.Yan yung mga taong nasa faculty room ka palang naririnig mo na sila sobrang ingay! Mga taong nagmamadali dahil wala pang assignment at project. Mga taong nangongopya na nga sa iyo pa ang gamit. Mga taong pinapaingay ang buong room makakahingi lang ng papel. Mga taong hindi makokompleto ang araw ng hindi nangongopya.Mga taong tatawanan lang ang teacher kapag napagalitan. Mga nilalang na konting hangin lang hindi na papasok. konting sakit ng ngipin lang o wala lang baon hindi na papasok. Mga taong hinahagis ang bag pag-uwi sa bahay. Mga taong inuuna ang flappy bird kaysa magreview sa test. At mga taong favorite ang katagang "bahala na si batman".
O diba tama ako? Aminin niyo man sa hindi ganyan ang ginagawa niyo.Oh angal ka pa? Truth hurts you know. But don't you worry isa ka lang sa mga milyong-milyong estudyanteng na ganyan ang ginagawa. haha!