2:First day of school

23 1 1
                                    

Sa pagpasok mo sa school mo. Makikita mo ang mga estudyanteng pakakalat-kalat sa school na may nagkakintabang sapatos with matching maputing maputing uniform. May bag pa yan na kompleto sa gamit mula sa notebook papel hanggang ballpen. Sinusuri ang buong paligid mula bulalak hanggang sa classroom. Pagpasok sa room hahanap ng magandang pwesto o kaya naman hahanapin ang mga friends mo at tatabi sa kanila. Mag-uumpisa na ang walang hintong daldalan tungkol sa bakasyon niyo. Bigla namang tatahimik. HAlos pinipigila ang hininga. Tapos mula sa harap mag-uumpisa ang walang kamatayang my name is.....blahblahblah. Nanginginig ka pang pumunta sa harapan habang nagpapakilala ka.

Oh diba ganyan ang isang freshmen kapag first day  am i right?

Minsan naman wala ang teacher mo kaya walang kasawaan na daldalan na naman. Unlimited lang parang hindi mauubusan ng topic. Diyan mo rin makikita ang pagiging FC ng isang tao. Kakikilala pa lang close na kaagad diba? Tapos habang busy ang mga girls na magdaldalan may pinaplano na naman na kabaliwan ang mga boys. Yung ang sarap-sarap niyong nagdadaldalan pagkatapos bigla naman silang tatayo at sasabihing "Good Afternoon Ma'am" may iba naman na mapapatayo dahil akala naman nila totoo. Sabay tawa pa nila noon. 

Hindi ba? ganyan ang mga kaklase mo dati?

Diyan mo rin makikita ang mga straw sa teacher. Sadly to say hindi sila tinatangay ng hangin. Yung tipo bang pasikat. Yung magtataas ng kamay pagtinawag na nung teacher doon pa lang mag-iisip ng isasagot. O kaya naman yung ibang humble na isa lang ang tinatanong ng teacher sasabihin lahat. Akala mo kung sinong matalino. Minsan naman kapag first day ginaganap ang post test. Manghuhula na nga lang mangongopya pa. Kapag sinabi na ang score. Tawa ka pa ng tawa dahil mas mataas pa ang score ng lower section kaysa sayo haha...

Pagkauwi naman kung makabye ka sa kanila wagas. Pag-uwi ng bahay ihahagis agad ang bag at pupunta sa labas o harap sa computer. Wala daw kasing assignment kapag first day.

High School StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon