Chapter 1: Sa Karpintero

48 1 1
                                    

Hay, it’s a good Saturday morning. Eight o’clock na pala. Better get up and eat my breakfast. Bumangon na ako at naghilamos pati na rin nagbihis. Magtitimpla na rin ako ng gatas ko. Yung pagkain ko kasi hinanda na ni Mama. Masarap yung ulam kahit simpleng itlog lang na prito.

Simple lang ang buhay namin. Nakatira kami malapit sa lolo’t lola ko. Hindi kami mayaman pero di rin naman kami mahirap. Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko at lumabas ng bahay. May ginagawa ngayon dito sa labas. Ano kaya yun?

“Kuya ano pong ginagawa dyan?”

“Ah yung ano gate sa kabila.”

“Ah.”

Umupo lang ako sa bandang likuran para pagmasdan ang mga tao.

Maya-maya’y dumating si Lola kasama ang parang Boss nung mga karpintero. Tumayo ako para i-acknowledge sila.

“Nandito po pala yung apo niyo. Dalaga na ah”, sabi nung Boss kay Lola.

Ngumiti lang si Lola.

“Ang ganda naman po niya.”

Ngumiti lang ako dahil di naman talaga ako sanay sa mga ganyan. Sa totoo lang ay isa akong mahiyain at tahimik na tao.

“Ay alam mo yung isa kong apo, si Isah, maganda yun at napakatalino. Nasa ibang bansa siya. Dalaga na rin. Mas matanda siya kay Anne ng isang taon.”

Naglaho ng parang bula ang ngiti sa aking labi.

Siya nanaman.

Bumuntong hininga ako at naglakad na papalayo sa kanila. Si Ate na ang pinag-uusapan nila.

Pagdating ko sa amin ay may pumatak na luha sa aking mata.

Bakit siya nanaman? Bakit?

Living Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon