Chapter 2: Swimming

38 1 1
                                    

July na ngayon at birthday ng isang classmate ko na mayaman. Sikat siya sa school namin. At dahil birthday niya at mayaman ang pamilya niya, may pa-swimming siya. Invited ang buong klase.

Sana payagan ako nila Mama.

Sana…

“Ma, pwedeng sumama sa swimming sa Laguna? Birthday nung classmate ko eh.”

“Tanong mo Papa mo.”

“Pa, pwedeng sumama?”

“Hindi,” madiin niyang sagot.

“Yan na nga bang sinasabi ko eh. Kung nag-aral ka mag-swimming noon, edi sana papayagan kita. Kaso hindi, tanga ka kasi.”

Nangingilid na ang luha sa mga mata ko kaya yumuko ako.

Tanga ko kasi eh.

Tanga, tanga, tanga…

“Mahiyain ka kasi masyado. Buti pa si Ate Isah mo. Ang galing niyang lumangoy. Sana katulad mo siya,” dagdag ni Mama.

Bumagsak na ang mga luha ko. Tumalikod ako at pumunta sa kwarto. Kinuha ko ang notebook ko at doon isinulat lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.

Bakit niyo ko kailangan ikumpara? Hindi ako si Ate Isah!! Di ko siya katulad at kailanman hindi ko siya magiging katulad. Ako si Anne. Di ako siya. Sorry po kung di ako katulad ni Ate Isah. Ako lang kasi si Anne eh. Tanggap ko naman kung mas lagi si Ate Isah eh. Huwag niyo na lang ipamukha. Di naman ako tanga o bobo para di mapansin na mas si Ate Isah. Sorry po kung mahiyain ako at kung di ako marunong lumangoy. Sorry po kung ganito lang ako. Sana maalala niyo na walang taong perfect. Huwag niyo na lang ako ikumpara kay Ate Isah. Tanggap ko na at alam ko na mas lagi siya.Sana alam niyo ang nararamdaman ko sa tuwing ikinukumpara niyo ‘ko. Sorry po kasi akala ko ang nisi-symbolize ng triangle sa flag natin eh pagkakapantay-panta. Bakit di kayo fair tumingin laging may comparison?

Grabe naman po kayo. Sarili niyong anak sinasabihan niyo ng tanga. Pabiro man ‘yan o seryoso, masakit ‘yan sa ‘kin. Alam niyo po bang maraming beses ko ng naisip na baka ampon niyo lang ako? Siguro nga noh?

Ang sakit. Ang sakit-sakit. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon