MMK PART1

578 15 16
                                    

Ara:

"Girl,sport chick kasi si DenDen eh.Pareho silang naglalaro ng Volleyball.Eh ikaw?Pati paglalaro lang ng holen,hindi mo pa alam!Bwahaha!" Ang Swerte ko talaga kay Ems!Kung icomfort na lang sana niya ako dahil sa malas ako sa "LARONG PAG-IBIG".

"Anong wala akong alam jan sa mga paglalarong yan.Nakakalimutan mo atang,'PLAYGIRL' ako?" Ang galling ko talaga!Never akong natalo jan.Maliban na lang kay Myco.Pero kasi hindi laruan si Myco.Siya yung dapat sineseryoso,lalo na't mahal ko na siya.Tili ka na heart!

"Pero talo ka naman!Bwahahaha." Ipinupush niya talaga ang pagiging Wicked witch ah?

"Bruha!Mananalo ako noh!Nasa kalagitnaan pa lang tayo,at sa huli....KAMI NI MYCO ANG MAGWAWAGI.AHHHH.OMG!At ikaw,sasambahin mo ako kapag dumating ang araw na yun.Bwahaha." Iniisip ko ang pagdating ng araw na yun.Grabe,magiging kami ni Myco tapos magpopropose siya saakin.Maiinggit si Denden at magpapakasal na kami ni Myco.Dadami ang lahi ng mga magaganda't gwapo dahil bubunga ang pagmamahalan naming and we will live happily ever after...Ermeghed!!

"Ilusyunada!Ano bang tawag sa sinalihan mong laro?Patintero?" Tanong ni Ems.

"Tug of war.Akin si Myco,kay denden yung lubid!Bwahaha..hmmm,kung magtry-out kaya ako sa Volleyball?Para mas lalo kaming maging close ni Myco my labs!..OO tama!!!..Hihihi,bakit hindi mo yun naiisip?Pigain mo yang utak mo ha.Sige,umuwi ka na.Iniimbyerna mo lang ako.BYEEE!" Bongga!Magagawa ko na ang lahat ng binabalak ko.Sa ganung paraan,mapapasaakin na si Myco my labs.

"Good luck jan sa Tryouts na yan!Kukunin ka rin nila dun.....bilang......NET!Bwahaha.Byee Arsy!See yah!" Itong Ems na ito,walang ibang ginawa kundi ipagkait ang pag-asa namin ni Myco.Oh well,akin parin si Myco.

"Umalis ka na nga,bruha ka!!!" Karindi ng bruhang itey.Magttransform ako bukas.

***

 "Good morning Emily Gracious Sy." Unang Bati ko kay Ems na kasalukuyang nakatayo sa harap ng St.Joseph hall.

"Yes?Who are you?" Umeenglish ang bruha.Porke nasa harap ng library dapat nag-eenglish?At..

"Anong who are you?Bruha ako toh!Ara 'gorgeous' galang.Ano Ems,maganda parin ba ako?Hihi" Nakasimpleng Shirt at jeans lang ako ngayon.Sabi ko naman magttransform ako.

"MY GOSH ARA!Ikaw ba talaga YAN?!...No,no,no.Hindi ikaw si Ara.Hindi nagsusuot ng ganyan si Ara.IMPOSTOR!" Gusto ko nang tumawa sa katangahan ni Ems!

"Hindi nga ako yung dating Ara.Nandun na siya sa basurahan.She's already gone Ems.Echoss!Ako nga kasi ito.Tara sa loob,chika tayo." Sa pagiging slow ni Ems,kinakailangan talaga ng mahabahabang diskusyon.

***

"Bakit ganyan suot mo Ara?Isa yang himala!Kung ihahalintulad kita sa isang bagay ay...para kang kamote." Pahayag ni Ems.

"Kamote?!Sabihin mo ng mabuti saakin yan pagbalik ko.Kukuha lang ako ng makapal na libro."-Ako.

"Okay.Anong gagawin mo sa Libro?" Painosenteng tanong ni Ems.

"Ihamhampas ko sayo kung sakaling hindi maganda yang sasabihin mo." Sabi ko expressionless.

"Eh paano kung maganda?"-siya.

"Hahampasin kita sa tuwa." Sagot ko.

"Okayyy.." Hindi na naman nag-iisip ang isang to.Okay parin saknya.Kaya mahal na mahal ko yan kahit ganyan lang siya.Maliban sa sarili ko,isa siya sa mga taong nakakaintindi ng pagkatao ko.Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan ever since.

"Oh,ituloy mo na yang pagpupuri mo sa kagandahan  ko." Grabe ang bigat na nga nong libro nasa pinakamataas pang bahagi ng shelf.Hindi nag-iisip ang naglagay.

Maldita,Mahal Kita (Thomara FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon