One: Unexpected

2.3K 7 7
                                    

Hindi na yata nabubuo ang isang araw ko kapag hindi ako pumupunta ng club o lumalabas sa gabi kung hindi mag-isa ay kasama naman ang mga kaibigan ko. Siguro ay dahil naging hobby ko na ito gawa na din ng mga kaibigan ko na walang ginawa kung hindi mag aya ng inuman sa kung kanino man bahay nang kung sino man sa amin o di kaya'y magpunta sa iba't-ibang bar o clubs at mag-party. Simula nang maging kaibigan ko sila ay na-adopt ko na unti-unti ang mga pag-uugali nila.


Pasado alas-siyete ay naglalakad na ako palabas ng school ng biglang may makasalubong akong grupo ng kalalakihan. Lima sila, ngunit ang namumukhaan ko lang ay si Jeriah. Classmate ko ito sa isang minor subject at ilang ulit nya na akong kinukulit para sa aking phone number pero ilang ulit ko na din syang tinanggihan dahil hindi naman kami ganoon ka-close. Tinignan ko sya at lalampasan na sana pero bigla syang humarang sa harapan ko.


Tiningnan ko sya, "What do you want?" at naghintay sa kanyang sagot.

"Saan ang punta mo? Ihahatid na kita." Hindi nya pinansin ang tanong ko pagkatapos ay hinawakan nya pa ako sa palapulsuhan habang nangingiti.

Amoy na amoy ang sigarilyo sa kanya habang nagsasalita. "Pwede ba?" Tinapunan ko ng tingin ang kamay nyang nakahawak sa palapulsuhan ko "Bitiwan mo nga ako." bahagya kong hinila ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay pagkatapos ay hinila nya ulit ang kamay ko. "Ang arte mo, hindi ka naman ganoon kagandahan." Bahagyang nagtawanan ang mga kasama nya "Tara na nga." tsaka nya ko pinilit hilahin papasok ulit sa loob ng school "Sa loob naka park ang sasakyan ko."

"Ano ba, Jeriah! Bitawan mo nga ako, kapag hindi mo ako binitawan sisigaw ako!" Pinipilit kong hilahin ang kamay ko mula sa kanya, ngunit ang higpit ng pagkakahawak nya. Ramdam ko na ang hapdi sa braso ko dahil sa higpit ng hawak nya at pilit kong paghila. Tinignan nya lang ako at patuloy pa din sya sa paghila sa akin.

Malaking ang pangangatawan ni Jeriah at matangkad pa. Hanggang balikat nya lang halos ako, kaya sigurado akong mahihirapan akong kumawala sa pagkakahawak nya kung walang tutulong sa akin. Kanina pa tapos ang klase, kaya sigurado akong iilan na lang ang tao sa loob ng school, malabong mayroon pang dumaan at makakita sa pangyayaring ito. Napabuntong hininga ako dahil sa kawalan ng pag-asa.


"Vash, diba pinsan mo iyon?" Sabay kaming napalingon ni Jeriah sa nagsalita at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Jeriah sa kamay ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na hilahin ulit ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at lumayo ako ng bahagya sa kanila.

Kaagad silang lumapit sa akin, marami sila. Namumukhaan ko pero hindi ko alam kung anong mga pangalan nila. Classmates ko ang apat sa kanila sa lahat ng subjects at ang dalawa naman ay hindi ko mamukhaan pero suot din nila ang uniporme na sa kaparehong school. Tumingin ako sa kanila ng may pagtataka at mukhang naguguluhan, dahil alam ko sa sarili ko na wala ni isa sa kanila ang kamag-anak ko o malapit sa pamilya ko.


Lumapit pa lalo sakin yung lalaking nagsalita kanina. Matangkad din sya, halos kapantay kay Jeriah. Maputi at bahagyang singkit ang mga mata. "Ayos ka lang ba? Kilala mo ba to?" Tanong nya sabay turo kay Jeriah.

Tumango lang ako ng bahagya pero naguguluhan pa din.

Hinawi ni Jeriah ang kamay ng lalaking nakaturo sa kanya "Huwag nga kayong makealam dito, Darius." Lumingon sya sa lalaking morena at halos mas matangkad ng kaunti sa lalaking Darius daw ang pangalan. "Pinsan nyo ang babaeng maarte na ito, Chase?" sabay turo sakin ni Jeriah.

Naghihintay ng sagot si Jerian pero nakatitig lang ang lalaking Chase daw ang pangalan sa kanya kaya bahagya syang siniko ng babaeng kasing tangkad ko at halos kasing puti ko din. Nagkibit balikat si Chase, bahagya syang tumango at lumihis ang kanyang tingin. Masyado naman syang halatang nagsisinungaling.

Night Life ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon