Kabanata 2

72 0 0
                                    

What’s with that STUPID UGLY GUY?

[Kabanata II]

By: A Total Weirdo named Weird

At the canteen:

*self-talking mode*

Bwiset! Naputol yung kissing scene ko.. Nasampal ako ni Mama.. Kulang ng bente ang baon ko… Nalate ako sa first day of class.. Si Mrs. Torres adviser namen.. Napahiya ako ng sobra sa mga teachers.. Bwiset talaga! Doooooooosh!!

(*Notice: Sinabi ko po talaga ito using MY MOUTH. This was all said ORALLY NOT MENTALLY. Therefore, I look very stupid at this moment. I sound stupid too.)

Sumipsip nalang ako dun sa straw ng healthtea ko. Naasar talaga ako! Aaaah! Bwiset. Bwiset. Bwiset. TT___TT

“Pwede bang makitabi?”

“Hindi.”

“Eh bakit naman?”

“Kasi HB ako.”

--- dead silence ---

“Heartbroken ka?”

“Ano ba? High Blood! HB! Andami naming upuan diyan ah! Bakit ka pa makikitabi? Kitang wasak na yung araw ko, winawasak mo pa lalo dahil sa kakulitan mo! Kaya----” Lumingon ako at napanganga. Si Ice pala yon. O_____O”

“Tss.” Yun lang sinabi niya. :O

Gusto ko sanang magsorry kaso wag na! Pero galit kaya siya? Ano bang pake ko kung galit siya! Galit na kung galit! Eh kaaway ko man talaga yon eh! Ganito kasi yun…

*ehem ehem*

Una ko palang kita sa kanya nung first year pa kame, nakita ko na agad ang KAYABANGAN niya. Simula nun, sinumpa kong siya ang magiging kaaway ko. He was destined to be my enemy. Actually, sinabi niya once saken : “Since birth, magkaaway na tayo Xiarah Magsaysay.” AT DI NA YUN MAAALIS SA UTAK KO!

Trivia: Andaming nagkakagusto diyan kay Ice. Ewan ko nga kung bakit eh. Pangit naman siya. (For me. xD) Tapos, Tapos.. Stupid. Yeah Stupid. He’s a stupid ugly guy. And I hate him.

Pero, aaminin ko, matalino siya. TwT So what!? Mas magaling pa rin ako sa kanya nuh!

At ayun na si Ice. Bumili ng Quake at naupo sa ibang silya. After how many minutes…

Dahell !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bakit ko ba siya tinititigan?? O__O”

Umayos na ako sa aking pagkakaupo at sumipsip nanaman sa healthtea ko. Kinuha ko yung bag ko at nilabas ang tanging notebook na dala ko. Kumuha ng ballpen at nagsimulang magsulat :

Is he mad? Is he mad? ……………………………

Yan. Halos mapuno na yung isang page ng sentence na “Is he mad?” . Di ako mapakali. Ewan bakit. Wala man talaga akong pake sa kanya eh! Wala nga ba!?

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!!!!!!!!

Yes next subject na! Dali dali kong hinatak yung bag ko at tumayo. Ay wala na si Ice. So what?

Tumakbo na ako papuntang room nang masalubong ko sa daan si Mrs. Torres at si Ice.

“Ms. Magsaysay?”

“M-Maam ?”

“Do you think I do not know about your tardiness today?”

Napayuko nalang ako.

“Both of you…”

“Maam?” sabay kami ni Ice.

“You will get your punishment tomorrow.”

Then umalis na siya.

Nagtinginan kami ni Ice saglit then umalis na siya.

Pagpasok ko ng room, wala pa yung next teacher namen.

“Xiarah!!!!”

“Aella!!” sabi ko sabay lapit kay Aella. Aah.. siya nga pala si Aella. Weird nung name niya nuh? Nakuha yata yan dun sa Son of Neptune eh. Hahaha. Siya nga pala ang bestfriend kong makulit, matampuhin at manhid. (Siya lang nagsasabi na manhid siya pero I SWEAR matampuhin talaga yan siya. xD)

“Bakit ka ba kasi nalate?”

“Di ako nakagisingng maaga.”

Inoffer niya saken ung upuan sa tabi niya.

“Yay! Seatmates na tayo Xiarot!”

(*Notice: SIya lang ang pwedeng tumawag saken na “Xiarot” T^T)

“Sshh. Aella, ang ingay mo.”

“hehe. Sorry.. Masaya lang.. Ayieeeeeeeee~ sabay kayong nalate ni Ice!”

“Anong ayieee? Tumahimik ka nga dyan!” hinampas ko yung balikat niya.

“Aray! Hahaha.” Bigla siyang lumapit sa tenga ko at bumulong “Aminin mo na kasing crush mo siya.”

Gusto ko siyang hampasin ulet ng mas malakas kaso dumating na yung next teacher namen…

Si ice?? Crush ko?? No waaaaaaaaaaaaaaaaay!!

What's with that STUPID UGLY guy!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon