Teaser

89 10 0
                                    


FOURTEEN years old si Rhean noong madalas siyang nakakatanggap ng rosas na gawa sa papel. Napakagara ng pagkagawa. Palagi niya itong nakikita sa kanyang upuan at naka-address sa kanya. Ang unang suspek niya ay si Adrian, dahil ito ang nangungulit na ligawan siya. Hanggang sa dumating sa punto na pinaghinalaan na rin niya ang crush niya na si Julian, ang kanilang valedictorian. Pero imposible na si Adrian dahil wala itong ibang inatupag kundi pag-aaral. Ang weird nito sa lahat ng kaklase niya, at ito ang binansagang 'campus nerd', pero kinalolokohan ng kababaihan.

Sa paglipas ng mga panahon, hindi inaasahan ni Rhean na pareho din sa kurso niya ang kukunin nila Adrian at Julian, at sa iisang University pa. Akala niya ay sa high school lang niya mararanasan ang pagkakaroon ng secret admirer, pero nakabuntot na pala ito sa kanya.

Hindi niya akalain na sa puntong iyon ay mahahati ang puso niya sa dalawang lalaki. Sino ang pipiliin niya ngayong puwede na siyang makipagrelasyon? Si Adrian, na since high school ay nagpahayag na ng damdamin sa kanya? O si Julian, na ngayon ay nagpaparamdam na rin sa kanya? At sino ang mesteryosong admirer niya na may-ari ng paper roses?

Paper RosesWhere stories live. Discover now