KAY sarap pagmasdan ng mga batang naglalaro sa play ground ng elementarya. Namimis ko tuloy maging bata. Ako si Rhean Aguilar, fourteen years old at nasa third year high school na ako. Maaga kasi akong pinag-aral ng parents ko. Ako ang bunso sa aming tatlong magkakapatid at nag-iisang babae. Ang mommy ko ay elementary teacher. Ang daddy ko naman ay isang Engineer.
Katatapos ko lang kumain ng pancit sa canteen. Narito ako ngayon sa third floor kung saan ang class room namin. Mula roon ay natatanaw ko ang elementary na naroon din sa loob ng St. Agnes montesorri school. Hindi naman talaga kami mayaman. Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ng parents ko, pero naibibigay naman nila lahat ng kailangan namin. Lahat kaming magkakapatid ay sa private school nag-aaral. Ang kuya kong panganay na si kuya Glenn ay first year college na sa St. Martin University. Si Kuya Ares naman ay fourth year high school na.
Wala pa ang teacher namin sa math kaya siguro hindi pa bumabalik ang ibang kaklase ko. Nakaupo ako sa arm ng upuan na bakante sa bandang likuran. Sinisilip ko ang mga bata sa play ground. Narinig ko ang boses ni Mariana. Lumingon ako sa pinto. Ang ingay nito. Kaya pala, kinukulit na naman nito si Julian Sanchez, ang pinakamatalino sa klase namin. Aywan ko ba, magmula noong first year ay kinikilig na ako kapag nakikita ko si Julian. Bukod sa matalino, guwapo at mayaman. Ang kaso, ang weird niya. Sobrang tahimik. Palagi na lang libro ang hawak niya. Kaya siguro lumabo ang mga mata niya dahil sa kakabasa. Pero kahit nerd siya, ang lakas pa rin ng dating niya. Ang galing pa niyang mag-drawing.
Architect ang daddy ni Julian, at Pediatrician ang mommy nito. Kilala ang pamilya nila sa bayan namin. Nag-iisang anak lang si Julian. Maputi ito, katamtaman ang katawan at matangkad. Ang porma nitong magda ng uniform. Ang bango-bango pa palagi.
Oopps! Heto na naman ako, tulala na naman habang nakatingin kay Julian. Gusto ko siyang lapitan pero palagi akong inuunahan ng hiya. Isa pa, maraming nagkakandarapang babae sa kanya. Mas maganda pa sa akin at matalino. Crush din ni Sarah si Julian. Si Sarah kasi ang pumapangalawa palagi sa pinakamatalino sa klase namin. Si Sarah din ang class vice president namin. Palagi silang magkasama ni Julian, dahil si Julian ang class president. Ako, Auditor lang ako.
Dumating na ang math teacher namin na si Miss. Anika San Diego. Bumalik na ako sa upuan ko. Nagulat ako pagkakita ko sa dalawang perasong rosas na gawa sa papel na nakapatong sa silya ko. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa petals. Naka-address sa akin pero walang nakalagay kung kanino nanggaling.
Kinalabit ko ang katabi ko sa bandang kaliwa na si Mike. "Mike, sino naglagay nito sa upuan ko?" tanong ko sa kanya. Pinakita ko ang rosas na papel.
Kumibit-balikat lang si Mike, saka nito binalikan ang binabasang aklat.
Lumingon naman ako sa katabi ko sa kanan. Nakaupo roon si Vince. Kinalabit ko rin siya.
"Bakit?" nakasimangot na tanong ni Vince.
"Nakita mo ba kung sino ang naglagay ng rosas na 'to sa upuan ko?" tanong ko.
Umiling si Vince. "Hindi," tipid niyang sagot.
Bumuga ako ng hangin. Naguguluhan na ako. Ang nakaupo sa likuran ko ay si Amy, ang malapit kong kaibigan. Malamang hindi rin nito alam dahil kararating lang nito. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Nagsasalita na si Miss. Anika sa harapan namin.
"Before we proceed to our new lesson, we will review the topic yesterday. And later on I'll give you a long quiz," sabi ni Miss. Anika.
Binuksan ko na ang notebook ko sa math. Hindi sa pagmamalaki, pinakagusto ko ang math subject. Pagdating sa numero ay palagi akong nangunguna. Pero mahina ako sa words. Sabi nga nila, may mga tao daw na mahina sa numero pero mahusay sa numbers. Nagmana ako sa daddy ko. Magaling kasi siya sa math.
YOU ARE READING
Paper Roses
Teen Fiction"I knew I can steal your heart effortless. Why do I need to give you such material things? It's just wasting my time." Sabi niya sa akin. Nagulat ako dahil hindi ko talaga inaasahan na ganoon ang sasabihin niya. Pakiramdam ko parang aatakehin ako sa...