Chapter 3

8 0 0
                                    

CHAPTER 3

"Krissy!! mamimiss kita! babalik ka ah.. babalikan mo ako" - chen chen na paiyak na. ayokong makita syang ganito.

"pangako chen-chen, babalik ako. babalikan kita. basta hintayin mo ako ah. Wag mo akong kalimutan" sabi ko. Pinipigilan ko yung mga luha ko. Ayokong umiyak. ayokong makita nya akong umiiyak. pero huli na, bumagsak na ang mga luha ko.

agad naman nyang pinunasan yung luha ko.."ayokong nakikita kang umiiyak Krissy! promise hihintayin kita. Walang kalimutan ah. Smile ka na Krissy oh!" pinipilit nya akong ngumiti. pero, kaya ko bang ngumiti?

"Ngumiti ka rin chen chen! para fair" unti-unti naman syang ngumiti.

"Ayan! Krissy nakangiti na ako. smile ka din please. gusto ko makita yung ngiti mo" ngingiti na sana ako pero..

"KRISTEL!TARA NA!"-boses ni mom yun. yung binubuo kong ngiti, naglahong bigla.Tumalikod na ako kasi hindi ko kayang ngumiti.Hindi ko magawa yung sinasabi nya,

"Krissy! wag kang tumalikod, hindi ka pa nga ngumingiti eh. Ipakita mo muna sakin yung ngiti mo." sorry chen! hindi ko kayang ngumiti eh.

"SORRY CHEN-CHEN! HINDI KO KAYANG NGUMITI.HINDI KO MAIPAKITA SAYO YUNG NGITI KO SA HULING PAGKAKATAON. HINDI KO KAYA EH. PERO PANGAKO,BABALIK AKO. BABALIKAN KITA CHEN-CHEN!!"

nagising ako bigla. pilit kong inalala yung panaginip ko at hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. I'm sorry chen-chen! hindi ko nagawang ngumiti para sayo.

Umiyak lang ako buong gabi hanggang sa makatulog ulit ako.

*****************************************************************************************************************

Gumising ako ng maaga, nagpunta ako sa malapit na park dito sa bahay. Nag-jogging lang ako dun. nung mapagod ako,umupo ako sa isa sa mga bench. Hindi ko napansin, may nakaupo din pala dun. Oh well, I don't care. Hindi naman kanila toh. -__-

Hindi ko sana sila papansinin pero ..nagbigay sila ng dahilan para kausapin ko sila...They're talking about exo. especially about chen! I guess they are fans.

"Uyy, bias wrecker ko si chen!"-sabi nung isa

"Akin si chen ehh"-sabi naman nung kasama nya, Maka-angkin to kay Chen! ako nga hindi ko ma-angkin si Chen eh tas sya? tsk,tsk,

"Share na lang tayo! ang galing galing nya kasi eh. Ang ganda ganda ng boses nya"-girl 1 xD

"ayoko ngang magshare! may Sehun ka na diba?AKIN LANG SI CHEN!" ayt. selfish si ate?

"Damot mo! Inaangkin mo si Chen, eh may nagmamay-ari na ng puso nun"-girl 1

ANO DAW?!! may nagmamay-ari na ng puso ni Chen? ibig sabihin? may mahal ng iba si chen? ouch naman! oy! Kristel, bakit ka nasasaktan? diba bestfriends lang kayo.

kay? ako na ang FRIENDZONED! -.-

Pero hindi ko alam kung anong sumapi sakin, nilapitan ko sila't kinausap.

"Exo fan kayo?" panimula ko. enebe? baka tanungin nito kung exo fan din ba ako? naku! fan lang ako ni chen ehh hehehehe xD

"ahh opo. hehe. Ikaw din po?"-girl 1 sabi na eh. Anong sasabihin ko? si Chen lang kilala ko kasi bestfriend ko sya? NO NO NO! for sure, hindi sila maniniwala sakin. Baka sabihin nito, assuming ako. geez.

"ahmm, n-newbie? tama! newbie lang ako ehehe" kunwari fan nalang din ako pero baguhan lang.

"Ganun ba? naku, ate! tutulungan ka namin para mas makilala at mas mahalin mo ang exo" pwede bang si chen lang? LOL

Yesterday's Promise [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon