Celestina's POV
Pagmulat ng aking mga mata ay hindi pamilyar ang aking nasilayan. Puting-puti ang paligid.
"Huh! Nasaan ako?" Napabalikwas ako nang bangon para lang matigilan at humawak sa aking ulo. Matindi ang kirot na nagmumula roon at napagtanto ko na may nakabalot pang benda rito.
"Ano'ng nangyari sa akin?" Kahit kapain ko sa aking isipan ang mga naganap ay wala akong maalala.
"Oh… Sweety! Glad you're awake
now." Masayang boses ang nagpagising sa malalim kong pag-iisip at nang ibaling ko ang tingin sa gawing kanan ko ay gulat na gulat ako sa aking nakita.
Sino ang napakagwapong lalaki na ito? Nakaupo ito sa couch sa gilid ng hinihigaan kong kama? Mukha siyang artista. Sa tanang buhay ko at sa tagal kong natira sa iskwater ay iisa lang ang hilatsa ng mukha ng mga tao na aking nasisilayan sa araw-araw. Ang lalaking ito sa aking harapan na matamang nakatingin sa akin, masaya ang mukha ngunit parang may bahid namang pag aalala ay masasabi kong Mr. Oozing with sex appeal, makalaglag panty ika nga. Para siyang modelo sa mga magazine.
"Si-sino ka at anong ginagawa ko rito?" Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Nagtatanong ang mga matang napatitig ito sa akin, wari bang pinag-aaralan nito ang mga kinikilos ko.
"Are you kidding me?" seryosong tanong niya na napakunot pa ang noo.
Kidding? Mukha ba akong nagbibiro?
Sa itsura niya na iyon na itsurang napakabango at 'di maikakaila na isang mayaman ay tawagin ba naman akong "sweety" baka siya ang nagbibiro?
Sunod-sunod ang aking pag-iling
"Sino ka nga?" ulit na tanong ko.
Bumuntong hininga muna ito nang malalim.
"You seem so serious that you have forgotten me. I think it has something to do with the accident."
"Accident?" pag uulit ko sa huling sinabi nito.
"Yes, you just bumped into my car that made you unconscious for two days. You made me so worried, Sweety," seryosong sabi niya
Bakit ba habang tinitingnan ko siya at ang mga reaksyon niya sa akin ay sobrang kakaiba?
"Pasensya ka na mister pero hindi talaga kita kilala."
"Georgina, what happened? You have been gone for almost a month, I've been searching for you all over the Philippines and there you are now in front of me saying that you don't know me at all. This is so ridiculous!" dismayado na sabi nito.
"Eh, sino ka nga kasi?" ulit na tanong ko na naman.
Yung totoo kailan kaya niya balak sagutin ang tanong ko? Paulit-ulit na lang eh! Kahit naman halos perpekto na ang kagwapuhan niya kung may balak naman siyang masama sa akin ay hindi ako papayag. Kung siya nga ang nakabangga sa akin kaya nandito ako ngayon sa ospital, ibig sabihin lang noon ay natakasan ko si Tiyo Kardo.
Hay, salamat naman hindi bale ng mabangga ako ng sampung beses kaysa naman magahasa ako ng manyakis na yun.
"Okay, If you are just making fun out of me by asking that stupid question over and over again and to satisfy your curiosity, I'm Migs Solano... your husband for three years." Napaka seryoso ng mukha niya at ang kaseryosohang iyon bukod sa sinabi niya ang nagpagimbal ng husto sa akin.
"Hala! Anong pinagsasabi mo d'yan na asawa kita at tatlong taon na tayong kasal? " Pag uulit ko sa sinabi nito.
Sunod sunod naman ang tango niya.
"Yes... I'm dead serious, we have a two year old son, his name is Kyle."
Huh! Panaginip lang 'to.
Nanaginip lang ako, sigurado.
Ako, may napakagwapong asawa at anak? Paanong nangyari iyon, ni minsan hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend? NBSB kaya ako noh! (No Boyfriend Since Birth). Ginu-good time talaga ako ng lalaking ito. Hindi na siya nakakatuwa!
"Naku mister, huwag kang magbiro ng gan'yan, kung gusto mong ma-abswelto sa kaso mo dahil binangga mo ako, hindi ka na dapat nagtahi ng mga kwentong kasinungalingan. Hindi naman kita ire-reklamo sa mga pulis basta ikaw lang ang magbabayad ng hospital bill ko kasi wala akong kapera-pera ngayon."
"What?" manghang naibulalas niya.
Huh! Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog? Kailangan ko pa bang i-translate sa English lahat nang sinabi ko kanina lang?
Haisst... naku naman…madugo-dugong usapan ito.
"Stop, mister, look and listen___! "
Nyaaaaaa...
Kiming ngumiti na lang ako sabay peace sign dito, hindi kinaya ng powers ko ang pagsasalita ng ingles.
Ngunit nanatili paring seryoso ang mukha niya.
"Everything is wrong with you. I need to call your doctor to check on you. Just stay here, Sweety. I'll be back." At pagkasabi niyon ay tumayo na ito ngunit, laking gulat ko nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at yumuko para gawaran ako nang mabilis na halik sa aking labi pagkatapos noon ay parang wala lang na lumakad siya palabas ng silid.
Naku naman! Ninakawan ako ng halik ng lalaking iyon. Grabe! Hindi ba niya alam na first kiss ko 'yon?
Para akong tangang napahawak sa aking labi. Mabilis lang ang halik na iyon pero sobrang lakas nang parang boltahe ng kuryente na gumapang sa buo kong katawan at ng dahil doon ay bigla na lang akong nakaramdam ng matinding panghihina.
____
"We have to be thankful, Mr. Solano, her MRI and CT Scan results are negative so you have nothing to worry about. Your wife is safe now."
"But, Doc... why is she acting so differently? She's not in her usual self, she doesn't even remember me, I was just wondering, is there a possibility that she has this so-called amnesia?"
"Initial reaction of a patient suffering from head injury. According to my observation Mr. Solano, I therefore conclude that your wife is into selective amnesia."
"Selective Amnesia?"
"Yes, Selective Amnesia is a type of amnesia in which the patient loses a certain part of her memory. This finding as well as other similar findings is something we can't take for granted. Ms. Georgina is under observation, she can be discharged any time but, you have to be particular in her behavior and report to me from time to time her actions and speech, and please be patient in paying attention to the things that she may have forgotten. You should know how to understand her situation by feeding her information about the things that she used to do before the accident."
"I understand, Doc. But, the question is when will her memory come back?"
"Just keep on hoping that her 100% self will come back as soon as possible. Don't pressure her to remember everything in an instant. If she will do so, a severe headache might trigger her so better do it slowly."
"Thanks for the information Doc, I'll keep that in mind."
"No worries Mr. Solano, by the way I need to go now. I have a patient to attend to, my nurse will take care of your wife."
Habang papalabas na ang doctor na tumingin sa akin ay napapaisip parin ako.
Amnesia! Eh... Wala naman ako no'n.
Alam ko ang lahat ng nangyayari sa akin, kilala ko ang sarili ko.
Ako si Celestina Ramos, bente uno anyos, namamasukang tindera sa palengke, lumaki sa poder ng aking malupit na tiyahin at walang ibang pamilya bukod sa kaniya.
updated 11/12/22
BINABASA MO ANG
My Fake Wife [Completed] √
Romance"You're just my clone! Everything you have right now are all mine! My money my son and most especially my husband.You can never be me and you will never be me. " Isang aksidente ang nagpabago sa buhay ni Celestina. Aksidenteng naging dahilan kung ba...