Chapter 5: No Good In Goodbye
Paul,
I love you. I really do. But then, you just loved me. We're done. We're back to being stragers, acting like nothing happened. We made love, or is it just sex. I don't know. All I know is I love you, still.
Balita ko kinasal ka na. Alam mo bang pumunta ako sa kasal mo. Ang engrande nga eh. Biruin mong si Cheska pala ang naging asawa mo. Yung bestfriend ko, dati......... Kahit na mugtong-mugto ang mata ko pumunta ako, at muling umiyak. Mapaglaro talaga ang tadhana. Akala ko perpekto na. Akala ko magiging mala-fairytale na ang istorya natin. Ang buhay ko. Pero wala eh, pinili pa rin natin ang tama, ang dapat.
Marami na rin naman tayong pinagsamahan. Mga kasalanan. Siguro tama na, siguro balang araw magiging okay rin ako. Sana. Sana pala tayo pa rin. Sana ako na lang. Edi sana masaya tayo. Pero Paul, mahal pa rin kita. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa eh. Ang tanga ko talaga, lahat ay pinili ko pa rin ibigay sayo. Oo naging selfish ako, pero napaka-selfless ko pagkarating sayo.
Ngayon wala ka na. Sana maging masaya ka na, sa piling niya. Masaya akong masaya ka. Oo. Sobra. Kahit makita ko lang na masaya ko. Kahit na ang happy ending na yan ay para sakin at satin ay pinili kong tanggapin na lang na kayo talaga...
Sana, may makaintindi sakin. Sana, bago ako hinusgahan ng ibang tao nalaman nila ang totoo. Oo nga Paul, hindi ba't nalaman nila. Hindi natin matatago talaga, pero salamat kay Cheska. Mahal ka pa rin niya. Nasiyahan ako ng malaman iyon, akala ko kasi pwede ng maging tayo ulit. Pero ng malaman kong halos lahat ng pagpapabaya mo, tinanggap niya, nawalan na ako ng pag-asa. Wala na akong pag-asa. Mahal mo na rin siya....
Ang sakit isipin Paul, na hanggang sa alaala na lang kita. Hanggang sa pagbabalik-tanaw na lang ako. Minsan, nababaliw na ako kakaisip sayo. Paul, hindi ko pa kaya eh. Mahal pa rin kita. Sobra. Akala ko noong gabing yon ay mapapalaya na kita. Mapapatawad ko na ang sarili ko. Pero hindi pa. Ikaw pa rin. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Mahal pa rin kita....
-Fiona.
Mapait akong napangiti ng makita ko ang sulat na ginawa ko para sakanya. Sulat na hindi ko naibigay, na hanggang sa hangin na lang ang nakarinig ng mga dalangin ko. Ang sakit. Ilang taon na ba ang nakalipas, pero siya pa rin. Walang nagbago. Hindi ko kaya. Kahit na gusto ko ng makalimot, kumawala, at mag-umpisang muli ay nahihirapan pa rin ako.
Ito na yata ang pinaka-mahirap sa lahat. Ang mahalin ang isang tao, habambuhay... Hanggang sa huling paghinga ko ay siya pa rin...
It's started with once upon a time but still, it ended tragic. We ended tragic.
BINABASA MO ANG
One More Night
Short Story#696 in short story "Sweet dreams... I gotta go now..." _Madamcin_