First Meeting

957 17 1
                                    

Britney's POV

"Daddy! Ayoko! Di ko sya mahal. And I don't even know him!" Sigaw ko sa daddy ko. Nakakainis na kasi eh. Pinagpipilitan niyang ikakasal kami ni John.

"Anak! Calm down. Para ito sa ikabubuti mo." Sabi sakin ni daddy. Halata naman na nagbabait baitan lang siya.

"Mas ikabubuti ko kapag di niyo ako ipapakasal sa kanya! Mas mabuti para sakin kung ikakasal ako sa taong mahal ko! Dad, please." Sabi ko sa kanya habang umiiyak. Eh kasi naman eh! Ayoko pang ikasal! Hello?! 17 palang ako!

"Anak. Makakabuti rin ito sa business natin." Yan na nga ba eh. BUSINESS! Nakakainis. Mas iniisip pa niya ang business kesa sakin.

"Dad. I've made up my mind. Hindi ko papakasalan yang si John! Pwede namang si Jen diba? One year lang naman ang tanda ko sa kanya! Mas mabuti pa nung nabubuhay pa si mom-" Naputol ang sinasabi ko ng biglang nag salita si daddy.

"Shut up! Go to your room! Now!" Sabi niya saakin ng may halong galit at sakit. Alam kong nasasaktan parin si daddy dahil sa pagkawala ni mommy.

Umakyat nalang ako. Pero habang umaakyat ako, may naririnig akong tumutunog.

Kriiing! Kriiing!

Ano kaya yun? Ah! Baka cellphone ni daddy. Pero... Hindi eh!

Kriiing! Kriing!

Hayaan na nga. Pagkabukas ko nung pinto ng kwarto ko...

"AAAAHH!" Sigaw ko. Ang sakit kaya! Nahulog ako sa kama!

"O anak! Anong nangyari?" Tanong sakin ni dad na halatang nag-aalala. "A-ah. Wala po. Nahulog lang ako sa kama." Sabi ko sa kanya.

So? Panaginip lang lahat yun? Haay! Thank you Lord! Hagulhol na ako eh!

"Ah ganun ba? O siya, bumangon ka na dyan. Baka malate ka pa. Kain ka na ha? Hintayin kita." Sabi sakin ni dad. Waaaah! Akala ko talaga totoo na yung panaginip ko. Thank you talaga at hindi! Ayoko pang makasal no! T_T

Oops! By the way, ako nga pala si Britney Spears. De joke lang! I'm Britney Perez, 17 years old. Maganda, matalino, hot, sexy, fashionista, mayaman, basta sabi nila nasa akin na ang lahat.

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon