Ngiti

12 0 0
                                    

ngiti mo ay liwanag ng aking buhay;

sa madilim kong mundo ay kumukulay.

at sa oras na ako ay nalulumbay;

hinahanap-hanap ngiti mong pamatay!

at kapag ikaw ay aking nasilayan;

tila huminto aking puso't isipan.

ngunit nang ikaw ay biglang lumisan;

lubos ang nararamdamang kalungkutan.

ikaw ang tanging dahilan ng paglaban;

sa nararamdamang lubos na kalungkutan.

ang tangi kong hiling ay sana'y pakinggan;

huwag baliwalain aking naramdaman.

o giliw, sana'y magbalik na sa akin;

nang mapawi ang lungkot sa'king damdamin.

tanging ngiti mo lang ang gustong mapansin;

nang mga mata'y marubdob sa pagtingin.

ako'y maghihintay sa iyong pagbabalik;

para ika'y masulyapan ng tahimik.

hindi mapakali ang puso kong sabik;

kailan kaya ang iyong pagbabalik?

NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon