"Oh nakasunod ka pala samin" ani ni pia
"Uhm kung pwede ba ako na maghatid sa inyo?" Ani ni christian
"Ay hindi..." di ko natuloy sasabihin ko kasi biglang sumingit si pia
"Si crystal nalang ihatid mo kasi mas malayo sya dito ako malapit lang" ani ni pia
"Ayoko nga pia bahala ka nga dyaan iiwan kita" nag tampong sabi ko
"Uhm ganto nalang sige sasama ako sa paghatid sayo nakakahiya kaninapa sya nakaabang sa kotse nya" ani ni pia
"Ayo.." magsasalita sana ako kaso hinila nanaman ako ni pia ang kulit talaga nya kahit kelan una syang pumasok sa kotse at hinila nya ako .
"Ah sino pala una kong hahatid?" Tanong ni christian
" si crystal muna" ani ni pia
Sow buti naman kung ako ang unang ihahatid lumipas ang ilang oras di ko namalayan na nakatulog pala ako nagulat ako na naka stop kami sa harap ng bahay ni pia at bigla sya bumaba tatayo sana ako kaso sinara agad yung kotse
"Uy pia! Ano! San ka pupunta! Kala koba ako ang unang ihahatid!" Inis na sabi ko
Pilit kong buksan ang pintuan kaso pinipigilan nya di ko rin mabuksan yung kabila dahil mabilis syang nakakatakbo
Tawa nalang ng tawa si christian sa amin habang ako ay inis na inis
"Christian sige na ihatid muna sya basta tinuro ko sayo kung saan mo sya ibababa ah! Ikaw na bahala sa bestfriend ko bye na!"
Ani ni pia
"Uy sandali pia! Wag moko iwan naman!" Di na nya ata narinig kasi tumakbo na sya kahit kelan kulit talaga ni pia kainis minsan sya
"Uhm kuya christian hatid mo nalang ako sa sakayan ng bus ako nalang mag isa uuwi"
"Hahaha dont call me kuya tsaka ako na maghahatid sayo baka kung ano lang mangyari sayo"
"Hindi ok lang ako nalang mag isa pabababa nalang ako kahit dito nalang" inis na sabi ko
"Malapit na tayo ihahatid na kita"
Isa rin to ang kulit din hay nako hayaan ko na nga lang malapit nadin naman kami ang mahalaga makauwi ako dahil inaantok pa ako
"Uhm san banda bahay nyo dito?" Aniya"Dito nalang ako bababa dun pa ako papasok pa ako ng eskenita"
"Sige"
Bababa na sana ako kaso hinawakan nya ang braso ko
"Pwede ba mahingi number mo?" AniyaNag dadalawang isip ako kung ibibigay koba o hindi kasi di naman ako nag papa load
"Kahit naman ibigay ko sayo number ko di rin ako makakapagreply dahil di ako mahilig mag pa load"
Nasanay kasi ako na ako lagi tinatawagan tsaka si pia lang naman lagi kong kausap"Ok lang"
Sabay ngiti sakin
Ngayun ko lang sya natitigan di ko namalayan na ang pogi pala nya talaga lalo nang ngumiti sya sakin hay crystal antok lang toIbinigay ko rin sa kanya number ko bumaba na din ako sa kotse nya
"Salamat pala sa paghatid" sabay ngiti ng tipid sa kanya di ako makaharap ng maayos dahil nahihiya ako sa kanya
"Ok lang yun wala yun o sha sige una na rin ako bye"
"Sige ingat"
At pinaandar narin nya kotse nya at umalis narin bigla kong naalala yung ngiti nya sakin kanina hay nako aakyat na nga lang ako at makatulog na
Habang umaakyat ako sa inuupahan kong kwarto ay may biglang sumigaw sa likod ko
"Oy ano kelan kaba magbabayad sa upa ah!!" Galit na sabi ni aling annie"Uhm sa susunod na araw kopo makukuha sweldo ko aling annie" mahinahon na sabi ko
"Siguraduhin mo lang ah!"
"Opo"
Ang sungit talaga ni aling annie isang beses pa lang ako di nakapagbayad grabe na kung magbunganga
Hayaan kona nga muna yun ang mahalaga makatulog muna ako at maaga pa ako sa trabaho ko bukas sa restaurant na pinapasukan ko.
BINABASA MO ANG
The Happiest Girl
RomanceCrystal Jane Santos Ay isang babaeng laging malungkot dahil naging ulila lumaki sya sa ampunan at namulat ang mata ng hindi kilala ang kanyang mga magulang kaya lagi syang malungkot. But Everything Has Change Nang may nakilala syang lalaking magpapa...