Kinaumagahan pag gising ko ay pumasok na ako para magtrabaho baka kasi palayasin ako ni aling annie pag di ako nag bayad.
Ilang minutong biyahe ay nakarating na ako sa pinagtatrabahuhan ko agad kong nakita si pia na naglilinis ng lamesa
"Crystal!" Aniya habang nakangiti ng malaki sa akinDi ko sya pinansin nagtatampo parin ako sa ginawa nya kagabe dumiretso nalang ako sa likod para maghanda na ng sosootin
Lumapit sa akin si pia
"Be ano ganyan ka nalang di moko papansinin?""Sabi mo kasi kagabe sasama ka sa paghatid pero nauna kapa!" Inis na sabi ko
"Sorry na! Sow ano pala nangyare kagabe?" Aniya habang tumatawa
"Nang iinis kapa malamang hinatid nya ako! Si mam nandyan na labas na tayo baka pagalitan pa tayo"
Lumipas ang ilang oras ay tumunog ang cellphone ko nakatanggap ako ng mensahe Unknown Number : Hi Crystal Ako to Si chistian musta kana?
Oo nga pala binigay ko sa kanya number ko pero sabi ko sa kanya di ako makakapagreply kasi bihira lang ako magpa load
Maya maya natapos narin trabaho namin ngayong araw sabay kami naglakad ni pia papuntang sakayan pero di ko parin sya masyadong pinapansinNauna syang sumakay sakin
At biglang may tumawag sakin unknown number nanaman sabi ko baka si christian to di ko pala na save number nya
Sinagot ko tawag nya"Sorry naalala ko bihira ka lang pala magpaload" ani niya
"Ok lang buti naalala mo"
"San ka pala ngayon?"aniya
"Pauwi na ako nagaantay ako ng masasakyan"
"Mahirap sumakay dyan pag linggo sunduin nalang kita"
Ayoko na magpasundo sa kanya nahihiya na ako .. pero bat nya alam na mahirap sumakay dito pag linggo
"Naku wa.." di natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang ibaba ang telepono
Ano kaya nangyare dun hmm basta magaantay nalang ako ng masasakyan.
30 minutes na nakakalipas di parin ako nakakasakay nagtataka parin ako paano nya nalaman na mahirap sumakay dito pag linggo
Maya maya ay may humintong kulay itim na kotse na pamilyar sakin
Bumaba yung bintana ng kotse at may sumilip"Christian anong gi.."
"Halikana ako na maghahatid sayo mahirap ng sumakay dito"aniya
"Hindi ok lang" nakakahiya kasi sa kanya
"Tara na binubusinaan na ako"
"Sige na nga!"
Sumakay parin ako sa kotse nya dahil binubusinaan na sya ng mga bus sa likod nya
"Uhm gusto mo ba kumain?"
"Hindi busog pa ako"
"Bakit parang lagi kang nakatungo bat parang lagi kang malungkot?" Aniya
"Nahihiya lang ako"
"Siguro nahihiya ka lang din sa tanong ko kanina siguro gutom ka kaya sinabi mong busog ka sige kain muna tayo" aniya
"Hindi busog pa nga ako"
Pero ang totoo nagugutom na ako gusto ko kumain pero sakto na tong pera ko sa pambayad sa upa at pang kain ko sa isang linggo mag isa lang kasi ako binubuhay ko sarili ko mag isa di ko alam kung nasan na mga magulang ko
Hay ayoko muna isipin yung mga yun nalulungkot nanaman akoIlang minutong nakalipas ay huminto kami sa magandang restaurant
"Uhm wala akong pe.." biglang sumingit si christian
" ako na bahala "
Nagulat ako sa sinabi nya kasi mukha talagang mamahalin dito at tapos sya pa gagasta sa akin nakakahiya tuloy
Umorder nalang ako ng medyo mura mura nakakahiya ng umorder ako ng mamahalin
Habang kumakain sya napatitig ako sa kanya pangalawang beses ko to tignan sya ng matagal ang gwapo pala nya talaga at mukhang sarap na sarap sya sa kinakain nya.
Matapos naming ubusin ang pagkain dumiretso na kami sa sasakyan para maihatid na ako
Naging tahimik lang kame sa biyahe tila walang kibuan
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin
Nagpasalamat muna ako kay christian"Salamat pala sa pagkain at sa paghatid sakin" sabay ngiti ulit ng tipid sa kanya
"Ok lang yun basta ikaw" sabay ngiti
" oo nga pala paano mo nalaman na nandun ako nag anntay ng masasakyan?" Nagtatakang tanong ko
"Nag text sakin si pia sabi nya baka di kapa daw maka sakay sunduin nalang daw kita at tinuro nya sakin sa text kung saan ang daan"aniya
Hay nako sabi na eh si pia nanaman
" ahh ganun ba sige na bye"
Bababa na ako ng hinawakan nya ang aking kamay at hinalikan
Nagulat ako sa ginawa nya"Mag ingat ka palage" sabi nya
Di ko sya pinansin binilisan ko nalang lakad ko nagulat talaga ako sa ginawa nya.
Pumanik nalang ako at ibinayad ko na yung pera kay aling annie.
BINABASA MO ANG
The Happiest Girl
RomanceCrystal Jane Santos Ay isang babaeng laging malungkot dahil naging ulila lumaki sya sa ampunan at namulat ang mata ng hindi kilala ang kanyang mga magulang kaya lagi syang malungkot. But Everything Has Change Nang may nakilala syang lalaking magpapa...