ANG UNANG PAGKIKITA

641 5 1
                                    

Ako si jason 19 years old masayahin akong tao, Masaya ako kung anong meron ako at kung ano ako.

May kaibigan ako na si joshua laging gusto niyang makita yung crush niya pero di siya magawang pansinin dahil sa makulit siya. Masayahin ang kaibigan ko sa mga nangyayare sakaniya pero..

si jacob siya yung taong Matipuno, Playboy pero di ko lang alam, Gagawin niya lahat para makuha niya lang yung gusto niya

at si jerome ang matalik na kaibigan ni jacob Mahilig sa mga magazine at Social media.

Sisimulan ko na ang aking kwento.

----

Kagigising ko lang ng biglang may naririnig akong tumatawag sakin galing sa labas at nangbubulabog na aking kaibigan na si Joshua.

Nagmamadali siyang umalis dahil sa isang inspirasyon niya na matagal na niyang gustong makita.

" Bessy bumangon kana dyan! samahan moko!"

" San nanaman? Dun nanaman sa idol mong di ka naman pinapansin"

" Ano pa nga ba? Charot ! dalian mo na kasi baka mamaya wala nanaman siya dun sa sm chumenilar! "

" Anong sm chumenilar? Bakla ka ng taon.  wag ka masyadong magmadali di ka naman papansinin nun! sigi na wait moko dito liligo lang ako"

" Dalian mo at wag mo masyadong galingan baka ikaw mapansin nun at hindi ako 😭 "

" Anong ako? baka nga. hahaha inggetera ka naman pano pag nangyare yun? "

" Ay bakla nakikita mo tong bahay niyo papasabugin ko tong bubong niyo"

" Ah eh. wala to biro lang yun. maganda ka naman eh. mapapansin ka nun love you bessy 😘 ( Sabay kiss sa pisngi) "

" buti naman nagkakaintindihan tayo 😎"

Makalipas ang ilang minuto naligo nako napatagal dahil nakipagharutan pa ako sa kaibigan kong di naman kagandahan.

Habang ako'y nasa cr at naliligo bigla akong nakarinig ng tili ! Tili ng isang baklang kala mo nanalo sa miss gay.

Nagmamadali  akong lumabas para makita ko kung anong meron bakit tumili itong baklang to.

" anong meron!? Anyare? "

" Bessy nakikita mo ba to naghello siya sakin. Sa halos isang daang Hi ko sakaniya ngayon lang siya nagreply! Jusme mamamatay na ata ako bessy ! ( Sabay sigaw ) "

" Bakla alam mo sa susunod ihahampas ko sayo yung kawali Para di ka lang makakatulog! mako-comatose ka pa sakin! Bwiset ka"

Ng ako'y nakapagbihis na't dali dali siyang lumabas ng pinto agad kong isinira yung pintuan at sumunod na sakaniya

Masaya ako na masaya yung kaibigan ko sa mga nangyayari sakaniya na kahit di siya pinapansin gusto niya pa rin na makuha yung loob ng crush niya na kahit makulit siya.

Ako kasi di ako mahilig sa mga ganyan tulad ng iba mas gusto nila yung tahimik lang. Single lang. mas masarap kasi maging single walang problema na dinadala kaysa sa Taken ka na halos araw araw Gulo ang dala.

Habang kami ay nasa biyahe ang aking kaibigan ay hindi mapakali at nagmamadali na parang naiihi na mas gusto niyang tumakbo kaysa sumakay

" Bessy bakit parang nagmamadali ka? nandun lang naman yun di mawawala yun "

" bessy naman baka mamaya mawala na yun dun anong oras na oh! "

" Hoy bakla ka anong oras palang neng! 2pm palang "

" Malay mo mawala na siya dun 😭 "

" Di mawawala yun. di naman ata siya artista at di naman siya kapogian para maginarte. "

" hoy gwapo siya. Pangit ka kasi kaya ka ganyan "

" Tse! "

Halos 30mins yung biyahe bago kami nakapunta sa paroroonan namin. Habang naghahanap kami dun sa crush niya. may nakita akong lalaki na hawak hawak yung kamay ng kasama niyang lalaki

Natuwa ako sa nakita ko kasi alam mo yung feeling na nandidiri, Iniinsulto at nilalait nila itong mga taong to. Proud pa rin sila na ipakita sa buong mundo na itong mga taong to ito yung hahangaan mo din balang araw.

By the way ito na nga nakita na niya yung crush niya at ako nakaupo lang dun sa tabi. Fan chuchu pala yung ganap nung crush niya kaya siya nagmamadali

Nagulat ako dahil nakatingin sakin yung crush ng kaibigan ko at tinitigan din ko din naman siya para patas ang laban.

Ang hindi ko lang maintindihan bakit siya kumindat sakin? ano akala niya sakin makukuha niya ako dahil lang sa ganun? no Iba to 😎

Pumunta ako sa restroom para umihi at magpafresh at ang bumungad sakin pag pasok ko kilala niyo na kung sino. walang iba kundi yung crush ng kaibigan ko.

Agad siyang lumapit sakin at nagpakilala.....

" Hi babe. Jacob nga pala ( Sabay kindat ) "

" babe? Are you calling me Babe? o mali lang pagkakarinig ko? "

" Babe nga narinig mo naman diba? Bakit ayaw mo ba? "

" pano kung sabihin kong ayaw ko? May magagawa kaba? "

" marami? Bakit gusto mo gawin ko? "

Sabay lapit ng muka niya sakin. Agad ko siyang tinulak dahil ayokong magalit sakin kaibigan ko at higit sa lahat di ko siya gusto

Di ko siya gusto dahil ayokong umasa sa wala. ayokong umasa na balang araw mawala sakin kaibigan ko dahil sa maling pinili ko

Ano ba tong pinagiisip ko haha nababaliw na ata ko.

" pwede ba jacob wag mokong itulad sa mga niloko mo "

" Oopps? pwede ko ba makuha muna pangalan mo? "

" Okay sige. Ako si Jason kaibigan nung taong yun na nagmamadaling makita ka. na sinamahan ko lang para makita ka! "

" ahh ganun ba. By the way single po ako at wala pa akong nagiging boyfriend "

Agad akong napaisip kung lalaki ba talaga to o sadyang nadapuan lang ng masamang engkantong bakla kaya naging Paminta to.

" sana nga totoo. Pwede magfocus ka nalang dun kaysa sa manloko bye! "

Nagmamadali akong lumabas ng Restroom para matapos na yung usapang yun.

Makalipas ang mga ilang oras tumitingin pa rin siya sakin at yung kaibigan ko nakatingin saming dalawa at masama ang tingin sakin.

Hinili niya ako pauwi at
kinausap niya ako...

" Magkakilala ba kayong dalawa bessy? "

" huh? pinagsasabe mo bessy? hindi ko siya kilala. bakit mo natanong?"

" napansin ko lang halos andaming tao dun pero tingin siya ng tingin sayo na parang ayaw na niyang ilihis mga sulyap niya sayo."

" Ano ba sabe ko sayo? wala akong paki sakaniya diba bessy? at di ko siya gusto. pwede ba aawayin mo pa ako dahil lang sa lalaking yun"

" hindi bessy tinatanong ka lang naman. ito naman "

" Uuwe na ako anong oras na. bahala kana dyan ah"

" okay sige magingat ka. "

Habang ako'y naglalakad para sumakay ng sasakyan pauwe may lalaking tumawag sakin. at ang sabe ay......

To be continued..

Hi Babe ❤💋 ( Bisexsual Story ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon