ANG IKATLONG PAGKIKITA

191 1 0
                                    

Nagulat ako sa nakita ko kasama niya si jacob at si jerome.

" Hala pwede pala yun eh? kagigising ko lang bakit kayo nandito? "

" Binibisita ka lang. Gusto ko lang maging kaibigan kayo. pwede ba? " Sagot ni Jacob

" Teka pwede pa pasok muna kami bessy? pwede ba yun? " Sagot ni joshua

" Oo naman pero sa labas tong jacob "

" Bessy sama mo. dito na rin ako sa labas pag nandito si jacob sa labas "

" Edi dyan na kayo. " Sagot ko sakaniya

Agad kong isinara ang pinto at may pumigil dito walang iba kundi ang ate ko.

" ano ba? "

" Ano rin ba? Bisita mo pinagsasarhan mo ng pinto at kasama pa sa labas kaibigan mo? Maganda bang gawain yan jason? "

" Edi papapasukin ko "

Lumabas ako at nakita ko silang nakaupo sa gilid ng bahay namin para hintayin ako. naawa ako sa kalagayan nila syempre pero kasi..

" Pasok na kayo sabe ng ate ko. Ikaw bakla ka ikaw magintertain sakanila matutulog lang ako. "

" Ikaw nga pinunta ko eh " Sagot ni Jacob

nanlaki ang mga mata ni joshua sa narinig niya. Halos ako di rin makagalaw at nanghihina sa narinig ko

Hindi ako kinilig dahil inisip ko agad kung anong magiging reaksyon ni joshua sa narinig niya. Nguni't

" ah bessy papasok na nauuhaw na kasi ako eh? may malamig ba? "

" Ah hhhinddiiii ko alam ( Nanginginig na sagot ko ) "

" Ah okay titignan ko nalang. "

Bumalik na ako sa kwarto ko para matulog ulit dahil sa puyat ako at para di rin ako makarinig ng salita galing sa kaibigan ko pero may kumatok sa pinto.

" Bessy pwede ba tayo magusap? "

Natatakot ako na baka magalit siya sakin. natatakot ako na baka mapunta lang sa wala pagkakaibigan namin hindi ko kaya

" Bessy buksan mo. kaloka ka "

" Mamaya na bessy matutulog muna ako. "

" Shunga may sasabihin lang naman at kaonting katanungan "

"Ay hala ano to. ang kulit "

" okay sige maya nalang "

makalipas ang tatlong oras na pagtulog ko ay agad akong bumaba para kumain nagulat ako 3:30pm na at mas lalong nagulat ako sa nakita ko

Nandito pa sila Jacob, Jerome at si Joshua.

" Ow Goodmorning Jason " bitaw na sagot ni Jerome

" Hello Goodmorning ( Sabay tawa ng kaonti ) "

Tumingin sakin si jacob pero di ko siya pinansin at ang bestfriend ko di ako pinapansin kumuha ako ng pagkain at agad na pumunta sa kwarto para dun nalang kumain

Habang kumakain ako may nakita akong post. Post ni joshua

" Bakit ganun? bakita kaibigan ko pa? may mali ba sakin? nageeffort naman ako ah? sakit naman sobra "

Hindi ko na pinansin yung post niya para di kami magaway may pumasok agad sa pinto. walang iba kundi si joshua

Umupo siya sa tabi ko at sabay tanong ng.

" Kayo ba ni jacob? Naging Ex mo ba siya? Crush mo ba siya? "

Ayun yung mga salitang ayokong manggaling sakaniya.

" Bessy anyare sayo? anong pinagsasabe mo? napaparanoid ka ata eh? "

" Nakita ko kayong dalawa kahapon sa Sm. naghalikan kayo at nagusap? tama ba ako bessy? "

" Anong pinagsasabe mo? pwede ba wag muna ngayon bessy wala akong ginagawa sa inyo. At tiaka mga hinala mo na naghalikan kami pwede ba? " Sagot ko

" Bessy kasi nahihirapan ako na baka mapunta siya sa iba at lalo pa sayo dahil kaibigan kita. ( Umiiyak na sabe ni Joshua ) "

" Ay hala. neng walang kayo? di mo kailangan umiyak? wag moko dramahan baka bigwasan kita dyan. ano ba sabe ko? wala akong gusto sakaniya! Lamunin mo siya!! akin na yung lalaking yan at kakausapin ko lang "

Agad akong umalis sa kwarto ko at iniwan ko si joshua tinawag ko si jacob para magusap kami ng matigil na yung kalokohan nitong baklang to

" jacob pwede ba tayo magusap? "

" Sure babe "

" Sa labas tayo magusap "

" Ano ba?! pwede sa kaibigan ko nalang ikaw magfocus wag sakin. please lang "

" huh? bakit ano ba nangyare? "

" yung kaibigan ko umiiyak sa kwarto ko dahil akala niya may gusto ka sakin eh wala naman. ikaw kaya magsabe dun ! "

" Bakit totoo naman ah? May magagawa ba siya na ikaw mas gusto ko? "

" Pwede ba jacob wag na tayo maglokohan dito? Ayoko na magaway kami ng kaibigan ko ng dahil lang sayo. Wala naman akong gusto sayo! "

" okay fine. uwe na ako "

Agad na pumasok si jacob para tawagin si jerome.

" lika na jerome uwe na tayo " Malungkot na sabe ni Jacob

" Ano nangyare bro? " Sagot ni Jerome

" Nothing. Let's go "

" Okay "

Pinuntahan ko si joshua sa kwarto para kausapin siya para tumigil na tong kalokohan na to mahal ko si joshua dahil parang kapatid ko na siya ayoko na nagkakaganyan siya ng dahil lang dun.

Nakita kong umiiyak si joshua dahil sa nangyare at kinausap ko siya.

" Bessy okay ka lang? "

" Muka bang okay to? " Umiiyak na sagot niya

" Tinanong ko lang kinausap ko na si jacob na wag na siyang lumapit sakin para tumigil kana "

" Huh? Bakit ginawa mo yun akala ko naman kumakain ka lang sa labas. edi lalong lumayo yun sakin! "

" oo para tapos na hayaan mo siya "

" No. I will talk to him. Where is he?  "

" Aba ewan ko "

Si joshua ay agad na lumabas ng room ko at hinabol niya sila jerome at jacob para kausapin ito pero di na niya nakita

Hi Babe ❤💋 ( Bisexsual Story ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon