One week narin ang nakakalipas nung may nangyari sa rooftop. At one week narin akung hindi mapalagay oras na tumatapak ako sa skwelahang ito.
One week na akong napapraning!
Imagine this! One week na!! Pwede na 'ko sa mental nito. As in certified na akong pwede e mental.
Bakit ba kasi sa lahat ng pwede kung pukpukin sa ulo na pwedi ko namang e pukpok sa sarili kung ulo, yung lalaki pa yun ang napukpok ko! Huhuhu!!
Naglalakad ako ngayon sa corridor papasok sa building kung saan ang next subject ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad, nakaharang yung buhok ko sa mukha. Pero nakikita ko pa naman yung daan. Minsan nga may nababangga akung mga tao pero dali-dali rin akong nag so-sorry sa kanila.
Nagtataka kayo kung bakit ako nagkaka ganito??
Natatandaan nyo ba yung nangyari sa rooftop? Oo! yung sa rooftop at alam kung natatandaan nyo yun. Wag na kayong magmaangan pa dyan na hindi nyo natatandaan kasi yun lang naman ang nangyari sa akin one week ago di ba?
Kasi.. ganito kasi yun..
Natatakot ako.
Oo, nanatakot ako na baka may gawin sila sa akin.
Diba sabi nung babaeng clown yung nakahubad yung blouse na kita yung bra nung kahalikan nung boyfriend nya dun sa rooftop na todo ang kapal sa make-up.. diba sabi nya na may naghihintay na punishment sa akin? Kaya heto ako ngayon.. basang-basa sa ulan walang masisilungan walang malalaitan.. ahhh.. Di joke lang ,nagtatago talaga ako para hindi magkasalubong landas namin.
Napag alaman ko kasi na siya si Tricia Venus Aguilar, ang certified minnie girl sa campus na 'to. At yung kasaman yang lalaki? Huhuhu!! Nakakabagot mabuhay pag nalaman niyo kung sino siya. Parang ngang gusto ko nang huminto ng pag-aaral. At nang humaba pa 'tong buhay ko.
Siya.. siya ay si JOHN DAVE MONTEBELLE! (caps lock para intense!) Ang certified campus heartthrob sa school nato. Ang kinababaliwan ng lahat ng mga kababaihan na handang magpatiwakal makuha lang ang kanyang matamis na ngiti. *yuck!*
At siguro at alam nyo na ang rason kung bakit siya kinababaliwalan at pinagpapatansyahan ng mga babae dito.
Oo! Tama yang mga iniisip nyo.. *thumbs up!* ang galing nyo. *clap clap clap* BRAVO!
Gwapo siya? Check!
Mayaman siya? Check!
Matalino siya? Check!
Talented siya? Check!
Sporty siya? Check!
Mabait siya? Wrong!
Gentlemen siya? Wrong send!
Stick to one siya? Wrong na naman! FF. FAILED na FAILED.
Isa siyang playboy. Yan ang tumpak!
Pinaglalaruan nya ang mga estudyante dito kapag wala siyang magawa. Isa siyang manipulative. Ginagawa niyang laruan yung mga taong nakapaligid sa kanya. At wag ka! Oras na mabangga mo siya, o may ginawa ka na hindi nya nagugustuhan.. MAGDASAL ka na. Period.
Kaya nga heto ako, nagtatago sa kawalan para hindi lang magkasalubong landas namin at nung babae niya.
Patuloy parin akung naglalakad na mistulang white lady dahil sa itsura ko. Sana naman magtagumpay ako at makarating ako sa classroom ng buhay.
"Pssst!" Napalingon ako nang may marinig akong sipol. Pero paglingon ko wala namang tao.
Bigla akong kinabahan tapos binilisan ko yung paglalakad ko.
"Psssst! Hoy!" napalingon ulit ako, pero wala naman akong nakita.
Hindi ko yun pinansin at nagpatuloy sa pabilis-bilis kung paglalakad. Hindi ko namalayan bigla nalang akong nabangga sa isang matigas na bagay. At dahil sa tigas nun, napatumba ako.
"Aray.." sambit ko ng sumakit yung pwet ko dahil sa pagkatumba.
"Sabihin mo nga talaga bang baliw ka o wala kalang magawa sa buhay mo?" rinig kung sabi nung nabangga ko.
Inis akong nag-angat ng mukha dahil sa sinabi niya. "Sinong baliw ha!?" At ganun nalang ang gulat ko na parang maluluwa nayung dalawang mata ko nang makita ko yung nakatayo sa harap ko.
"Ikaw?" sabay turo niya sa akin "bakit may problema ka!?" tanong nya.
Bigla akung napatayo. "Ahh.. wa-wala. Sige mauuna na ako" tapos nginitaan ko siya ng pilit sabay talikod. 'Lagot na.' sa sarili ko.
"Hindi pa ako tapos Miss, kaya wag mo akong talikuran." sabi nya sabay hawak sa balikat ko.
Pilit kung wag siyang lingunin dahil sobrang kaba ko na talaga na para nakung maiihi na matatae.
"Nagmamadali po kasi ako." mahinang sagot ko sa kanya habang yung dalawang tuhod ko nangangatog na sa kaba.
"Akala mo ba nalimutan ko na yung ginawa sa akin sa rooftop one week ago? O sadyang ikaw lang talaga ang nakalimot nang muntik mung pagbiyak sa ulo ko?"
Dahil dun sa sinabi nya bigla akong napalingon. Tapos nakita ko kung pano siya ngumisi.. hindi yung matamis na ngisi na makalaglag panty kundi yung ngisi nya na mababasa yung panty ko dahil sa kaba.
"Teka.. may pagong sa ulo mo!" sigaw ko sabay turo dun sa ulo nya na may band-aid pa.
Agad akong tumakbo ng mabilis nung mawala yung atensyon nya sa akin dahil sa sinabi ko. 'Hahahaha! Epic fail yung itsura nya. Baliw at naniwala talaga sa akin' pagbubunyi ko sa sarili ko nang makatakbo ako papalayo sa kanya.
Dumeritso ako sa rooftop nung makalayo na ako , eh wala rin naman eh.. late narin ako sa next subject ko dahil sa manyakis na 'yun. Ito lang nman yung naisip kung safe na lugar para makalayo sa lalaking yun.
"Hoooo!! Thank you Lord at binigyan nyo pa akong mabuhay. Hahahaha." sigaw ko sabay tawa ng malakas.
'Boba! Nagbunyi ka pa eh no? Halos matigok ka na nga kanina!" sigaw nung konsensya ko.
Bigla naman akung natahimik nang bulungan ako ng konsensya ko. "Tama may point ka rin." sagot ko kay konsenya.
Nanlumo ako agad habang nag-iisip nang pwede kung gawin para matapos natong ka praningan ko. Hello!? SI JOHN DAVE MONTEBELLE yun.. Hindi yun simpleng tao lamang. Tiyak akong simula nang mapasok ko to nang dahil narin sa katangahan ko, tiyak magiging impyerno ang taon naito para sa akin. HUHUHU. Gunsto kung maiyak! Pero napaka hard nang mata ko at walang tumulo kahit isang butil lang. 'Pinagkakaisahan niyo ako!' sigaw ko sa sarili ko.
Abangan nyo po yung next chapter kung ano na ang mangyayari kay Esha at yung mga plano ni John Dave Montebelle sa kanya. Thank you rin po pala sa nagbabasa at nag vote sa story na to. Suportahan niyo po yung MRG 'My Rooftop Girl'. Thank you po! *hugs&kisses*
-Cenif ^^
BINABASA MO ANG
My Rooftop Girl
Romans"I'm lucky to have fallen in love with you. You changed my life more than I could have asked for." Yan ang salitang gusto kung iparating sayo kung pano mo binago ang simpleng buhay ko. I'm just a simple girl, a normal student but everything change...