CHAPTER 11

3.2K 118 52
                                    

Ryan POV:

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama habang iniisip ang mga nangyari sa akin ngayung araw. Halos 11 na ng gabi at maraming bumabagabag sa aking isip at hindi ako madalaw dalaw ng antok kayat napag pasyahang kong lumabas muna ng kwarto at mag pahangin muna sa labas.

pababa ako ng hagdan ng masalubong ko si kuya na paakyat.

Nagkasalubong ang aming mga paningin at nakita ko ang pag ngiti nya.

Tumitig lang sya sakin habang nakangiti kaya ngumiti lang ako sa kanya ng pilit bilang tugon. Ng akmang malalampasan ko na sya ay napatigil ako dahil sa paghawak sa braso ko.

lumingun ako. Bakit po kuya?

Samahan mo muna si kuya sa kwarto. sabi nya sabay ngiti nito.

Ahh ehh kuya may gagawin pa ako eh di kasi ako makatulog.
tugon ko dahil hindi padin ako makapaniwala dahil ang taong hindi ako dati pinagtutuunan ng pansin ay ngayun ay pinapansin na ako at higit sa lahat ay inaanyayahan pa ako sa kwarto nya.

humigpit ang paghawak nya sakin.

Anong may gagawin halos mag hahating gabi na wag mo sabihin makikipagkita ka dyan sa albert na yan. Galit na sabi nya sakin habang tiim bagang syang nakatingin sa akin at ramdam ko din ang pag higpit pa lalo ng kanyang kamay sa akin.

Arrayy kuyya nasasaktan ako. pautal kong pagkakasabi dahil halos maihi na ako sa takot dahil ngayun ko lang syang nakitang magalit.

Ngunit tinignan nya lang ako mula paa hangang ulo sabay ngisi nito sa akin.

Nanginig ako sa ngisi nyang yun dahil sa takot at namalayan ki nalang na hinihila nya na ako papuntang kwarto nya.

Ano ba kuya ayaw ko nga sumama!!
pilit kong pakiusap sa kanya habang pilit na kumakawala sa mahigpit nyang pagkakahawak saking kamay.

Manahimik ka!! mahinang sigaw nya sakin habang nakatingin na tila galit na galit.

Natakot ako lalo at namalayan ko nalang na lumuluha na pala ako dahil sa kaba.

hindi na ako nagreklamo pa at sumunod nalang sa nais nya.

Nasaloob na kami ng kwarto nya ng bigla nya akong buhatin at marahang ibinaba sa kama nya. Nanatili akong tahimik at tinitignan ang mga kilos nya.

Nakita ko syang Naghubad ng damit at tumambad sakin ang mala adonis na katawan ng kuya ko at tanging boxer lang ang natira.

Kuyya? mahinang bigkas ko sa kanya na tila nagtatanong ngunit di sya tumugon at dirediretsong sumampa sa kama at nahiga.

Sumenyas sya na lumapit sa tabi nya ngunit nag dadalawang isip ako at binigyan nya ako ng nakakakilabot na titig at dalidali akong tumabi sa kanya.

Iniyakap nya ako sa kanyang mga bisig at nakaunan ang aking ulo sa kanyang braso. Naiilang ako at naguguluhan sa kanyang kilos dahil hindi naman sya ganoon dati.

Kuya doon nalang po ako matutulog sa kwarto. Pakiusap ko sa kanya ngunit humigpit lang lalo ang pagkakayakap nya.

Dito ka na matulog bunso at may darating na mga bisita bukas kaya matulog ka na. Marahang pagkakasabi nya na para bang nakikipag usap sya sa sang bata. Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa labis na tuwa na tanggap ako ng aking nag iisang kapatid at naranasan ko narin ang pagaaruga ng isang kuya.

tumango nalang ako bilang sagot at nakita ko ang pagngiti nya sabay halik sa noo ko. At doon ay nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

Nagising ako na wala na sa tabi ko si kuya tinignan ko ang orasan at 11 na pala napahaba pala ang tulog ko. Bumangon ako at lumabas upang pumunta sa aking kwarto.

Naligo ako at nagpalit ng damit at simpleng boxer short na hapit at sandong itim lang ang aking suot ko pinatuyo ko din ang mahabang buhok sa hair dryer dahil ayokong mabasa ang damit ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makarinig ako ng mga nagtatawan at naalala ko ang sinabi ni kuya na may bisita kami. Muli ay sumilay ang ngiti sa akin dahil sa wakas ay okay na kami ni kuya.

Patuloy lang ako sa pagbaba ng ang mga tawanan ay napatigil na tila ba may dumaang anghel. Pag angat ko ng aking mukha ay syang kita ko naman ang mga bisita namin na nakaupo sa sala.  Dalawa ay sa tantya ko ay kaedaran lang ni Daddy at ang tatlo naman ay mga binata na di naglalayo ang edad nila kay kuya. Masasabi kong may mga itsura sila lahat at mukhang mga pamilyar. Nakatitig lang sila sa akin na para ba nila akong sinusuri.

Nailang ako kaya ngumiti lang ako sa kanila ng pilit na nagpatulala naman sa kanila kaya't nag patuloy na lamang ako sa paglalakad papuntang kusina.

Nakasalubong ko pa si Daddy at kuya na galing din kusina at may mga dalang beer.

Good morning Daddy, Kuya. Bati ko sa kanila ngunit si kuya lamang ang tumugon habang si Daddy naman ay galit na nakatingin sa akin. Kinabahan ako dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Good morning din bunso. Tara ipapakilala ka namin sa mga tiyo at mga pinsan mo. Masiglang sinabi ni kuya sabay sakin at ngumiti lang ako at tango bilang tugon.

Nagsimula na kaming pumunta sa sala kung saan naroroon ang mga kamag anak daw namin. At nauuna kami ni kuya habang nasa likod naman namin si daddy at ramdam na ramdam ko ang pag titig nya mula sa likuran ko kaya'y tumabi pa lalo ako kay kuya dahil sa takot.

Author's note:

hellow guys dapat kahapon ako mag uupdaye kaso tinamad ako haha kaya nayun ko lang tinapos yung chapter 11 balak ko pa nga sana sa sat mag update kaso nakonsensya ako haha.

VOTE AND COMMENT naman po dyaN FOLLOW nadin.

Idededicate ko po yung chapter ng story ko sa nag fofollow sakin.

@SwagSuitDefendor

Thanks sa pag follow

The Beautiful Boy (boyxboy, M-preg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon