Prologue

25 0 0
                                    

Nagulat ako ng narinig ko ang tunog mula sa aking cellphone. At mas nakakagulat dahil galing ito sa taong tatlong taon ko ng di nakikita o nakakausap man lang.

"Hello?" I answered. I know who he is but I'll just pretend that I don't.

"Hello? Si Aiu ba ito?"

Wow, kilala niya pa pala ako. Pero hindi ito ang ikinakakaba ko. May iba pa. At natatakot akong ito na nga iyon. Sa tatlong taon na lumipas hindi man lang ako nakausad at natatakot akong siya ay nakausad na.

"Uhm, yup. This is Aiu. Sino 'to?" I asked. Pag ang tao minahal mo ng sobra kahit anino alam mo, saulo mo. Paano pa kaya kapag boses.

"Aiu! Si Callum to! How are you?" Para bang totoong magkaibigan kami sa galak ng kaniyang boses. Oh, we were. He was my best friend before he became my boyfriend.

"I'm okay, Cal. You?" Professional na talaga ako sa pagkukunwari.

"I'm fine. Aiu, I'm getting married!" Para akong nilaglagan ng bomba. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko, ang magmahal ng iba ang taong mahal ko. Pero mas nakakatakot at lalong mas masakit pala kapag iba na ang makakasama habang buhay ng mahal ko. Gumuho ang mundo ko. Para akong lumulutang. Parang may nabasag sa kaloob looban ko. Nanlambot ang mga tuhod ko. Napaupo ako at napahawak sa puso ko.

Pati ang pag lunok ay kay hirap na rin, lumandas ang luha sa aking mata. Pinahid ko agad to, "Ah... talaga. C-c-congrats Callum!" I smiled at myself. Pagyuko ko ay naguunahang bumaba ang aking mga luha. Stupid tears!

"Thanks! So, where are you? May kasunduan tayo, don't tell me nalimutan mo na?" Tunog pagta-tampo niya pero ramdam na ramdam ko ang saya niya.

Buti pa siya masaya na habang ako ay nandito pa rin kung saan niya iniwan. Bakit kaya may mga taong pinagtagpo pa kung hindi rin naman pala para sa isa't-isa. Bakit kailangan pa naming tumagal kung hindi rin naman pala kami hanggang dulo.

"I'm here sa Makati, sa condo." Tinakpan ko ang aking bibig para walang makatakas na hikbi. Ang usapan namin noon kung hindi kami magkakatuluyan, dapat ay maginom kami the night before his or my wedding. Sayang, kasi walang 'our' wedding meron lang 'his' wedding.

"Oh, okay. I'll text you, alright?" He ended the call.

Ako ay napasalampak at humikbi ng parang bata. Ang sakit sakit. Ang sakit sakit na iyong taong kasama mong bumuo ng pangarap ay sa ibang babae na tutuparin ang mga pangarap na yon. Ang sakit makita at malaman na may iba na siyang mahal. May iba nang magpapasaya sakanya. Nung nalaman kong may girlfriend na siya sobrang sakit na paano pa ngayong ikakasal na? Parang gusto kong magka-amnesia. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong makalimot sa sakit. Bakit ganon? Bakit hindi kami? Bakit ang sakit sakit pa rin? Bakit siya pa din? Bakit nakapagmahal na siya ng iba tapos ako nandito pa rin?

"Aiu? What happened?" Narinig ko ang yapak ni Azilea.

Agad siyang dumalo sa akin at niyakap.

"I heard the news last week. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo, I'm sorry." Hinagod niya ang likod ko.

"Lea, he's getting married." Iyak ko. She hugged me so tight while saying that everything will be alright. But I know, it will never be. Because he's still the one. And my one and only will get married to his one and only. How fucked up is this.

I'M wearing my pastel blue corporate attire and stilettos. Galing pa akong trabaho at hindi na ko nag-effort pang magpalit. Balak ko sanang mag dress kaya lang alam kong kahit anong paganda ko e hindi naman na rin siya babalik sa akin. Naglagay ako ng waterproof liquid eyeliner para lang lumaki ang chinita kong mata. Kailangan waterproof at smudge proof ang mga gagamitin ko ngayon para kahit anong iyak ko mamaya, maganda pa rin ako. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Aiukira, wag kang iiyak. Pero parang tanga talaga ako kasi naluluha ako. Tangina naman self! Ilang taon mo nang iniiyakan to ah? I sighed. "Think of happy thoughts. Kaya ko to. Kaya ko to. Nakaya ko to noon, kakayanin ko to ulit."

The Beginning of the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon