Aiukira Inoue

16 0 0
                                    

Nakasandal ako sa pinto habang nakaupo at nakadukdok sa mga tuhod ko. Nakataklob pa rin sa akin ang comforter. Wala na siya. Wala na talaga.

Akalain mo nga naman, ang pusong durog ay pwede pa palang mas madurog?

Ang sakit pala talaga. Tatlong taon ko rin kasing iniwasan maramdaman to. Kaya nga nagpakabusy ako. Lahat ng pwedeng gawin ginawa ko. Lahat ng pwedeng trabaho, trinabaho ko. Kasi gusto kong tumakas. Pati ang condo na to pinapalitan ko lahat. Kasi bawal sulok nito siya ang naaalala ko. Bawat hinga ko siya ang naiisip ko. Ni hindi ko na nga matignan ang sarili ko sa salamin, kasi sa tuwing gagawin ko naiiyak lang ako. Naiisip ko kung ano kulang sa akin at bakit hindi ako pinili.

Ang daming tanong. Ang daming theories. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang daming what ifs. Ang daming scenarios. Kasi ni-practice ko to eh. Ilang beses kong in-imagine tong pagkikita namin na to. Pero pag talagang nasa harapan mo na uurong ang dila mo. Mawawala ang lakas ng loob mo.

Tangina naman! Nagmahal lang naman ako pero bakit para akong mamamatay sa sakit? Aiukira naman! Bat ganiyan ka? Maswerte nga ako diba, kasi broken hearted lang ako, yung iba nga walang makain.

Pero bakit ang sakit sakit? Bakit hindi ako pinili? Bakit sa kabila ng pinagsamahan ay hindi pa rin ako ang kasama sa habambuhay?

After three years binigla niya ako sa balitang ikakasal na siya. Kung noon natakbuhan ko ang feelings ko ngayon mukhang hindi na. Wala na akong kawala. Hindi ko na alam. Paano ba magsisimula ulit? Paano ba ako makakatakbo ulit?

Lord, payakap naman po oh. Hindi ko na po kasi yata kaya. Isang pitik na lang po yata sa akin at bibigay na ako. Lord, ang daya Niyo naman po. Bakit Niyo po pinatagal ang relasyon namin kung sa huli hindi rin naman pala ako ang makakatuluyan?

Nakakatawang isipin. Nakakatawang pangyayari sa buhay. Nababaliw na yata ako. Nakakabaliw pala talagang magmahal. Pero mas nakakapagod. Nakakapagod makaramdam ng sakit.

Ito na naman ako sa araw araw na pag gising ko bigla kong maaalala yung bagay na gusto kong kalimutan.

Naalala ko pa noong unang beses kong nalaman na may iba na siya. Ngumiti ako, kasi ang sabi ko noon gusto kong magkaroon siya ng girlfriend para marealize niya iyong nawala nung nawala niya ako. Pero nang tumagal sila ang nakita kong seryoso siya, doon ako binagsakan ng langit. Iyong ngiti niya pag magkasama sila, alam ko yun. Alam na alam ko ang klaseng ngiti na minsan ay ako ang naging dahilan. Hinding hindi ko malilimutan kung paano ako sumalampak sa sahig habang tumutulo ang tubig mula sa shower. Kung paano ko iniyak ang lahat. Lahat ng pangarap ko ay kasama siya. Kaya nang mawala siya narealize ko na wala pala akong pangarap para sa sarili ko kasi lahat pala iyon ay para sa kanya. Nawala ako. Naiwala ko ang sarili ko. Kasi nung umalis siya, nawala ko rin ang lahat sa akin. Siya ang lahat lahat sa akin. Siya lang.

Si Callum kasi iyong takbuhan ko sa lahat ng bagay. He is my home. Siya iyong taong nandiyan lagi para sa akin. I tell everything to him. Hindi niya ako hinuhusgahan at hindi niya rin naman ako tino-tolerate. Kaya nung nawala siya sa akin nawala ang lahat sa akin. Para akong naiwan sa gitna ng madilim na tunnel, nangangapa at hindi makausad sa dilim. Kaya dapat never mong ibibigay ang lahat lahat sa isang tao kasi pag umalis sila tangay tangay nila ang lahat sayo.

Narinig kong may bumukas na pinto ni pag angat ng ulo ay di ko na magawa pati iyon nakakapagod na ring gawin.

Narinig ko ang yapak, "Oh my gosh, Aiu! What happened?" Nung maramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko ay doon lamang ako nagangat ng tingin. Bumuhos ng walang humpay ang mga luha ko. "Lea, wala na talaga. Wala nang pagasa. Wala na. Lea... anong gagawin ko? Paano ulit ako magsisimula?" I never cried in my entire life like this. Sobrang sikip sa dibdib at literal na masikip ang dibdib ko. Parang may tumutusok, parang kinukurot. It's like hearing your heart breaks. "Lea, pasampal naman oh? Baka naman panaginip lang to? Baka bukas ako pala yung bride? Nasa wow mali ba ako? Lalabas rin ba mamaya 'yong cameraman? Uy, Lea. Ano? Dali na, hindi naman ako magagalit eh." Nang hindi siya sumagot ay mas lalo akong humikbi.

The Beginning of the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon